Chapter 12

3.6K 161 66
                                    

Elly's POV

Ako si Elly Mae Valencia, Ang kapatid ni Allysha. Ako yung pinaka maganda samin. Wag na kayong tumutol dahil wala rin naman kayong magagawa.

Kilalang kilala ko yung kapatid ko kahit hindi man halata na close kami. Halos lahat ng malapit sa kanya kilala ko. At alam kong ex nya si Zeth. Kitang kita ko noon kung gaano sila ka close ni Zeth. Si Zeth kasi Gwapo sya, Matalino, at higit sa lahat madaming nag kacrush sa kanya sa school.

Kitang kita ng dalawang mata ko kung gaano nila ka mahal ni Allysha ang isat-isa, Pero ang hindi ko lang alam kung bakit naghiwalay sila ng ganon-ganon na lamang. Alam ng lahat kung gaano sila ka sweet at the best na couple sa school namin noon, Pero bakit nga ba naghiwalay sila? Ayan ang tanong na hindi maalis sa isip ko noon, Mahal ko ang kapatid ko at ayaw kong may mga taong manakit sa kanya.

"Stop na Please."
Tinignan nya ako. Kitang kita sa mga mata nya kung gaano sya nasaktan. Oo matagal na iyon, Pero hindi mo naman masisisi ang isang tao diba? dahil nasaktan lang naman sya.

"Bakit ba nagkakaganito ako? Bakit ako affected hanggang ngayon? Bakit elly?"
Kung alam molang sana kung bakit, sana hindi ka nagkakaganito.

Nang maghiwalay sila ni Zeth, Akala ko hindi na sya magmamahal pang muli. Pero nagulat ako ng sagutin nya si John, at ang masaklap pa doon, Ginawa rin ni John sa kanya ang ginawa ni Zeth noon. Bakit ba pareho-pareho nalang palagi ang nga lalake? Hobby ba talaga nilang manakit ng babae?

"Bakit kasi hindi mo sya pinakinggan? Kung Nakinig kalang sa kanya sana Hindi kana nagkakaganito"
Kung handa kalang naman makinig kay Zeth, Sana tapos na ang lahat ng ito. Ayan kasi ang hirap sayo, Ayaw mong makinig.

"Bakit pa ako makikinig sa mga kasinungalingan nya? Ang sakit na"

"Eh bakit nasasaktan ka dyan? Alam mo naba ang reason nya?"
Gosh, Parang ako pa yata ang ate dito. Infairness nagiging seryoso ako, Isip bata kasi ako.

"Stop acting like you know what happened Elly. Please Leave me, I just want to be alone now. Please"
Hindi kona sya masisisi, Wala na akong magagawa. Siguro tadhana na ang gumawa sa kanila ng way para maging okay na ang lahat. Basta Bet ko so Zeth para kay Ally. I love Zeth no! Ang gwapo tapos ang galing pa mag basketball. Ayy! Ano ba itong pinagsasabi ko.

Lumabas na ako sa room nya at nakita ko si Kuya Jerred, nakatalikod sya at parang may kausap sya sa phone. Sino kaya ang kausap nya?

"Yes, I will do my best. Promise!"
Ayan lang ang narinig ko ng lumapit ako sa kanya. Bigla nya naman binaba ang phone nya ng makita nya ako.

Ang gwapo talaga ni Kuya Jerred. Ang swerte ko dahil naging kuya ko sya, Sana nga eh Hindi nalang kami magkadugo. Hahahaha

"Elly, Kamusta ate mo?"
Ito ang ayaw ko kay kuya jerred, Kapag magkasama kami si ally palagi ang nasa bibig nya. Oo close kami ni kuya jerred,palagi kaming magkasama pero alam nyo kung ano ang pinag uusapan namin kapag magkasama kami? Si Ally lang naman. Sya palagi ang topic namin, Ewan konga ba pero kung isipin koman na gusto nya si Ally, Parang hindi yata tama yun. Siguro Gusto nya lang malaman lahat ng tungkol kay Ally dahil hindi sila close.

"Hindi sya okay Kuya. Gusto nya daw mapag isa"

"Kasalanan to ni Zeth. Ano ba kasi ang mga pinagsasabi nya kay Ally. tss"
Minsan nagseselos na ako, Kasi palagi syang concern kay Ally. Naiinis ako na ewan.

"Sige kuya, May pupuntahan pa ako. Ikaw na muna bahala kay Ally".
Bumaba na agad ako at nagmadaling lumabas ng bahay. Gusto kong maka usap si Zeth. Gusto kong malaman lahat lahat, Hindi pa ako kontento sa nalaman ko. Gusto ko galing talaga sa kanya.

Bawal ma Fall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon