Chapter 37

1.6K 70 3
                                    

"Jerred, Pahiram ng phone"
Sigaw ko sa kanya pero hindi nya parin ako pinapansin. Nainis tuloy ako.

Lumapit ako sa kanya at pinaningkitan sya ng mata. Ang ayaw ko sa lahat ay yung hindi ako pinapansin. Pakainin ko kaya sya ng Snow. Malakas pa naman ang buhos ng snow sa labas.

Yes, Hindi ko man gusto pero nagawa ko. Nandito na ako ngayon sa US kasama ang pamilya ko. Mga 2weeks na yata at hanggang ngayon malungkot parin ako. Sino ba naman ang hindi malulungkot kapag iniwan mo ang taong mahal mo. At hindi mo alam kong kailan kayo ulit magkikita. Gusto ko ng umuwi sa pilipinas pero wala akong magagawa dahil wala akong pera pamasahe tsaka baka mapagalitan pa ako.

Hindi ko alam kong bakit kami nandito sa US, Ang sinabi lang ni mom sakin ay may importanteng gagawin si dad at baka daw matatagalan bago matapos at ayaw nyang mahiwalay samin kaya lahat kami kasama nya dito. Hindi ko gets kong ano ang gagawin ni dad. Nakakainis nga eh. Malapit ng mag end ang school year marami na akong absent. 2nd year college pa naman ako. Gusto kona kasing makapagtapos at para wala ng stress sa school.

Nabalik ako sa realidad ng tumingin sya sakin. Nakangisi sya na parang ewan. Kinuha ko ang unan sa gilid at hinampas sa kanya. Nakakainis talaga sya tumingin.

"Pahiram ng phone!!!"
Inilayo nya sakin ang phone nya. Tumayo sya at lumayo sakin.

"Stop it okay?? May ginagawa ako. Huwag kang istorbo"
Inirapan ko sya. Nakita kong nag tatype sya. Lalo yata akong nainis. Magka text na naman sila ng girlfriend nya.

Naalala ko tuloy yung araw na sinabi nya sakin ang lahat. Yung umamin sya na gusto nya si rica. Nakakatawa talaga sya promise

*Flashback*

Sa tagaytay.

Pumasok ako sa hotel, Nakita ko si jerred na nakaupo sa sofa. Lumapit ako sa kanya.

"Saan ka galing?"
Tanong nya pero hindi ko sya pinansin. Tumabi ako sa kanya. At sumandal sa likod nya. Nakakatamad, Inaantok ako.

Tumahimik na lamang sya dahil baka inisip nya na wala akong gana makipag usap. Nalaman ko kasing pupunta rito si Rica and rowena, Nawala yata yung mood ko.

Nakita kong papalapit si mom samin. May dala syang tray.

"Cookies???"
Ipinatong nya sa tapat naming table ang cookies. "Where have you been?"

"Sa labas, Nagpahangin lang Mom- - Aray!!! "
Hinampas ko si Jerred ng bigla syang umatras at dahil nakasandal ako sa kanya ay natumba ako.

Tinignan ko sya ng masama.

"Bat nong ako ang nagtanong hindi mo sinagot??"

Hindi ko sya pinansin, Kumuha lang ako ng cookies na binake ni mommy na umalis na. Tumingin ako sa laptop nya ng bigla nya itong ilayo sakin. Tssk. Ang suplado talaga.

"Hindi mo maiintindihan ito, Pang matalino lang."

"Buti naiintindihan mo"
Sagot ko naman sa kanya na ikinatawa nya. Tumayo agad ito at umalis. Iniwan nya ang laptop nya kaya kinuha ko ito. Tinignan ko kung ano ang ginagawa nya. Hindi ko nga maintindihan.

I click the google and type Facebook. Hindi na ako nakapag facebook dahil busy masyado.  Pagka load nito, Facebook account agad ni jerred ang bumungad sa akin. Halos mandiri ako sa dami ng messages na hindi pa nya nabubuksan.

I click the search bar and to my surprise, Unang unang lumitaw ang pangalan ni Rica sa History. Napatakip ako sa aking bibig. Gosh! Yung malanding yun.

Bawal ma Fall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon