Chapter 50

1.5K 67 0
                                    

Zeth's POV

"Zeth, Pwedi bang sayo muna si baby zion? Pupunta lang ako kay Nikko. May shoot kasi sya ngayon"
Tumango nalang ako bilang sagot kay rowena. Maya maya Dinala na nya si Baby zion sakin. Nakangiti na naman sya. Napaka gwapo talaga nitong batang to. Madami nga ang nagsasabi na kamukha ko daw itong bata.

Paano hindi makukuha ang mukha sakin eh ako palagi ang kasama ng Mommy nya. Wala kasi si Nikko daw nagmomodel sa US kaya Nang malaman kong buntis si rowena, ako ang nag aalaga sa kanya. Ako nga minsan ang pinaglilihian nya. Parati nyang kinukurot ang pisngi ko at tsaka palagi syang nakayakap sakin dahil sarap na sarap sya sa amoy ko. Sinabi nya rin sakin na sana ako nalang daw ang kamukha ng baby nya pag labas. Kaya ayun, One half sa kanya na mana, one fourth sakin at one fourth kay Nikko.

Natatawa nga ako dahil pag uwi ni Nikko hindi nya akalain na parang kami pa ng anak nya ang magkamukha kesa sa kanya. Pero bilib rin ako sa lalakeng yun, Akala ko pa naman hindi nila mahal ang isat-isa ni rowena. Tapos bigla ko nalang malalaman na buntis na si rowena.

"Baby Zion, Lets go out okay?"
Kausap ko kay baby. Nilalaro nya yung paa nya. Wala akong alam sa pag alaga ng bata pero alam ko yung kapag kinakain ng bata ang paa nya. Sabi daw nila, Masusundan na daw sya kapag ganun. Wahahaha Hanep talaga itong di Nikko, Hindi pa nga lumalaki si Baby Zion, Susundan na agad.

Lumabas na kami ni baby. Nilalaro nya parin ang paa nya hanggang ngayon. Napaisip tuloy ako. Paano nalang kaya kapag baby to namin ni Allysha. Siguro napaka ganda ng magiging baby namin. Tsaka gusto ko, Sakin lahat magmamana. Pero napailing nalang agad ako. Hindi pa nga kami nakakapag usap, Baby na agad ang nasa isip ko. Gusto ko ng makausap si Allysha kaso hindi ko sya makita. Mamayang hapon daw sila babalik sa Manila kaya Sinabi ko narin sa mga kasama ko na mamayang hapon din kami uuwi. Sinadya ko talagang pumunta dito dahil nalaman ko kauly Jerred na pupunta dito sina Ally.

Na disappoint nga ako ng malaman kong Hindi na daw sila dito babalik. Gusto kong mamatay nalang dahil doon pero nagkausap kami ni Rica, Syempre na feel nya rin yung na feel ko dahil Kapatid ni ally ang boyfriend nya. Sabi nya sakin na maghintay lang daw kami dahil babalik din sila, Pati si rowena advice ng advice sakin. Pero kayo ba, Kaya nyo bang maghintay ng 3years? Sobrang Hirap. Nagpapakalasing nga ako para hindi kolang ma isip si ally at Iginugol ko nalang ang atensyon sa pag aaral kaya eto ngayon sa wakas nakapag tapos narin. BaLak ko sanang mag handle ng business ni dad kaso tinatamad ako. Parang hindi ko yata kaya dahil wala dito ang sigla ko. Si Allysha lang naman ang nagbibigay sigla sakin.

Kaya naging Photographer nalang ako. Nagulat nga ako dahil Wala talaga akong balak na maing photographer dito sa Tagaytay pero ng malaman kong Si Allysha ang kukuhanan, Pumayag ako. Temporary lang naman dahil nagkasakit daw ang photographer nila. Hindi ko nga rin akalain dahil ako pa ang ginawang partner nya dahil Sa ginawa ko. Sinadya ko talagang paglayuin sila ng Jacob na yun para makitang hindi sila bagay kaya ayun, Ipinalit ako kay Jacob. Gwapo naman din daw ako tsaka bagay mag Model.

Nagulat ako ng umiyak si Baby zion. Pinaharap ko sya sakin pero iyak parin sya ng iyak. Oh Shit! Wala akong alam sa bata. Ano ba ang gagawin ko? Nagugutom ba sya? Hindi pa naman ako marunong mag timpla ng gatas. Tsaka naka lock yung room nila hindi ako makapasok.

Ano ba naman yan. Umalis si rowena ng hindi busog ang bata? Ano ang gagawin ko dito?  Alangan naman ipa dede ko sakin. Tssk. Lalake ako!!

Napamura nalang ako dahil hindi ko alam ang gagawin. Naglakad ako papunta kong saan para tumahan sya. Ginawa kona talaga ang lahat, Nag make face na ako Kiniliti ko na sya pero lalo yatang umiyak.

Napatigil ako sa paglalakad ng makasalubong ko si Allysha. Naka Swimsuit sya. Wala syang shoot ngayon yun ang alam ko. Siguro magsiswimming sya. Napatingin sya sakin at agad napadako ang titig kay baby zion na umiiyak. Lumapit sya sakin.

Bawal ma Fall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon