chapter twenty nine
ocean jung
"Sa tagal ko na sa Korea hindi ko alam sobrang ganda pala dito sa Jeju." Napakasaya na sambit ni Savannah at hinulog ang sarili sa napakalambot na kama dito sa kwarto ko.
Kakadating lang namin sa rest house at ilang oras din ang biyahe galing sa city papunta dito.
Naalala ko nung bata pa ako ang huling bakasyon ko dito sa Jeju pero kasama ko lamang si Mom and Dad ngayon mas lalo pang sumaya dahil kasama ko ang mga kaibigan naitinuring kong espesyal sa buhay ko.
"Ako rin eh," Dagdag ni Jella at umupo sa kama sabay lagay ng mga bag namin.
"Nung bata pa ako ang huling bakasyon ko dito, di ko na din masyado maalala kung ano mga masayang alaala ang ibinaon ko dito." Napakalalim kong na sinabi habang naktulala sa bintana sa labas.
Sa totoo lang, masyadong maganda ang Jeju Island lalo na yung dagat sa labas parang gusto ko na lang tumira dito habang buhay.
"Uy jella," Panimula naman ni Savannah samantala si Jella naman napatingin sa kaibigan kong nakahiga lamang.
"Nililigawan ka na pala ni Xuxi?" Tanong nito at sabay asar sa kaibigan kong nililigawan.
"Ah, oo nung nakaarang linggo lang, umamin ako sa kaniya na nadedevelop na ako ng feelings sa kaniya di ko rin namalayan na mag gusto pala yun sakin."
Nakakainggit no? Ako lang ang walang jowa samin eh. Ayoko rin naman magkajowa ngayon lalong lalo na sa kondisyon kong ito.
Baka sa sobrang saya kong magkakajowa baka naman isang araw mawawala na pala ako sa mundong to.
Masaya na ako na nagkakaroon ako ng napakadaming kaibigan magmula nung naging close ko si Doyoung, natuto ako maging open na din.
At natutunan kong sumaya sa piling ni Sicheng sa maliit na panahon kahit na di na naman kami nagpapansinan ngayon.
Habang naguusap ang dalawang kaibigan ko tungkol sa jowa nila, madami akong iniisip.
Paano kaya kung hanggang ngayon nagpapansinan pa rin kami? Siguro sobrang saya ko ngayon.
Naalala ko yung nga ngiti niya nung panahon na lumabas kami nung nakaraan, yun na ata ang first and last namin na gala na kami lang dalawa.
Dahil sa huli hindi na mangyayari yon, feeling ko masaya na rin siya kay Jacey ngayon.
Sa sobrang dami kong iniisip tungkol kay Sicheng, hindi ko na pala namamalayan na nasa loob na ng kwarto namin sina Mom and Dad.
"Lumabas na kayo diyan," Sambit ni Mom habang nakaakbay si Dad sa kaniya, naka-polo si Dad na blue tapos si Mom naman naka white dress na parang isang diwata lamang siya.
Dito ko talaga naman kagandahan ko kay Mom eh.
Charot lang, mukhang bampira na stick na nga ako dahil sa sakit ko. Rawr.
"Saan po tayo pupunta?" Tanong ko habang ang dalawang kaibigan ko naman, sobrang dahil pupunta naman sa labas ng rest house.
BINABASA MO ANG
ocean waves 。ᵈˢᶜ
Fanfiction𝙤𝙘𝙚𝙖𝙣 (n.) his waves of happiness. nct tagalog epistolary + narrations © 2019 c o m p l e t e d. ꒰ realated works: dear sicheng。 ꒱