Prologue

1.5K 69 3
                                    


      " Mommy susunod po ba si kuya sa atin?" tanong ng dose anyos na si Meng.

      " That would be up to your kuya kung susunod sya." sagot ng mommy nya.

      " Kuya susunod ka ba?" baling ng dalagita sa kuya nya.

      " Di ko alam Baby Girl. Pero I'll try." sagot ng bente anyos na si Nico sa kapatid nya.

      " Yan din ang sabi mo nung nagswimming kami nung birthday ko eh. Sabi you'll try pero you did not show up. Kayo ni Rj. Kaya I fon't believe you." sabi ji Meng na tumulo na ang luha.

       Nagkatinginan ang mag inang Mary Ann at Nico. Nakikiusap ang mga mata ni Mary Ann sa anak.

       " This time I promise. After graduation papasyalan kita dun. Yun ang hihingin kong graduation gift kay Daddy. Kaya tahan na Baby Girl. Alam mo namang nahuhurt si Kuya pag umiiyak ka eh." sabi ni Nico sabay yakap sa kapatid.

        " Will Rj come with you kuya?" tanong ni Meng sabay baling sa bestfriend ng kuya nya na nasa likuran ng kuya nya.

         " Itatry lang natin Baby Girl ha.  Wala pa kasing visa si Rj eh. Remember nadeny sya nung nag Disneyland tayo?  So kailangan nyang mag apply uli." sabi ni Nico sa kapatid na hindi maampat ang luha.

         " Rj, when kuya comes to visit sama ka ha. Kasi malulungkot ako pag di ka nakasama. I'll miss you din." baling ni Meng kay Rj.

         " Oo Meng ngayon pa lang magpapractice na kami ni Nico para sa question and answer sa immigration. Para makapasa na ako. Mamimiss din kita." sabi ni Rj sa dalagita.

         " Promise mo hihintayin mo ako magdalaga ha. Ako lang ang sweetheart mo ha." ang sabi ni Meng kay Rj.

         Nagkatinginan silang tatlo sa sinabi ni Meng.

         " Oo promise ikaw lang ang sweetheart ko at hihintayin kitang magdalaga." sagot ni Rj.

         Pinunasan ni Meng ang luha sa pisngi nya at ngumiti ng matamis kay Rj. Kitang kita ang braces ng dalagita sa pag ngiti nyang iyon. Inayos ng dalagita ang makapal nyang salamin at hinarap muli ang kuya nya.

         " Kuya you take care of Daddy ha. Tell him na don't drink coffee too much at saka if he time visit me sa New York ha. Tell him na I'll miss him at saka sana nandito sya ngayon para ihatid kami ni Mommy. And also tell him na hindi ako galit sa kanya, that I love him so much ha. Please kuya tell him to visit me pag may time sya ha?" muling tumulo ang luha sa mga mata ni Meng sa mga bilin nya sa kuya nya para sa Daddy nya. ( naiiyak din po si otor habang nagsusulat)

       Tumutulo na rin ang luha ng mommy ni Meng. Niyakap sya ni Nico at hinalikan sa noo.

       " Alam ko namang mahal ka ni Daddy diba?  Nagkataon lang na may out of town sya ngayon na hindi nya pwedeng icancel kasi malaking contract yun pero I'm sure pag free na sya papasyal yun sa iyo. Hintayin ko lang sya ha. Don't forget to call me regularly ha. Tapos make many friends dun sa bago mong school ha. Magaling ka namang mag english kaya I'm sure di ka mahihirapan dun. Hintayin mo lang kami ni Rj after graduation ha. We'll try hard para mabisita ka." ang sabi ni Nico na napipiyok na sa pagpipigil na umiyak.
       Mahal na mahal nya ang kapatid nya dahil hiniling nya ito sa Diyos na bigyan sya ng kapatid para mabawasan ang lungkot ng bahay nila. Kaya nung malaman nyang buntis na ang mommy nya ay ipinangako nya sa sarili nyang aalagaan nya ng husto ang kapatid.

        Nalulungkot din si Rj dahil parang kapatid na rin ang turing nya kay Meng. Alam din nyang matagal ng may crush sa kanya ang dalagita pero di nya ito pinapansin. Kapatid ang turing nya dito dahil kay Nico na matalik nyang kaibigan.

         " Okay na po ako mommy. Let's go inside na. Baka po maiwan na tayo ng plane. Kuya remember your promise ha. Rj ikaw din ha. Wag nyo kong kakalimutan ha." ang sabi ji Meng na lalong lumakas ang agos ng luha.

          Pagkasabi noon ay hinila na nya ang mommy nya papasok sa loob ng airport.  Niyakap uli ni Mary Ann ang panganay nya at nagpahila na kay Meng papasok. Di na lumingon si Meng hanggang makapasok. Si Nico naman ay tuluyan nang umiyak dahil palayo na ang pinakamamahal nyang kapatid at hindi sya sigurado kung kelan nya ito uli makikita.

        Magkakahiwalay sila dahil finally natapos na ang divorce ang parrnts nila na matagal ng dapat ginawa. Nagdecidw ang mommy nila na sa U. S. na tuluyang tumira kasama ni Meng at sya ay maiiwan kasama ng daddy nya. Gustuhin man nyang sumama sa ina at kapatid ay di nya magawa dahil sya ang magiging katulong ng daddy nya sa mga business nila.

        Tinapik tapik sya sa balikat ng kaibigang si Rj.

        Naglakad na sila palabas nang di na nila makita sina Meng at Mary Ann. Laglag ang balikat ng dalawang binata.

************************************************************************

Hi guys...  Im crying habang nagsusulat sorry. Sana magustuhan nyo itong bago na ito...  Napanaginipan ko po ito kaya sinulat ko...

Please vote and comment. Thank ypu and enjoy.

Ako pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon