E P I S O D E E I G H T

808 25 4
                                    

Gabi na ng makauwi kami ni Soryu. Hindi naman siya nakapasok agad dahil may tumawag sa kanya kaya pinauna niya na ako sa loob. Dumiretso agad ako sa kwarto para hindi makita si Eisuke.. Pero sana lang ang hindi na lang ako dun dumiretso dahil naabutan ko na nakaupo siya sa loob habang hawak hawak ang baso ng alak at may dalawang bote sa table.

Lalabas sana ako sa pagaakalang hindi niya ako nakita pero mali pala ako.

" Yuki," napatigil ako sa pagbukas ng pinto at humarap sa kanya.

" Sit here" malamig ang boses niya, hindi galit hindi din kalmado pero isa lang ang napansin ko. Malungkot siya.

Umupo ako harap niya. Inaasahan ko na magagalit siya saakin dahil sa pagtakbo ko kanina pero hindi siya nagsasalita.

" uhmm" panimula ko

" Yuki" nakatingin pa rin siya sa baso na hawak niya.

" Eisuke"

" Alam mo ba kung bakit binili kita nung araw na iyon" napatingin ako kay Eisuke.

"... You were afraid that day, and when you start crying..." nakita kong napakuyom siya ng kamao.

"... It makes me wanna hold you" hindi ko magawang makapagsalita. Ano bang pinagsasasabi niya.

"... I was there that day, nung kinuha ka nila, and how i regret and hated myself because i couldnt save you.."

Ano ba ang pinagsasasabi ni Eisuke.

" Lasing ka Eisuke magpahinga ka na"
Tumayo ako para lapitan siya.

" Please Yuki. Stop running away from me, hindi ko alam kung ano ang magagawa ko kapag may nangyari sayo" tumayo siya para mapantayan ako.

" Eisuke__.." bigla niyang ipinatong ang ulo niya sa balikat ko

" T-teka anong ginagawa mo...Eisuke"

Walang akong natangggap na sagot mula sa kanya. Ang tanging naririnig ko lang ay ang paghinga niya.

" E-Eisuke?" nang sinilip ko ay nakapikit siya. Teka tinulugan niya kaya ako.

" Eisuke" pinatayo ko pero nakapikit siya. Inilagay ko na lang ang kamay niya sa balikat ko at inalalayan siya papunta sa higaan.

Ibinagsak ko siya sa kama.

" Ang bigat mo"
Tatalikod na sana ako pero kinabig niya ang kamay ko at ngayun ay nakapatong na ako sa dibdib niya. Naramdaman kong uminit ang buong mukha ko.

" Uhm.. E- Eisuke" mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya saakin kaya hindi ako makagalaw.

" Eisuke ano bang ginagawa mo"

Inihiga niya ako sa kama at ngayun ay siya na ang nasa harap ko.

" Yuki" hindi ko magawang makapagsalita dahil sa sobrang lapit ng mukha niya, amoy alak siya pero, bakit iba ang epekto niya saakin.

" Be my girl, Yuki"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ilang segundo ding tumigil ang tibok ng puso ko. Bakit ganito na lang ang reaksyon ko.

" E-Eisuke"

" Be mine, Yuki, and mine only"

Naramdaman ko na lang ang halik ni Eisuke sa mga labi ko. Nagsimula na lang gumalaw ang mga labi niya sa labi ko. Hindi ko alam kung bakit may ibang sensasyon ang nararamdaman ko at aaminin ko gusto ko iyon.

Kusang pumikit ang mga mata ko at unti unting tumugon sa halik niya. Yuki ano bang ginagawa mo.

Mabilis siyang tumayo mula sa posisyon namin.

" I-Im sorry," yun lang ang sinabi niya bago mabilis na lumabas ng kwarto.

Napahawak ako sa dibdib ko. A-Anong ginawa ko. Bakit ko ginawa yun.

E-Eisuke....

---------------------------------------------------

Ano sa tingin niyo.. Leave youre comment guys. And thank you po sa nagbabasa. Pasensya na rin kung medyo matagal

K I S S E D by the B A D D E S T   B I D D E R (fanfic)Where stories live. Discover now