Chapter 30

1.8K 73 9
                                    

"Lahat ng storya ay nahahantong sa happy ending pero hindi lahat ng happy ending ay happy, minsan walang happy, Ending lang"

.

Kian's POV

Nandito ako ngayon nakaupo sa malaking bato katabi ang umaalon na dagat. Ang sarap lang ma langhap ang simoy ng hangin. Naiinis ako kay Jerred, Pakialamero. Akala mo naman alam nya lahat. Tss

May nakita akong isang maliit na bato at kinuha ko ito, Naalala ko tuloy ang bato na binigay sakin ng bestfriend ko. Hindi ko makakalimutan ang nilagay nya sa bato. Isang nakaukit na pangalan naming dalawa. Napangiti tuloy ako ng maalala ang mga iyon.

"Ilalagay ko dito yung name natin kasi forever tayong bestfriend"
Nakangiting sabi nya sakin.
"Kian and Karlee. Ang ganda talaga ng pangalan natin.
Masayang sabi nya.

Kitang kita ko kung gaano sya kasaya habang inuukit ang mga pangalan namin sa bato. Ang maganda nyang mukha na palagi kong nakikita at ang kanyang mga ngiti na kanyang ginagawa.

Pero hindi ko akalain na mawawala lahat ng iyon dahil lang sa pag ibig na kanyang inaasam asam.

Kung sana ako nalang, Ako nalang yung minahal nya. Edi sana masaya kami ngayon at sana hindi sya nawala sa buhay ko.

Naalala ko kung gaano sya nahihirapan makita ang kanyang mahal na may kasamang iba. Kung paano nya sulyapan ito araw araw sa school para makita lang sya. Oo aaminin ko, Nasasaktan ako dahil nagseselos ako. Ako yung kasama nya pero sa iba yung atensyon nya.

Si Karlee, Sya ang babaeng mahal na mahal ko  Pero may mahal syang iba at yun ay si Zeth. Noon, Iisang school lang kami. Hindi ako nakilala ni zeth kasi Nerd pa ako noon. Halos lahat ayaw makipag usap sakin dahil Nerd ako. Sadyang kami lang ni Karlee ang magkausap at magkaibigan. Sinasabi nya sa akin kung gaano nya ka gusto si Zeth. Si Zeth ay isang varsity ng basketball. Lahat ng mga babae hangang hanga sa kanya. Lahat gustong gusto sya, Kasama nadun si Karlee. Patay na patay si Karlee sa kanya. Kung saan sya pupunta, Nandoon din si karlee pero nakatago sya. Ayaw nyang malaman ni zeth na gusto sya ni karlee. Hindi sila close ni Zeth at never silang nagkausap. Sino ba ang papansin sa babaeng tahimik? At tsaka may nagugustuhan na si zeth sa school kaya asa na magustuhan nya si karlee. Maganda si karlee pero mahiyain lang talaga sya. Meron din ang nagkakagusyo sa kanya pero never syang tinignan ni zeth na inaasam asam nya na pansinin sya.

Kitang kita ko kung gaano sya nalungkot ng malaman nyang nililigawan ni zeth si Allysha. Si Allysha ay sikat rin sa aming school noon. Hindi lang sa maganda sya, Matalino pa at kayang gawin ang lahat. Kaya maraming humahanga sa kanya.

Nasasaktan ako kapag kinukwento ni Karlee sakin kung gaano sya nasasaktan sa mga nakikita nya. Pilit kong sinasabi sa kanya na wag na syang umasa pa kay Zeth dahil hindi rin naman sya mapapansin pero hindi sya sumusuko. Kaya wala na akong ginawa kundi hayaan sya. Kapag nakikita ko syang nasasaktan, Nasasaktan rin ako. Ayaw ko syang makita na umiiyak kapag nalalaman nyang magkasama si Allysha at Zeth.

At ang mas malala pa ay yung araw na sinagot ni allysha si Zeth. Kitang kita ng dalawang mata nya kung paano halikan ni zeth si allysha sa labi. Umiyak sya ng umiyak hanggang sa tumakbo sya palayo. Hinabol ko sya hanggang sa hilahin ko sya paharap sakin. Nasasaktan ako dahil umiiyak sya, Nasasaktan sya.

"Diba sinabi kona say- -"
Hindi na nya ako pinatapos pa dahil sinigawan nya ako.

"Stop Kian!! Oo Ang tanga ko. Umasa pa ako. Sino ba naman ako para pansinin nya diba? Ang Tanga tanga ko. Ang sakit sakit Kian!!!"
Niyakap ko sya dahil hindi kona kaya. I hold her Face and wiped her tears. Ang sakit pala makitang umiiyak sa harap mo ang babaeng mahal mo. Napaka sakit, At ang mas masakit pa ay umiiyak sya dahil sa iba.

Bawal ma Fall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon