Chapter 16

2.9K 105 15
                                    

Lumabas na ako sa cafeteria at umiinit talaga ang buong katawan ko. Hindi ko talaga alam kong bakit ako nagkakaganito. Bakit ba ang landi landi ng babaeng yun? Akala nya naman papatulan sya ni kian.

Nakabusangot ako habang naglalakad sa daan, Ayoko ng kausap ngayon, ayoko ng may aabala sakin ngayon at mas lalong ayoko ng may hihila na naman sakin, ang sakit na ng kamay ko sa kaka hila nila. Ano ba ako para sa kanila para hilahin nalang nila bigla bigla. Ugh!

Napahinto ako sa paglalakad ng may lalake sa harapan ko. Tinignan ko sya ng masama, I really like his eyes. Ayy ano ba itong pinagsasabi ko. Kakasabi kolanh diba na ayoko ng may aabala sakin. Tapos ngayon nandito sya sa harap ko?

"Can you please be with me just a few minutes? I want you here by my side"
Tinaasan ko sya ng kilay. Bakit ba ang taong ayaw mona, pinipilit parin ang sarili para magustuhan mo sya.

"Are you nuts? I dont want to be with you!".
Nalungkot naman agad ang mukha nya. Ugh! ang ayaw ko talaga sa mga tao ay ang ma disappoint sila sakin. Nakakainis, parang ako pa talaga ang pinapalabas na may kasalanan.

"You did not accept my Flowers earlier, hindi ka sumama sakin papunta sa school and now hindi mo parin ako pagbibigyan."
Napa isip tuloy ako. Alam ko naman na mahal nya ako dahil sinabi na nya sakin paulit ulit. Pero wala na talaga eh. wala na ang pagmamahal ko noon sa kanya, nawala ito na parang bula. Kung sana hindi nya ako sinaktan noon, Magiging okay pa kami. Kaso hindi eh. Sinaktan nya talaga ako.

"Zeth, Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na ayoko na. Hindi na kita mahal at please lubayan mona ako."

"At ilang ulit korin ba sasabihin sayo na gagawin ko ang lahat magustuhan molang ulit ako katulad ng pagkagusto mo sakin noon."
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Parang natusok yata sa puso ko ang sinabi nya. Ok gustong gusto ko sya noon pero noon yun. At hindi kona maibanalik ang noon.

"Maghanap ka nalang kaya ng babaeng karapat dapat sayo. Maghanap ka ng babaeng babagay sayo. Yung magkasing katulad kayo ng ugali. Paasa, Pafall at lahat ng Pa nasa kanya na. Ganun"
Inirapan ko agad sya. Kahit sinabi na nya sakin lahat lahat ng dahilan nya. Hindi parin ako kontento. Oo noong sinabi nya sakin na hindi nya ako pinaasa, lumambot ang puso ko at naawa ako sa kanya pero naisip ko bigla na dapat ipakita ko sa kanya na matapang ako. Hindi ako basta basta nakukuha.

Parang nasaktan yata sya sa sinabi ko dahil naging seryoso ang mukha nya at natahimik sya. May mali ba sa sinabi ko? Parang wala naman ah.

Sumakit yata ang dibdib ko dahil parang mali pala yung sinabi ko. Nasaktan talaga sya eh. Hindi ko man makita pero ramdam ko. Natahimik kasi sya bigla tapos hindi na sya nagsalita pa. Hahawakan ko sana sya sa kamay ng tabigin nya ito.

"Kung yan man ang ikakasaya mo, Sige gagawin ko. Maging masaya lang ang mahal ko."
Napakunot ang noo ko sa sinasabi nya. Hindi ko sya maintindihan.

"Sige ingat ka ha? Maghahanap pa ako ng babaeng babagay sakin. Yung babaeng kasing tulad ng ugali ko, Paasa, pa fall at lahat ng Pa nasa kanya na. Para maging masaya kana. "
Tumalikod agad sya at naglakad na palayo. Nakonsensya tuloy ako. Parang sumakit yung dibdib ko habang nakikita ko syang papalayo sakin. Bakit ba ang tanga tanga ko. Hindi ako nag iisip. Salita lang ako ng salita, hindi ko namamalayan may nasasaktan na pala.

Gusto ko syang habulin pero hindi ko nagawa. Napayuko nalang ako at napa iling. Ang tanga ko talaga.

Pumunta nalang ako sa next subject ko at isang oras na nakatulala sa labas ng room. Iniisip ko kung totoo ba ang sinasabi ni zeth na maghahanap sya ng babae. Ang sama ko tuloy.

Lumabas na ang mga kaklasse ko at ako ay remain na naka upo parin sa upuan. Napabalikwas ako ng upo ng may naghampas sa mesa ko, It's Loyd.

Tinignan ko sya ng masama. Hampasin ba naman ang mesa ko, Ang sama nya promise.
"I miss you ally".
Sabi nya at niyakap ako ng mahigpit. Ilang araw din silang hindi nagpapakita sakin ha. Saan naman kaya sila pumunta.

Bawal ma Fall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon