Chapter 3

6K 239 260
                                    


- - - - - - - - - - - - -

Chapter 3


Nandito ako ngayon sa sala namin. Nakahiga habang nag iisip kung ano ang una kong gagawin kapag dumating na si Dad at ang anak nya sa labas.

Napabalikwas ako sa pagkaka higa ng biglang bumukas ang pintuan. May pumasok na dalawang lalake. Yung isa si Dad, grabe bakit parang hindi tumatanda ang mga magulang ko? ganito ba talaga ang mga lahi namin? tapos tinignan ko ang kasama nya, isang napaka gwapo at napakatangkad na lalake. Nakangiti sya habang niyayakap naman sya ni Mom. Wow ha! close agad? ang landey talaga nang Mom ko.

Lumapit sila sakin. Ako naman nakatayo lang habang Tulala. Bwesit ang gwapo nya!. Napailing nalang ako sa mga iniisip ko.


"Ally baby, lalo kang gumanda"
Niyakap agad ako ni dad.

"I miss you so much"
Bulong nya tapos hinalikan ako sa pisngi. Ngumiti nalang ako sa kanya ng tipid, sa totoo lang hindi ako masaya. Ewan ko nga ba. Parang hindi ko na miss si dad. Siguro dahil nagtatampo ako dahil iniwan nya kami noon? siguro ganun nga, nasanay na kasi ako na walang ama.

"Where's Elly?".
Tanong ni dad kay mom, umalis muna si mom at tinawag si elly sa taas. Napatingin naman si daddy sakin.

"Hmm. Ally, this is Jerred, ang magiging kuya mo".
Tinignan ko naman si Jerred. Grabe bakit ang gwapo nya? ang ganda ng kulay kayumanggi nyang mata, ang kanyang mapupulang labi, ang makinis nyang mukha tapos ang hubog ng kanyang katawan....

"Hi, nice to see you"
Nabalik ako sa realidad ng magsalita si Jerred. Asa sya na tatawagin ko syang kuya. Like duh! Sabi ko nga diba? gusto ko, ako ang nakakatanda dapat.

Nginitian ko nalang sya. Kahit hindi naman talaga ako masaya na nandito sila sa harap ko. Kitang kita ko sa mga mata nya ang pagtitig nya ng maigi sa akin.

"Waaahhh Daddyyyyyy!"
Napangiwi ako sa sigaw ng kapatid kong si Elly. Hinalikan nya si dad at niyakap. Pinakilala naman nila si jerred kay elly. Kaya ayun, close sila agad. Bahala sila. Ayokong maging close sya. Dapat nga wala sya rito eh. Nakakainis!!

Pumunta nalang ako sa room tsaka nilock ang pintuan baka pumasok si mom o kaya si dad, ayoko muna ng istorbo. Nakakainis kasi. Oo gwapo si Jerred, pero panira sya sa amin eh. Kung hindi dahil sa nanay ng jerred na yan. Edi sana hindi nakipaghiwalay si dad kay mom. Tapos ngayon babalik si dad? at kasama pa ang anak nya sa kabit nya? paano kung sisiraan nya lang pala kami? paano kung may plano pala sila ng nanay nya na sirain ang pamilya namin? diba?

Nagulat ako ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Hindi ko sana papansinin kaso hindi talaga sya tumitigil sa pagkatok. Wala namang nagsasalita kaya feeling ko hindi to si mom or dad lalo't lalo na si Elly, kung sya yung kumakatok edi sana sinisigawan na nya ako. Kaya ayun agad ko itong binuksan. At sa di malamang dahilan, napa awang ang labi ko sa nakikita ko. Pakshit! bakit kasi ang gwapo nya? para syang artista na super gwapo at hot. At bakit ganito ang pumapasok sa isipan ko?

"bumaba kana daw"
Walang emosyong sabi nya sabay pamulsa.

"At bakit naman?"

"Mag uusap daw kayo ni dad.".
Aba, Dad rin pala tawag nya kay daddy? sabagay anak rin naman sya. Basta ako, naiinis ako sa kanya.

"Eh bakit ikaw ang pumunta rito? bakit hindi nalang si elly o kaya naman si Mom?"
Masungit na sabi ko sa kanya. Eh totoo naman kasi, pwedi naman si Mom or si Elly o di kaya si Daddy. Bakit sya pa ang pumunta rito sa taas at kausapin ako? gusto nyang maging close kami? asa sya.

Bawal ma Fall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon