Chapter 53

1.4K 70 16
                                    

"Beshhy, Wake up"
Ugh! Inaantok pa ako. Nakakainis naman itong bestfriend ko eh. Agang aga ginigising ako. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi.

"Wake up sleepy head. Your Prince charming is Waiting for you outside"
Napamulat ako ng wala sa oras.

"What the f? Bes, Okay kalang?"
Naupo agad ako sa kama. Hindi ko pinansin ang tanong ni ella. Pero Prince charming? Sino?

Tinignan ko si ella. Tinaas baba nya yung kilay nya tsaka ngumiti ng mapang asar.

"What did you say?"
Tanong ko sa kanya. Gosh! Nawala yata yung antok ko.

"Si prince charming mo nasa labas. So Gora na at salubungin sya"
Natatawang sabi nya. Inayos nya pa yung unan ko na nagulo. Magulo kasi ako matulog.

"So magluluto muna ako okay? Mag ayos kana dyan"
Magsasalita pa sana ako ng sinara na nya ang pinto.

Sinong prince charming? Hindi kaya si....

Nagmadali akong pumunta sa Cr at nag ayos. Napag desisyonan ko na maligo nalang. Bibilisan ko nalang.

Lumabas na ako at nag ayos ng sarili. Gosh Bakit sya nandito. Hindi ko alam pero napangiti ako ng parang baliw.

Lumabas na ako ng kwarto. Rinig na rinig ko ang tawa ni ella. Hanggang ngayon close parin sila ni ella. Naglakad na ako pababa pero napatigil ako ng marinig ko ang pinag usapan nila.

"Naku, Kayo talaga ang bagay"
Kinikilig na sabi ng kaibigan ko.

Naglakad na ako palapit sa kanila pero napahinto ako ng makita nila ako.

Alam nyo yung feeling na kinakabahan ka dahil makikita mo sya. Pero may halong saya pero nawala lahat ng yun at napalitan ng pagka dismaya. Dahil umasa ka na sya, yun pala iba.

"Hi"
Kitang kita ko kung gaano sya kasaya ng makita ako. Ang laki ng ngiti nya.

"Hay naku beshy. Ang corny ng Boyfriend mo"
Sabi ni ella habang nilalagay sa plato ang niluto nya.

Lumapit na ako kay Jacob at nginitian sya. Sya ang dahilan kung bakit inaantok pa ako kanina. Dahil sa nangyari kahapon tapos nandito na naman sya. Ayaw nya bang lisanin ang utak ko. Naguguluhan na talaga ako. Hindi na nga ako makapag isip ng maayos kagabi dahil sa kanya tapos. Ugh!

"Lets eat na"

"Okay kalang?"
Tanong ni Jacob tsaka inalalayan akong umupo sa stool. Tinignan ko sya at tinanguan. Hindi ako sanay sa ganito. Oo close na ako kay jacob pero bakit ngayon, nahihiya ako.

"Bakit ka nandito?"

"Ouch! Ano ba yan Bes, Ayaw mo bang makita si Jacob. Naku! Kung ako sayo hahalikan ko agad yan kapag boyfriend ko agad makikita ko sa umaga"
Sinamaan ko ng tingin si ella kaya tinikom naman nya ang bibig nya. Umalis muna sya para daw ayusin ang higaan nya na makalat. Tssk. Palusot nya talaga.

Nang makaalis na sya. Parang hindi kona yata kayang tumingin kay Jacob. Inaamin ko hindi parin maalis sa isip ko ang sinabi nya kahapon. Malinaw na kasi sakin na wala na kami pero bakit ganito sya sakin. Hindi ko maintindihan.

"Kain kana."
Kumuha sya ng plato at nilagay ito sa harap ko. Balak nya pa sanang kunin ang pagkain ng pigilan ko sya.

"Jacob stop"
Tinignan ko ang kamay ko na nakahawak sa kamay nya para pigilan sya.

"Jacob Please Stop this"
Nagulat ako ng hinawakan nya ang kamay ko at inalis ito sa pagkakahawak sa kanang kamay nya.

"Ayaw mong kumain? what do you want?"
Napabuntong hininga ako at tinignan sya. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. I dont know Jacob. I dont really know what's going on.

Bawal ma Fall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon