Let's talk about my Crush (Miss Author Story)

1.2K 48 4
                                    

Ganito kasi yun, I am grade 11 student sa Colegio San Agustin-Bacolod. Accountancy,Business and Management yung strand ko and I'm Grade 11 ABM-A (Mga section A, magaganda at matatalino daw wahahahaha) 5 lang yung lalake namin at halos lahat kami babae. Ganern yun. So let's move on and let's talk about my crush.

Isang araw kasi, naglalakad kami sa corridor. Kasama ko mga friends ko (Rica and Rowena). I think may program that time sa school. I dont know lang. I can't remember eh. Basta walang class yun. Habang naglalakad kami, someone caught my attention. As in, hindi ko alam ang gagawin basta gwapo sya and maputi pa. I like his smile and he's wearing white polo shirt. And then I talk to my friends na "Uyy may nakita akong pogi. Crush kona yata yun" and they nodded. (Friends koba talaga sila? haha). Okay, after nun, mga ilang hours lang ang nakalipas nakita ko ulit sya but he looks different, parang may mali, parang hindi sya and yung damit nya hindi na white. Blue na. Kaya super na curious talaga ako. Sinabi ko sa mga friends ko na nakita ko ulit sya pero iba na yung color ng damit nya and then sinabi nila sakin "Baka wala talaga sya rito. Baka multo lang yun. Ikaw ha, may nakikita ka ng kakaiba ha. Color white tapos magiging blue yung damit? Hayy nako. Iba na yan" Ayan po ang sinabi nila.(frienda ko nga talaga sila?) So ganun, Na curious talaga ako pero hindi ko nalang pinansin. Basta crush ko parin sya.

Another day parang gusto ko ulit syang makita kaso hindi ko alam kong saan ko sya makikita kasi wala talaga akong alam. wahahahaha Hindi ko alam if anong grade na sya. Same grade ba kami or hindi. Anong strand nya kaya, hindi naman sya ABM kasi hindi ko sya nakikita sa 3rd floor kong saan nandoon ang lahat ng ABM students. Sadyang wala talaga akong alam if paano ko sya mahahanap. One day kinwento ko yun sa isa ko pang kaibigan si (Gladly) STEM student sya STEM-D. Nakalimutan ko reaction nya or sinabi nya noong ikwento ko about sa crush ko na hindi ko naman kilala. Basta kinwento kolang sa kanya. Ganern. Wahahaha

Ilang araw rin ang nakalipas parang naging busy narin sa mga PT's (Performance task), nakalimutan ko na nga yung crush ko eh. Basta nakikita ko sya minsan sa canteen, pero minsan lang. Hindi ko naman kayang tanungin if anong strand nya. Nakakahiya, pero atleast same school kami.Wahahaha. Tapos isang araw thursday yun, kapag kasi thursday, yung room namin nasa 2nd floor. Yung 2nd floor kasi, nandoon yung mga classrooms ng mga STEM students. So doon kami naka assign. Kami lang yung nag iisang ABM na nandoon sa floor ng STEM. As i remember may PT kami that time, yung kukuha ka ng surveys basta math yung subject namin. Napag desisyonan namin ng ka partner ko sa task na si Rowena na doon kami mag susurvey sa STEM-D kasi nandoon rin ang friend kong si Gladly. Yung task kasi namin, kahit saan, kahit anong strand basta makakuha ng survey. So yung survey namin is no. of your friends here in school lang. Humingi kami nh tulong sa friend kong si gladly kung paano kami makakapag survey sa kanila dahil nakakahiya sa mga teachers nila. And that time wala silang ginagawa, balak sana naming magsalita sa gitna para e explain sa kanila yung survey namin pero my friend gladly insisted na sya nalang daw bahala. Bigay lang daw namin sa kanya yung papel na may mga pangalan na ng mga classmates nya dahil sya nalang ang gagawa ng way para ma sagot ng mga classmates nya ang survey namin. So ayun, humingi kami ng mga names ng classmates nya para makakapag pili kami ng random names. So ayun nakalimutan ko if ilan yung STEM-D basta pumili kami yata ng 35 students. Tapos nilagay namin yung names nila sa papel (Ang hirap pa dahil hindi namin maintindihan yung mga names nila). After nun, Naglakad na kami papunta sa room ni gladly. While waiting for the paper, nasa labas kami nun ng room nila. Yung attention namin nakatutok sa baba, nasa may balcony kasi kami. Bigla akong humarap sa likod, natigilan yata ako ng magtama ang mata namin. Hindi ko alam pero bigla kong kinuha ang atensyon ni rowena at tinuro (secretly) yung lalake (si crush). Nahalata naman ni rowena na yung lalake yung crush ko. Pero ang hindi ko akalain, super nagpagulat sakin. Noong pumasok sya sa room ng STEM-D. As in, hindi ako makapaniwala. Tapos i asked gladly about him, and then she told me na classmate daw nila. And i was like 'WTF?' super na sad ako dahil hindi ko talaga mahanap yung crush ko tapos nandito lang pala sya. Tapos classmate pa sya ni gladly. Gosh! hindi talaga ako makapaniwala.

Bawal ma Fall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon