Chapter 10

3.9K 177 72
                                    

Nagulat ako ng halikan nya ako sa Noo. Tinignan ko sya at nakatingin rin sya sakin. Hindi ko maalis ang aking mga titig sa kanya. Naisip ko lahat lahat ng Nangyari samin noon, Ang masasaya, Malungkot at masasakit. Pero nangingibabaw parin ang saya, Dahil noon sobrang saya namin. Relationship Goals na nga eh. Dahil halos lahat ng ginagawa ng mga couples nagawa na namin, Except syempre sa hindi pa pwedi. Pero bakit naging ganito kami ngayon? Ayan ang mga pumapasok ngayon sa isip ko. Ano kaya ang nasa isip nya ngayon? Katulad rin ba sakin? Ugh! Ano ba itong iniisip ko. Napaka sakit pero may halong saya? Ang gulo ng pakiramdam ko.

Tumayo agad ako at hindi alam ang gagawin. Nakatingin parin sya sakin at nakita kong nakangiti ang loko. Anong masaya sa ginawa nya? Alam nya ba na naghahalo ngayon ang nararamdaman ko? Parang may sasabog na kung ano, At yun ang akong puso. Pero syempre joke lang yun.haha

"Mahal mo parin ako"
Ayan ang mga salitang binitawan nya na nagpahinto sa aking nararamdaman ngayon. Tinignan ko sya ng nakakunot ang noo.

"Hanggang ngayon alam kong mahal mo parin ako. Tingnan mo nga sarili mo, Parang hindi mapakali- -"

"Stop it.!"
Hindi kona sya pinatapos pa. Ano bang pinagsasabi nya na mahal ko parin sya? Like duh. Hindi na no! Sya lang naman ang lapit ng lapit sakin kaya naiinis ako.

"Please Zeth. Umalis kana"

"Bakit ha? Please rin Ally patawarin mona ako"
Binigyan ko sya ng nakakalokong ngiti.

"Alam mo, Kung hindi molang ako niloko noon. Siguro napaka saya natin ngayon"
Nag iwas agad sya ng tingin sakin at itinuon ang mga tingin sa paligid. Yan kasi, Pa fall ang loko. Tapos ngayon babalikan nya ako? Para ano? Paasahin ulit?

"Ayoko na Zeth. Akala ko noon mahal mo talaga ako pero pinaasa molang pala ako. Hinintay mo na ma fall ako sayo at Ano? Naging masaya kaba dahil nagtagumpay ka? Dahil na fall ako sayo? Dahil minahal kita? Tapos ngayon babalik ka? Para paasahin ako ulit sa mga salita mong Kasinungalingan. Wag ako Zeth. Ang sakit na. Ayoko ng maulit pa ulit ang nangyari noon. Tama na, Please- -"

Hindi kona natuloy ang pagsasalita ko ng May humila sakin at niyakap ako ng mahigpit. Hindi kona ma control ang aking emosyon at napahagulgol na lamang ako ng iyak.

"Umalis kana muna dude!"
Rinig ko ang boses ni jerred. At alam kong si kian ngayon ang nakayakap sakin. Buti nalang nandito sila, dahil hindi ko alam ang aking gagawin kay zeth.

"Ally, Im sorry Pleas- - -"
Hindi na natapos ni Zeth ang sasabihin dahil hinila na sya ni Jerred pa punta sa pinto. Tinignan nya muna ako bago sya lumabas ng bahay. At doon na ako napa hagulgol ng tudo.

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon, Napaka sakit pero naaawa ako kay Zeth. Hindi ko naman kayang paniwalaan ang mga sinasabi nya, Malay mo hanggang ngayon niloloko lang pala nya ako. Mahirap pagkatiwalaan ang mga taong sinaktan kana noon.

Dinala ako ni kian sa Kwarto at magsasalita na sana sya pero pinigilan ko sya. Gusto ko munang mapag isa. Simula ng bumalik si zeth sa buhay ko, ang gulo-gulo na ng isip at pakiramdam ko. Si Zeth ang unang lalake na minahal ko, naalala kopa noon kung gaano kami ka sweet na couple.


*throwback*

Si Zeth ay isa sa kaibigan ko noon, Kami nina Loyd,fern and ella. Nang Dahil nagiging busy na yung tatlo sakin at si Zeth lang ang hindi masyado busy at ako. Minsan kami nalang ang magkasama ni zeth. Hinahatid nya ako pauwi dahil walang maghahatid sakin. Minsan kasi Sina Ella,Loyd or fern ang naghahatid sakin sa bahay dahil hindi pa ako pweding mag drive. Nang dahil palagi kaming magkasamang dalawa, Nagiging malapit na kami sa isat.isa.. Iba yung Closeness naming dalawa kesa sa tatlo. Kaya habang tumatagal, Bumubuo yung feelings ko sa kanya. At dahil nahalata nya rin yun, Hindi na sya nagpa tumpik-tumpik pa at sinabi rin sakin na gusto nya rin daw ako matagal na kaso nahihiya lang sya. At dahil gusto namin ang isat-isa, Naging kami ni Zeth.

Bawal ma Fall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon