" Okay ka lang pre?" tanong ni Nico kay Rj." Inom na lang tayo pre." sagot ni Rj kay Nico.
Kumuha ng maiinom si Nico at pulutan. Dinala nya ito sa terrace kung saan nandun si Rj. Pagkalapag nya ng alak ay agad na kumuha ng baso si Rj at nilagyan ito ng alak at ininom ng straight. Nang maubos ay nagsalin uli. Ininom uli ng binata ng straight ang alak sa baso nya. Nagtagay uli ang binata sa baso nya at iinumin nya na sana nang pinigilan sya ni Nico.
" Dahan dahan lang." sabi ni Nico sa kaibigan.
Nakininig naman si Rj. Nilagyan nya ng ice ang iniinom at dahan dahan itong ininom. Tahimik lang silang dalawa. Pinabayaan muna ni Nico ang kaibigan dahil alam nya ang pinagdadaanan nito. Alam nya lahat ng sakripisyo nito.
" Bakit ganun pre?" tanong ni Rj sa kaibigan.
Tahimik lang si Nico. Gusto nyang ilabas ni Rj ang nararamdaman nito.
" I've waited for this time. Tiniis kong di sya makita for her to have a normal life. Tiniis ko na di sya puntahan o lapitan twing pupuntahan ko sya. Tiniis kong tanawin lang sya for how many years kasi sabi ko she'll get over her infatuation. Bakit ganun? Ang sakit sakit dahil galit sya sa akin. Akala nya di ko tinupad ang pangako ko sa kanya. Pero pre alam mo na I've waited for her. Gusto ko sure sya sa feelings nya sa akin at ayokong makulong sya sa pangako namin. Gusto kong maenjoy nya ang kabataan nya. Masama ba yun pre?" ang himutok ni Rj sa best friend nya.
" Pre relax ka lang. Single pa rin naman sya eh. May chance ka pa." console ni Nico sa kaibigan.
" Oo pre single pa nga sya pero galit sya sa akin. Galit sya sa kasalanan ko." medyo slurred nang sabi ni Rj.
Napapailing na lang si Nico sa kaibigan. Mahina talaga itong uminom. Naturingang bar owner pero mahina uminom. Madali itong malasing.
" Pre alam mong mahal na mahal ko ang kapatid mo. Mga bata pa tayo sinabi ko na sa iyo na bapang araw pakakasalan ko ang kapatid mo para buo na pagiging magkapatid natin. Pre alam mong pinalaki ko muna sya para sure sya sa feelings nya sa akin." maktol ni Rj.
" Oo pre alam ko yan." sagot naman ni Nico.
" Hindi ako threatened kay Dean eh. Dun ako natakot sa sinabi nyang magpapakasal sila pag nag thirty sila at pareho pa silang single. Pre di pwede. Sa akin dapat sya magpakasal pre. Sa akin kasi mga bata pa tayo mahal ko na sya. Diba pre?" lasing na si Rj.
" Halika na pre ihahatid na kita sa kwarto mo. Matulog ka na. Sabi mo may mga meetings ka bukas. Naku sigurado hang over ka bukas." sabi ni Nico at inalalayan na nya si Rj.
" Pre mahal na mahal ko sya eh. Ako dapat kayakap nya diba?" slurred na sabi ni Rj habang alalay sya ni Nico papasok sa kwarto nya.
Inihiga sya ni Nico sa kama nya at kinumutan. Iiling iling na lang na lumabas si Nico at iniligpit ang mga ginamit nila. Naaawa sya sa kaibigan. Si Meng naman ay parang tumigas ang ulo. Palibhasa ay dlaga na ang kapatid nya at may narating na rin on her own.
May dalawang coffeshop na ang kapatid nya at katulong na nagmamanage ng ina nila sa New York branch ng office nila. Magaling daw humawak ng tao si Meng at magalaing ang utak sa negosyo. Proud na proud sya sa kapatid. Kaso ang sabi ni Mommy nila lagi nya daw itong nahuhuling nakatulala at minsan ay basta na lang umiiyak pag may narinig na tugtog o may nakitang palabas. Tanging ang bestfriend lang daw nito ang nakakaalam ng iniisip ni Meng.
Kaya nya pinauwi ang kapatid ay para makasama ito at ng kanilang ama. At bukod doon ay para magkita na sila ni Rj. Matagal na silang nagtitiis. Kaya lang parehong stubborn ang dalawa. Kaya kailangan na nyang kumilos. Dahilan lang nya ang branch nila sa Australia. Ang totoo ay gusto nyang magkalapit ang dalawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/118886952-288-k932374.jpg)
BINABASA MO ANG
Ako pa ba?
FanfictionBestfriend sya ng kuya nya. Nagkahiwalay sila then when they saw each other again ang dami ng nagbago sa kanilang dalawa. Kaya ang tanong nila... Ako pa ba?