E P I S O D E F O R T Y T W O

511 14 1
                                    

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

" It was ten years ago, ...

  ...   naglalaro si Yumi sa playground sa gilid ng kalsada nung gabing iyon.  Pinagalitan kase siya ng mama niya kaya tumakbo siya at dumiretso siya playground.

"Yumi!!"  narinig niyang sigaw ng mama niya kaya tumago siya sa likod ng slide

"Yumi, lumabas ka diyan, lagot ka saakin kapag hindi ka nagpakita"

     sa sobrang takot niya, bigla siyang tumakbo palayo, tumawid siya sa kalsada, pero di niya alam  ay may isang kotse na dadaan.  Bumusina ito ng sobrang lakas"

"Mama!!" napaiyak na lang siya habang hindi makagalaw sa kinatatayuan niya

"mama!!"   biglang lumiko ang kotse sa kabilang linya ng kalsada para iwasan siya, pero may isang kotse na dumaan sa linyang ito dahilan para magkabanggaan ang dalawa.

    napaupo na lang si Yumi na umiiyak  habang nagsisilyaban ang dalawang kotse na naaksidente dahil sa pagiwas sa kanya. 

---------------------------------------------------------

" Im sorry Eisuke, hindi ko sinasadya"  umiiyak na sabi nito

"Yumi, b-bakit?"   

" Walang kasalanan ang lolo mo Eisuke wag mo siyang kamuhian, ako ang dahilan kung bakit nawala ang daddy mo, walang ibang ginawa ang lolo mo kungdi pagtakpan ang kasalanan na ginawa ko, patawarin mo ako Eisuke,"   umiiyak pa rin na saad niya

"Y-Yumi, hindi yun totoo diba, tell me its not true"

"Im sorry"   biglang tumingin si Eisuke sa lolo niya

"Tell me that this is not true" pero hindi lang nagsalita ito.

"eisuke... nung una kitang makita sa kalsadang iyon, nung una kong makita kung gaano ka  kalungkot  sabi ko sa sarili ko aalisin ko ang lungkot na iyon sa mga mata mo, pero hindi ko inaakala na mahuhulog ako sayo, simula nung tinawag mo ako,sabiko sa sarili ko lagi kitang pakikinggan.."

   napayuko si Yumi.

"Maraming salamat dahil minahal mo ako, dahil pinaramdam mo saakin na importante ako, sobrang saya ko kapag kasama kita, sa lahat ng oras na hinahawakan mo ako, sa mga oras na nagaalala ka saakin kahit hindi mo pikapakita. 

"Yumi.."  

".. sana wag kang magalit sa lolo mo Eisuke, wag kang magalit sa mundo, ipagpatuloy mo ang buhay mo Eisuke, wag kang tumigil ngumiti, wag mong ihinto ang buhay mo"

"What are you saying?"  

"..I cant live with you, knowing that im the reason behind why someone you love the most died, i cant bear to see you everyday, hurting, because of me"

"... Thank you Eisuke, sa bawat yakap at pagmamahal na ipinaramdam mo saakin, pero hindi ko deserve ang mga iyon.."

"Youre not thinking of killing youreself are you, Yumi"  saad ni Baba, ngumiti lang ng mapakla si Yumi

"Sobrang saya ko nung  tumira ako sa bahay kasama kayo,  Baba, hindi kita makakalimutan dahil sa mga oras na sinasabihan mong maganda ang legs ko, kahit naiinis ako, pinaparamdam mo saakin na ako ang pinakamagandang babae sa mundo, Ota, maraming salamat dahil sa mga oras na malungkot ako at feeling ko nagiisa ako,pinaparamdam mo saakin na may kasama ako"

"Tumigil ka nga Yumi wag kang magsalita ng ganyan, parang namamaalam ka"  nanginginig ng saad ni Ota

"Yumi"

"Eisuke.." sambit niya sa pangalan ni Eisuke at binigyan siya ng ngiti, a smile of goodbye.

"Ota, i -disarm mo ang bomba! bilis"    utos ni Eisuke

    mabilis na tumakbo si Ota papunta sa main switch ng bomba

"Eisuke....im sorry "  

   dahan dahan na itinaas ni Yumi ang kamay niya, dahil para mactivate ang bomba sa paligid niya. Huli na sila

"YUMI!!!!"  tila nagsihintuan ang lahat nang nasa paligid ni Eisuke at tanging liwanag mula sa pagsabog ang nakita niya kung saan nasaan si Yumi.

"Mahal kita"       ang mga salitang huli niyang nakita sa labi ni Yumi bago tuluyang mawala ang pigura niya sa liwanag 

"YUMI!!"   sigaw nito habang tumutulo ang luha sa mga mata niya.   Bago pa tumakbo si Eisuke sa kung saan ito ay pinigilan na siya ng mga kasama niya. nagsituluan na rin ang mga luha nina Ota at Baba, dahil sa ginawa ni Yumi

         it was their last time seeing her,  hindi iyon ang gusto nilang mangyari,pero iyon ang pinili si Yumi. Wala na silang magagawa dahil huli na ang lahat, nagdesisyon na siya. .

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------



K I S S E D by the B A D D E S T   B I D D E R (fanfic)Where stories live. Discover now