E P I S O D E N I N E T E E N

561 16 2
                                    

Dumiretso agad ako sa kwarto pagkatapos naming magusap. Tinamaan ako ng pagod sa lahat ng narinig ko.

Itinapon ko ang sarili ko sa higaan sabay buntong hininga. Hindi ko alam na ganun pala kasaklap ang nangyari kay Eisuke.

Halos 30 min. Na akong nakahiga doon at pilit na pinapatulog ang sarili para makalimutan ang nalaman ko kanina pero hindi talaga ako mapakali. Hindi ko magawang alisin sa isip ko si Eisuke. Paano na lang kung kailangan niya ng makakausap ngayun o taong maiiyakan kung sakaling maalala niya ang mga nagyari noon.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumayo. Pupuntahan ko si Eisuke ngayun para na rin sa katahimikan ko.

    Nakaharap ako ngayun sa pinto ng kwarto niya. Kakatok na sana ako pero hindi ko tinuloy.

" Teka ano bang ginagawa ko. "   tatalikod na sana ako pero pinigilan ko ulit ang sarili ko.

" Hindi kaya ko to"  huminga ako ng malalim bago tuluyang kumatok sa pinto.
     Nakatatlong beses na akong katok perong walang bumubukas.

" Eisuke? Andyan ka ba?"  katok ko ulit.

" Papasok ako" pinihit ko ang doorknob at hindi ito nakalock kaya tuluyan na akong pumasok.

  Nilibot ko ang paningin ko pero wala siya. Asan kaya si Eisuke, hindi ko siya nakita simula pa kanina.

" Eisuke?"  paghahanap ko sa kanya. Pumunta din ako sa cr para hanapin siya pero wala talaga siya. Sinubukan ko din na buksan ang pituan kung saan nakita ko yung mga memories niya sabkapatid niya ay nakalock din.

" Hintayin ko na lang kaya siya"  umupo ako sa sofa para hintayin siya.
Pero pagkatapis ng ilang minuto at wala pa rin siya kaya naisipan kong libutin ang kwarto niya. Malaki dib kase ito at sa loob ng kwarto niya ay may mga kwarto pa. Hindi ko alam kung kwarto pa ba ito o bahay sa loob ng bahay.

    Nakapasok ako sa kwarto kung saan lahat ng damit niya ay nakalagay. Nilibot ang mata ko sa buong kwarto.

" Woah!"  hindi ko magawang hindi mamangha sa sobrang dami ng damit niya. Para akong nasa mall. Lahat ng polo, pantalon at iba pa ay nasa kanya kanyang kinalalagyan. Astig.

    Binuksan ko ang isang drawer niya at puro necktie ang nakalagay. Napapawow na lang ako sa sobrang ganda.

    Binuksan ko din ang isa pang drawer sa katabi nun.

" Ano kaya to?" tanong ko sa sarili ko ng makakita ako ng garter. Bakit siya may garter sa drawer. Kinuha ko iyon at ibinuka.

Nanlaki ang mata ko sa nakita. Bigla ko na lang na nabitawan ito at naisara ang drawer.

Shit! Hindi ko alam na b-b-br..

" Ayy!!"  hindi ko magawang banggitin ang bagay na iyon.

Unti unti kong naiimagine si Eisuke na suot iyon.

" Waahh!!" tigil Yuki, tigilan mo na ang pagiisip ng ganyan.

    Mabilis akong lumabas sa kwarto na iyon. Paghindi pa baka siguro hindi ko alam kung ano pang maiisip at magagawa ko.
  Isinara ko ang pinto at pilit na nagiisip ng iba para mawala iyon sa isip ko.
  
   Nakita ko ang isang bukas na pintuan. Naisipan kong pumasok doon at nagbabakasakali na makita ako ng bagay na pwedeng maibaling sa iba ang isip ko.

" Wow" para akong na isang opisina. Dito siguro nagtatrabaho si Eisuke kapag wala siya sa opisina. Lumapit ako sa may table niya at tumingin sa malaking salamin. Kitang kita mula dito ang langit at mga nagkikislapang bituin.

        Napatingin naman ako sa table niya at lumapit ako doon. Hinawakan ko ang glass table niya. Pero isa lang ang napansin ko. Ang isang picture frame na nakataob.

   Ano kaya to? Kinuha ko iyon at tiningnan.

Nanlaki ang mata ko at napaatras.

" E-Eisuke?"
   Ano to? Bakit? Eisuke?

--------------------------------------------------------------------

Ano kaya sa tingin niyo ang nakita ni Yuki? Ani hula niyo ..

 

K I S S E D by the B A D D E S T   B I D D E R (fanfic)Where stories live. Discover now