Chapter 54

1.3K 67 7
                                    

Third Person's POV

Naglalakad ngayon si Allysha sa Park. Wala syang kinausap after nyang malaman ang lahat tungkol kay Zeth. Kahit si ella hindi nya kinausap at si Jacob. Nahahalata narin ni Jerred na parang matamlay sya pero hinayaan nya nalang ito. Kailangan muna ni Allysha mapag isa at makapag isip ng maayos dahil hanggang ngayon Buhay na buhay parin sa isip nya na buntis ang girlfriend ni Zeth at hanggang ngayon hindi parin sya makapaniwala.

Habang naglalakad sya may nakita syang lalake na naka upo sa bench. Biglang bumilis ang tibok ng puso nya. Tatalikod na sana sya para umalis at para hindi nya makausap ang lalake pero huli na ang lahat, Nakita na sya nito at nilapitan agad. Hindi sya makatingin sa mata ng lalake at yun ay si Zeth.

"Allysha"
Banggit ni zeth sa pangalan ni Ally. Hindi parin sya tinitignan ni Allysha. Nakatingin lang si Ally sa paligid.

"H-hi"
Nauutal na bati nya kay zeth.

Nahalata ni zeth na hindi sya tinitignan ni Allysha kaya Hinawakan nya ang mukha nito pero umiwas lang si Allysha.

"Hey, Are you okay? Im sorry hindi kita pinuntahan after sa tagaytay Im so Bus- -"
Hindi na nya natuloy ang pagsasalita ng tinhnan sya ni ally. Sa wakas nabaling rin ang tingin sa kanya.

"Im okay and It's okay Zeth. Dont worry, I know that your busy,"
Sabi nya. Balak nya pa sanang dagdagan ang huling sinabi na 'with her' Kaso sa isip nya nalang ito.

"Im sorry"
Hindi alam ni ally kung saan ba tallaga nag sosorry si Zeth. Sa hindi nya pag punta kay allysha dahil sinabi nyang pupunta sya or sa may girlfriend na sya at buntis pa ito.

"Stop saying sorry. Its not a big deal"

Hindi na nya tinignan si Zeth. Inilibot nya nalang ang tingin sa paligid. Iniisip nya na tumakbo nalang pero naisip nya rin na huwag. Dahil palagi nalang sya tumatakbo kapag nasasaktan sya. Tama na.

Nagulat sya ng hilahin sya ni zeth. Balak nya pa sanang agawin ang kamay nya kaso hinigpitan ito ni zeth. Wala na syang magagawa. Sinasaktan nya na naman ang sarili nya. Tama na sabi allysha eh. Masasaktan kana naman.

"Let's eat. Nagugutom narin kasi ako. And na miss kita"
Napakunot ang noo nya sa sinabi ni Zeth. Para syang batang hindi nakapag aral dahil talagang wala syang alam. Hindi nya alam kong ano ang sinasabi sa kanya ni Zeth.

Nagpahila nalang sya kay Zeth pero maraming tanong parin ang gumagala sa isip nya.

Bakit nya ako hinihila??

Dahil kakain daw kayo.

Bakit nya sinabing miss nya na ako??

Aba malay ko.

Bakit parang wala syang kasalanan??

Ano ba ang talaga ang kasalanan nya?

Na may anak sya? At may girlfriend sya?

Sino kaba para sa kanya??

Wala. Walang kami. Walang Allysha at Zeth. Wala. At hindi kami.

Gosh! Nababaliw na ako.

Bigla nyang sinabunutan ang sarili nyang buhok. Nababaliw na sya. Hindi nya alam kong ano ang pinag iisip nya.  May mga tanong at may mga sagot pero nagmumukha lang syang tanga. Gusto nyang ibaon ang mukha nya sa lupa.

Dinala sya ni Zeth sa isang Restaurant. Malapit lang dito sa park. Pinaupo sya nito at iniwan. Babalik rin daw sya dahil mag oorder lang sya.

Sige, Iwan moko. Huwag ka ng bumalik. Total wala ka namang rason para bumalik.

Bawal ma Fall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon