chapter twenty
ocean jung
"Ocean!" Bigla ako nagising sa napakagandang beauty rest ko nang marinig ko ang boses ng mommy ko na kanina pa ata akong ginigising.
Narinig ko ang mga yapak ng mommy ko na pupunta sa kwarto ko kaya napatayo ako at chineck ang time sa phone ko.
8:30 AM
Binaba ko ang phone ko at binuksan na ang closet ng nga damit ko. Hanggang ngayon di pa rin ako makahanap ng magandang isuot, nakakahiya naman kasi pag hindi ako mukhang presentable sa harapan ni Sicheng mamaya.
"May bisita ka sa baba," Sambit ni mom na biglang sumungit ang mukha niya, ganito talaga to pag may bisita sa baba eh especially kapag mga bisita ko is lalaki.
"H-ha? Sino?" Alangan naman sina Lucas at Jungwoo yon kasi alam nila na wala ako mamaya bat nila ako bibisitahin diba?
Tsaka busy si Doyoung ngayon kaya di kami makakagala ngayon.
"Si sicheng, kanina pa siya nag-aantay sayo eh." Napalaki ako ng mata at bigla ako nagmadali na maghanap ng magandang damit.
"Nga pala nak?" Panimula ng nanay kong nakatingin lang sakin na nagmamadali nang maghanda.
"Sana mapapatuloy yang pagkakaibigan niyo ni Sicheng." Alam ko kung ano ang sinasabi ng mom ko dahil alam niya kung gaano ako kalungkot nung mga panahon na hindi na kami naguusap na ni Sicheng.
Yung nga panahon na parang masaya ako kapag nakikita ko lang siya napalitan ng mga mapapait na ngiti na makita ko siyang kasama na niya si Jacey.
"Sige ma, bibihis na ako baka nauurat na si sicheng sa baba." Ngumiti ako sa mommy ko at tinaas niya ang kilay niya. "Magpapaganda ka naman sa crush mo para di maturn-off sayo."
"Ma naman," I sighed at tinodo kong dinedeny na hindi ko na talaga crush si Sicheng at matagal na akong naka move on sakaniya dahil matagal na rin kami di naguusap.
Pero yung totoo niyan hindi ko pa kaya mag-move on sa kaniya.
Ewan ko, siguro dahil sa sobrang marupok ako sa kaniya kaya hindi ako agad-agad maka-move on kay Winwin.
"Hindi ko na siya crush okay?" Pero mas tinignan lang ako ng nanay ko ng masama at mapataas pa ng kilay si mayora.
"Hindi na crush kasi manliligaw na? Una nagbigay ng donuts tapos sunod ihahatid-sundo ka sa check up mo. Nako nak ah," Asar naman ni mom sakin.
"Eh syempre baka inutusan din naman nina Tita at Tito na bilhan ako. Ma, masakit mag-assume may something na yon kay Jacey okay." Ngunit hindi pa rin naniniwala ang nanay ko sa sinasabi ko sa kaniya.
"Lulusot ka pang bata ka, sige na mag-bihis ka na."
↔
"Ano sabi nina Mom and Dad?" Tanong agad ni Sicheng habang inaalayan ako na binubuksan ang pinto ng opisina ng kaniyang magulang.
"As far as today, napakalaking improvement daw ang nangyari sakin." I smiled warmly as I tried to review again the results of my tests.
Naalala ko pa nga kanina pati sina Tito and Tita inaasar ako dahil daw naging close kami ulit ni Sicheng at siya pa nag hatid sakin dito.
"Mabuti yun," He replied and smiled which made my heart soft, ito yung rason ko kung bakit nagustuhan ko siya dati. He's very pure and heart-warming.
Kapag sa chat medyo masungit siya, pero kapag nakilala mo siya personally parang sumama ka lang sa isang batang lalaki.
"Sicheng," Panimula ko habang nakakatulala lang sa kaniya na binabati mga staffs sa ospital.
Kahit yung iba chinichismiss na kami dahil magkasama kaming dalawa pero todo bati pa rin siya ng pure smile niya sa nakakasalubong niya.
"Bakit?" Tumingin siya sakin with a drawing of confusion on his face.
"Ang sarap mo lang tignan kapag ngumingiti ka hehe." Sabi ko sa kaniya na naging rason na mas ngumiti pa siya ng malapad "Alam ko naman yun, syempre mana to sa tatay."
"Nga pala Ocean." Sambit niya na naging rason kung bakit kami tumigil sa tapat ng kotse niya.
"Tara date tayo ngayon este friendly date tutal magkasama na rin tayo."
BINABASA MO ANG
ocean waves 。ᵈˢᶜ
أدب الهواة𝙤𝙘𝙚𝙖𝙣 (n.) his waves of happiness. nct tagalog epistolary + narrations © 2019 c o m p l e t e d. ꒰ realated works: dear sicheng。 ꒱