Chapter 31

1.7K 76 3
                                    

Kian's POV

"Ano na?? Nagawa mona ba?"
Tanong agad ni brent sakin sa kabilang linya. Alam ko ang kanyang ibig sabihin, Tungkol to kay allysha and Zeth.

"Brent, Hindi ko kaya. Hindi na dapat natin to ginagawa. Mali to"
Narinig kong Napa mura sya.

"Anong mali? Mali bang ipaghiganti ang nawala na? Kian try to think of it. Nawala si karlee ng dahil sa kanilang dalawa. Nahihibang kana ba?"
Galit na galit na sya. Naiintindihan ko sya dahil close din sya noon kay karlee, Alam nyang mahal ni karlee si Zeth kaya ngayon galit na galit sya. Pero hindi eh. Hindi to tama.

"Mahal ko si Karlee, Brent. Pero hindi to tama. Hindi ko gagawin"
Pinatay kona agad ang tawag bago pa sya makapag salita.

Nagbago ang isip ko ng makilala ko si KC, Yung babaeng nakita ko sa tabi ng dagat kahapon.

*throwback*

"Karlee?"
Napalayo sya sakin bigla ng tawagin ko syang karlee.

Kitang kita ko sa mga mata nya kung gaano ito katulad sa mga mata ni karlee. Napakaganda at Katulad na katulad talaga ni karlee. Tinignan ko sya ng mabuti sa mukha. Kamukha nya si karlee. Kuhang kuha nya ang mukha ni karlee. Hindi ko sya kanina natitigan ng mabuti dahil wala ako sa pag iisip kanina. Dahil ang nasa isip ko kanina ay ang alaala namin ni karlee. Pero nagulat ako ng Kamukha nya talaga ito. Napayuko naman agad sya ng mahalatang nakatitig ako sa kanya. Hindi ako nagsisinungaling, Kamukha nya talaga ito.

Balak nya pa sanang umalis ng dali dali ko syang hinila at pinaharap sakin. Nakayuko parin sya. Hinawakan ko ang kanyang mukha para maiangat ito. Nagkatitigan kami ng maiangat ko ang mukha nya.

"I'm not karlee. I am KC"
Sabi nya at nag iwas ng tingin sakin. Kinuha nya naman ang kamay ko na nakahawak sa mukha nya. Titig na titig parin ako sa kanya. Pero nag iwas agad ako ng tingin sa kanyang mga mata ng makitang may Scar sya sa leeg nya. Parang hiniwa. Napakunot agad ang noo ko. Bigla ko itong nahawakan kaya tinapik nya ang kamay ko.

"I-I'm sorry"
Napakamot tuloy ako ng ulo ko. Tinignan nya ako ng masama.

"Who are you? Ano ba ang ginagawa mo"
Tanong nya sakin. Hindi ko talaga mapigilan na hindi makatitig sa mukha nya. Yung mga mata nya parang sya talaga.

"Sorry. I'm kian."
Pakilala ko sa kanya. Tinaasan nya ako ng kilay tsaka bigla syang ngumiti.

"You know what, Ang gwapo mo." Tumawa sya ng mahinhin kaya Napangiti ako. Ang ganda nya. "Pero bakit mo ako tinawag na Karlee? I'm not karlee. At tsaka sino yun?"

"Wala."
Umupo na ako ulit sa may bato. Nagulat ako ng tumabi sya sakin.

"Girlfriend mo ba yun? Magkamukha ba kami? Maganda sya no?"
Napangiti ako dahil sa mga katanungan nya. Ang kulit nya rin pala. "Alam mo may kilala rin akong Karlee, Kaso wala na sya." Napatingin ako bigla sa kanya. Biglang naging interesado ako sa kanya.

"May kilala kang karlee?"
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Yes. She's my younger sister. Kaso wala na sya. Nasa US kasi ako and then nabalitaan ko nalang na wala na pala sya. Sobrang sakit nun kasi hindi kami nakapag bonding man lang bago sya mawala." Napatigil sya "Hindi ko naman akalain na mawawala sya. Sya yung nag iisa kong kapatid. Tapos mawawala sya bigla"
Nagulat ako ng biglang tumulo ang kanyang luha. Hindi ko alam ang gagawin. Niyakap ko nalang sya dahil alam kong ito ang kailangan nya ngayon.

Bawal ma Fall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon