Lets talk about my FAITH (Miss Author Story)

1.1K 50 10
                                    

God doesn't stop the bad things from happening; Thats never been part of the promise.

The Promise is:
I AM WITH YOU. I AM WITH YOU NOW, UNTIL THE END OF TIME.

I Just want to share my experience on how my faith went down and how my faith grow bigger.

Before the exam, to be honest super nawala na talaga ako. Wala na akong time kay GOD, hindi na ako nagdadasal ng maayos because i am so tired. So tired of PT's (Performance Tasks). That night, super tamad na talaga ako, yung mata ko gusto ng pumikit pero nilalabanan ko. And when i decided to sleep, i remember na magdadasal pa pala ako. So I prayed, but i think yung prayers ko hindi seryoso. Naalala ko that this few weeks, yung mga prayers ko, sobrang bilis nalang. Parang wala lang. Parang pinapakita ko nalang na nagdadasal ako, pero hindi ko sineseryoso. So that night nakatulog na ako. And doon din nagsimula ang nightmare ko.

I was dreaming na may pumasok sa room ko and then someone raped me. My bed was shaking. And then i cried. Hindi ko nakikita kong sino ang someone na pumasok at ginagahasa ako but suddenly i heard someone's voice, babae sya. Sumisigaw sya ng "Sabihin mo, IN JESUS NAME" Sinisigawan nya ako. Paulit ulit nyang sinasabi sakin na "SABIHIN MO IN JESUS NAME". So i obeyed her, but when i was able to shout the word IN JESUS NAME. Natigilan ako. Hindi ko masabi ang In jesus name. Sadyang "In Je- -" Hindi ko masabi ang JESUS na word. Parang may pumipigil sakin na huwag kong ituloy. Hanggang "In je- -" lang talaga ako. Iyak na ako ng iyak, pinipilit kong sabihin ang in jesus name but i failed. Hindi ko kayang sabihin, the girl keep shouting at me but wala na akong nagawa kundi umiyak. And then parang may na fefeel akong may humihila sakin pababa, i can't see. Sadyang madilim at wala akong makita, and pumupikit ako. Na feel ko na naman na may humihila sakin pababa, pababa kung saan super dilim. Umiiyak na ako. I wan to shout IN JESUS NAME but hindi ko magawa. Hanggang sa nilabanan ko, dinig na dinig ko padin ang sigaw ng babae sakin na sabihin ko daw ang in jesus name. Nilabanan ko, pinilit kong dumilat. Nasasaktan na ako kasi hinihila na talaga ako palalim. Hanggang sa bigla nalang ako napadilat. I saw myself na natatakot. Pinipilit kunin ang comforter to hide myself. Feel ko may nakatingin sakin. Tapos na ang panaginip ko but i was so scared.

After that nightmare i talk to my friends about what happened to me, lahat sila nag aalala sakin and one of my friends said na "Kailangan mong labanan kapag naulit yun. Dahil kapag hindi mo nilabanan, mamamatay ka". Takot ako, natatakot ako. I dont know what happened to me. I dont know if bakit nagiging ganito ako. I dont want to die.

When i went home, sinabi kodin kay mama. She said na "Baka busog kalang kaya ka nagka ganun" and "Late kana kasi nagdidinner kaya after mong mag dinner natutulog ka agad. Hindi kapa nga natutunawan" After nyang sabihin yun, feel ko nawala yung takot ko. Baka nga ganun, baka nga busog lang talaga ako. Late na kasi talaga ako kumakain dahil busy sa mga projects and anything.

Exams na. Exam week na. Tuesday yata yun, before i sleep na alala ko sinabi ng mama ko sakin "Turn on your TV para maingay yung room mo. Everyday mag ingay ka sa room mo." and then sabi ko "Ah wag na. Matutulog na ako eh" and then pumasok na ako sa room. Matutulog na sana ako but hindi pa ako inaantok kaya nagbasa muna ako. And after ng ilang hours nakaramdam na ako ng antok. Matutulog na sana ako but i remember na magdadasal pa pala ako. So nagdasal ako ng super bilis, hindi galing sa heart ko dahil gusto kona talagang matulog.

And then, my nightmare came back. My last nightmare and now are the same. Setting, sa room. May pumasok and ginahasa ako and then nanginig na naman ang bed ko. And then may sumigaw na naman na babae sabi nya "IN JESUS NAME" And then may humihila na naman sakin. But this time may isang nag iba. Last time, yung sumisigaw na babae "SUMIGAW KA NG IN JESUS NAME" Hindi ko kayang isigaw yun, dahil hindi ko maibigkas ang JESUS. But now, kaya kona!! Kaya ko ng isigaw ang "IN JESUS NAME" paulit ulit kong sinisigaw yun but hinihila talaga ako pababa ng pababa. Nilabanan ko katulad ng ginawa ko sa last nightmare ko, pinilit kong dumilat, iyak na ako ng iyak. Gusto ko ng mag give up but suddenly, nagulat ako ng bigla akong dumilat. I saw my window, yung ilaw sa may window ko. Natatakot na ako after that night. Pinilit kong matulog ulit hanggang sa nakatulog na talaga ako.

Bawal ma Fall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon