Chapter 47

1.3K 59 0
                                    

Hinayaan muna ako ni Jacob kaya lumabas muna sya ng room. Alam kong magagalit sya sakin kapag sinabi ko ang dahilan kung bakit ako umiiyak. Oo, Inaamin kong mahal kopa hanggang ngayon si Zeth at Oo nasasaktan ako dahil hindi ko akalain na pagbalik ko rito, malalaman kong may anak na sya at sila pala ni rowena.

Tumayo muna ako sa pagkakahiga at naghanap ng maisusuot. Kinuha ko nalang ang Damit ni Jacob na nakasabit sa cabinet. Sinuot ko agad ito, Iba talaga kapag damit ng lalake. Parang dress kona yata ito. Pumasok agad ako sa banyo at naghilamos. Napabuntong hininga ako at tinignan ang sarili sa salamin. Bakit ba ako nagkakaganito? Noon, Ako yung gustong lumayo kay Zeth pero ngayon para akong tanga na sabik na sabik makita sya.

Lumabas na ako ng banyo, Napatingin ako kay Jacob na nakaupo sa Higaan at seryoso ang mukha. Tinignan nya ako. Para yata akong nahiya dahil sa mga titig nya. Para nyang sinusuri ang kabuuan ko. Sinuot kopa naman ang damit nya. Baka magalit sya.

"Sorry, Tinatamad kasi akong maghanap ng damit sa- -"

"Its okay. Bagay naman sayo"
He said at iniwas na ang tingin sakin. Na guilty tuloy ako. Alam kong hinihintay nya lang na sabihin ko sa kanya ang mga nangyayari.

Lumapit ako sa kanya. Hindi nya parin ako tinitignan. Naupo ako sa tabi nya. Siguro dapat ko ng sabihin sa kanya lahat lahat. Ayoko ng magtago pa nh sekreto sa kanya. Mahal ko si Jacob at ayokong magsinungaling sa kanya.

"Makikinig kaba kapag sinabi ko sayo lahat-lahat?"
Tinignan ko sya. Tahimik lang sya na nakatingin sa malayo. Hindi ko sya kayang basahin, Ang hirap nyang basahin. Pero nagulat ako ng mapatitig sya sakin. Hinawakan nya ang mukha ko.

"Spill it out."
Napatango na lang ako sa kanya. Napabuntong hininga muna ako bago nagsalita.

"Si Z-zeth"
Gosh! Bakit ba nauutal ako sa pangalan nya. Napaka seryoso nya tuloy "Ex ko sya" Napakunot ang noo nya. Gusto nyang ibuka ang bibig nya pero pinipigilan nya ito. Siguro gusto nya lang ituloy ang aking sasabihin.

"Sya yung unang lalake na minahal ko. Marami narin kaming napagdaanang problema. Maraming Tutol sa aming pag iibigan. Muntik na kaming mapahamak dahil sa pag iibigan namin. At dahil sa amin, May Taong namatay na hindi man lang namin alam."
Nakakunot parin ang kanyang noo.

"Noon, Nakipaghiwalay ako sa kanya dahil akala ko Pinaasa nya lang ako. Yun pala hindi. Sadyang may sumira lang talaga samin. And then hindi ko akalain na magkikita pa kami uli. Yes, Isa sya sa mga kabarkada ko noon kaya hindi malabong magkita pa kami pero akala ko kasi hindi na sya babalik pa. Kaya nagulat ako ng bumalik sya at gusto nya ring bumalik ako sa kanya."

"Hindi ko sya pinapansin. Minsan Iniinis ko sya at pinapagalitan pero hindi parin sya sumuko, Dahil gusto nya akong makuha ulit"

"At dumating ang araw na May tumangkang pumatay sakin. Iniligtas nya ako, Sinalo nya ang Kutsilyo na dapat sa akin yun."

"Pero doon ko narin na realize na mahal ko parin pala sya. Pero Doon din ang araw na kailangan kong umalis. Nangako ako sa kanya na babalikan ko sya, At pagbalik ko, magsisimula kami ulit. Pero Nung umalis ako papuntang US, Hindi ko akalain na magkakasakit si dad and then ayun, Nawala sya sa buhay namin at doon rin napag disesyonan ni Mom na huwag na bumalik dito sa pilipinas. Hindi ko alam pero parang masakit sa part nya dahil Nangako ako sa kanya na babalik ako. Pero hindi ko ginawa. At after 3years nagkita kami. Napaka sakit Jacob"

Nagulat ako ng yakapin nya ako. Hinalikan nya ako sa ulo ay hinagod hagod ang likod ko. Ayoko ng umiyak pero hindi ko talaga mapigilan.

"I dont care if nagkita kayo ngayon. I dont care Allysha. Dahil wala na syang karapatan sayo dahil akin kana. At ayokong maagaw ka nya sakin"
Kumalas ako sa pagkakayakap nya at pinahiran ang mukha ko. Tinignan ko sya.

Bawal ma Fall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon