Nang magtama ang mga mata nina Rj at Maine ay parang tumigil ang oras. Parang naririnig ni Maine ang mga sinasabi ni Manong Johnny sa sulat nito. Napaisip ang dalaga kung tama nga ba ito na mas magiging masaya lang sya kung matututo syang magpatawad? Mapapatawad nya ba si Rj sa kasalanan nito? Nang magtama ang mga mata. Nila ni Rj ay para syang nalinod dito.Dahan dahang inangat ni Rj ang kamay nya para pahirin ang luha ni Maine. Parang pati puso ng dalaga ay hinaplos ni Rj sa haplos nya na yun. Kaya nya na bang patawarin ang binata? Sa di kalayuan ay umiiyak din si Manang Gina. Alam nya kung gaano kamahal ng asawa nya ang dalawang batang ito. Sa dalawang ito ibinuhos ni Manong Johnny ang pagmamahal na dapat ay sa mga naging anak nila kung nagkaroon man sila. Alam din nyang naging masaya ito sa huling mga araw nito dahil nakasama nito ng madalas si Rj.
" Tahan na. Ayaw ni Manong Johnny na umiiyak ka diba?" Sabi ni Rj kay Maine.
" It just hurts. I should have been here. I should have at least visited." Sabi ni Maine.
" I was here everyday that month but not on that day. Sinisisi ko ang sarili ko na why of all the days that I was here I decided to drink with friends the night before. Tapos hapon na ako nagising the next day kung hindi pa ako ginising telling me what happened. I blamed myself until I read the letter that he left for me." Sabi ni Rj.
" What did he say to you?" Tanong ni Maine.
" He told me not to blame myself. Its as if he knew that he will die that day. And he strictly told me to take care of you. Sabi nya, wag daw akong papayag na tuluyan kang mawala sa akin. Ipaglaban ko daw yung pagmamahal ko sa iyo." Sabi ni Rj.
Napayuko si Maine sa sinabi ni Rj. Hinawakan ni Rj ang baba nya at itinaas ang mukha nya para magkatinginan sila sa mata.
" Maine I know na nasaktan kita noon. Pero please give me a chance. Give us a chance. Tama si Manong Johnny. I should not have let you go noon. I should have shown you my true feelings at pinatunayan ko sa iyo na mahal talaga kita kahit bata ka pa." sabi ni Rj.
" Ewan ko Rj. I don't know what to do. I'm confused." Sabi ni Maine.
" Naiintindihan kita. I'll give you time. I will not rush you. Pero please think about it. About us." Sabi ni Rj habang hawak ang mga kamay ni Maine.
" I will." Maiksing sagot ni Maine.
Napangiti naman si Rj sa sagot ng dalaga. Hawak pa rin ni Rj ang kamay ni Maine at di rin ito bumibitiw. Tahimik lang silang nakaupo ng magkatabi. Si Maine nakatingin sa puntod ni Manong Johnny at si Rj nakatingin kay Maine. Di nila namalayan na kanina pa sila iniwan ni Manang Gina na may ngiti na sa mga labi.
Maya maya ay tumunog ang cellphone ni Rj. Sinagot nya ito na hawak pa rin ng isang kamay nya ang kamay ni Maine. Nang matapos ang call ay tumingin sya kay Maine na nakatingin din sa kanya.
" Kailangan na nating bumalik. That was Dean, he said na prepared na ang lunch natin. And your Dad is home." Ang sabi ni Rj.
Tumango lang si Maine at tumayo na. Naglakad na sila pabalik sa bahay. All the while ay nakaalalay si Rj kay Maine. Malayo pa lang ay nakita na nila si Dean sa labas ng bahay. Nang makita sila ng binata ay tumakbo ito agad papunta sa kanila.
" We have a problem babe." Salubong ni Dean sa kanila.
" What?" Takang tanong ni Maine.
" Your Dad thought that I am your boyfriend and he is pissed off." Sabi ni Dean kay Maine.
" So what if he thought that you are my boyfriend?" Takang tanong ni Maine.

BINABASA MO ANG
Ako pa ba?
FanfictionBestfriend sya ng kuya nya. Nagkahiwalay sila then when they saw each other again ang dami ng nagbago sa kanilang dalawa. Kaya ang tanong nila... Ako pa ba?