Chapter 33

1.7K 77 31
                                    

Jerred's POV

"Ano ba Jerred. Please Talk to me"
Galit na sabi sakin ni rica. Hinarap ko sya at tinignan ng masama. Pero hindi sya nag iwas ng tingin kundi nakipag sukatan din sya ng tingin sakin.

"Listen to me Rica. Kaibigan lang ang turing ko sayo okay? May mahal na akong iba."
Napahawak sya sa bibig nya at hinampas ako sa dibdib.

"I hate you! Akala ko ba ako ang mahal mo?"
Naiiyak na sabi nya. Mahal ko sya dahil kaibigan ko sya. At May mahal na akong iba at hindi sya.

"I'm sorry pero may mahal na akong iba"

"Sino?"

"Si Anj"
Natawa sya sa sagot ko. Hindi sya makapaniwala na si Anj ang mahal ko.

"Si Anj? yung kasama mo dati? Seriously jerred pumatol ka dun?"
Hindi talaga sya makapaniwala. Oo Mas bata si Anj ng dalawang taon sakin, Eh ano naman kung ganun?

"Age doesn't matter"
Sagot ko sa kanya.

"Mas maganda naman ako dun, Tsaka malaki yung pagkakaiba naming dalawa"
Biglang sabi nya.

"Yes. Sobrang laki ng pagkakaiba nyo. Maganda sya, Mabait, Makulit pero masarap kulitin, Sexy pero hindi bad girl katulad mo"
Napa nga-nga sya ulit sa sinabi ko. Gusto kong matawa sa reaction nya pero hindi ko magawa.

"Mahal mo talaga sya?"
Tumango ako sa kanya. Naiiyak na talaga sya. "Hindi na magbabago yun?"
Tumango ulit ako sa kanya.

"Hindi moba ako kayang mahalin dahil malandi ako? Dahil ba badgirl ako? pwedi ko naman yun baguhin para sayo. Kaya kung gawin ang lahat para sayo dahil mahal kita"
Tumulo na ang kanyang luha kaya hindi ko napigilan na lumapit sa kanya at hawakan ang pisngi nya. Pinunasan ko ang kanyang mga luha na dumadaloy sa mukha nya.

"Jerred, Babaguhin ko ang sarili ko para lang sayo. Ikaw lang kasi ang mahal ko"
Natawa ako bigla dahil hindi kona kaya. Napatigil sya sa pag iyak at tinignan ako ng masama.

"Bakit ka tumatawa?"
Naiinis na tanong nya. Ang cute nya talaga. Gusto ko sana syang asarin hanggang sa mag give up sya kaso hindi ko kayang Tingnan sya na umiiyak sa harap ko.

"Sige. Stop Laughing at me. Aalis na ako"
Tatalikod na sana sya ng hapitin ko sya sa bewang at pinaharap sakin.

"Bitawan mo nga ako. Aalis na ako. Total hindi mo naman ako Maha- -"

"I love you"
Napatitig sya sakin ng diretso.

"W-what d-did you say???"
Nauutal na tanong nya. Nginitian ko sya ng nakakaloko. I really love teasing her.

"Never mind"
Walang ganang sabi ko at binitawan na sya. Napaatras sya ng konti dahil sa pag bitiw ko sa kanyang bewang.

"Jerred!"
Galit na sigaw nya kaya pinaningkitan ko sya ng tingin.

"Ano ba sinabi ko sayo? Ano ulit yun?"
Naguguluhan na sya for sure. Ang sarap nyang asarin.

"You said that you love me"
Lumapit ako sa kanya at napa 'ha' ibig sabihin hindi ko sya naririnig. "You said you love me!!!" Malakas na sabi nya pero nagkunwari padin akong hindi ko narinig.
"I love you" Mahinang sabi nya at napayuko.

"I love you too"
Naangat nya bigla ang kanyang ulo at Biglang Napa nga-nga.

"I Thought- -"

"Joke kolang yun. Naniwala ka naman agad. Alam mo bang nakakatawa ka"
Sinamaan nya ako ng tingin.

"I hate you"
Inirapan nya ako.

Bawal ma Fall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon