Chapter Thirteen

585 49 6
                                    



       Nagising si Maine sa feeling na parang may nakadagan sa kanya. Di muna sya nagmulat ng mata pinakiramdaman muna nya ang paligid nya. Maya maya ay naramdaman nyang may humihinga sa tabi nya. Kinabahan ang dalaga. Hindi ito kagaya ng paghinga ni Dean at ang amoy ng katabi nya ay iba din sa amoy ni Dean. Malakas ang kabog ng dibdib nya na unti unti nyang iminulat ang mga mata nya at sinilip kung sino ang misteryosong katabi nya.

       " Oh my God!" Ang napabalikwas na sabi ni Maine.

       Nagulat sya na si rj ang nakayakap sa kanya at natutulg sa tabi nya.

       " It's too early babe. Matulog pa tayo." Sabi ni Rj na nakapikit pa.

       At parang narealize ni Rj ang sinabi nya bigla din itong nagmulat ng mata at napatingin sa nakatulalang si Maine.

      " Maine?" Takang tanong ni Rj kay Maine.

      " What happenned?  Why am I here? Why are you here?" Mga tanong ni Maine.

      " Ha?" Tanging naisagot ni Rj.

      Nang mapansin ni Maine na walang damit si Rj ay bigla syang napatingin sa sarili at narealize nya na sya rin ay walang damit. Namula ang mukha ni Maine at nang pakiramdaman nya ang sarili ay medyo masakit ang katawan nya lalo na ang ibabang bahagi ng katawan nya.

      " What did you do to me?" Mangiyak ngiyak na tanong ni Maine.

      " Hindi ko din alam Maine. We were both drunk last night." Sagot ni Rj na napasabunot sa buhok nya.

      " Rj nakita mo na si..... Mengay?!!! Anong ginagawa mo dito? Bakit ganyan ang itsura nyo?" Ang biglang bukas ni Nico ng pinto.

      Nagulat sina Rj at Maine sa biglang pagpasok ni Nico sa kwarto ni Rj. biglang tinakpan ni Rj si Maine dahilan para matanggal ang kumot na nakatakip sa kanya at tumambad kay Nico ang kahubdan ni Rj. Si maine naman ay di malaman kung paano magtatago sa kuya nya. Gusto na nyang lumubog sa kinauupuan ng mga oras na yun.

      " Nico let me explain." Ang nasabi na lang ni Rj.

      " Sige magbihis kayo at sa labas tayo magusap." Ang kalmado na sabi ni Nico.

      Tumalikod na ito at lumabas ng kwarto. Nang maisara ni Nico ang pinto ay agad na tumayo si Maine at tumakbo sa banyo. Hianbol naman sya ni Rj pero mabilis si Maine at nailock na nito ang pinto.

      " Maine let's talk muna." Sabi ni Rj na walang pakialam sa kahubdan nya.

      " Later Rj. Galit na si Kuya. Can you get my clothes?" Sagot ni Maine mula sa loob ng banyo.

      " Eto oh. May aspirin dyan sa medicine cabinet take two pills para sa sakit ng ulo." Sabi ni Rj.

      " Thank you." Sagot ni Maine nang abutin nya ang damit kay Rj.

      " Yung tshirt ko muna ang isuot mo kasi I can't find your bra and shirt baka naiwan sa labas." Sabi ni Rj na nakapagsuot na ng shorts pero wala pang shirt.

      " Thank you." Ang namumulang sagot ni Maine.

      Muli nyang isinara ang pinto ng banyo at nagbihis na. Nang matapos ay lumabas na sya at nakita nya si rj na nakaupo sa kama. Sa magulong kama kung saan nagyari ang lahat na di nila maalala pareho. Nang makalapit si Maine kay Rj ay may nakita syang red stain sa gitna ng kama. Muling namula ang dalaga at sinundan ni Rj ang tingin nya. Agad na tumayo ang binata at hinila ang bedsheet patanggal sa kama nya.

      " I'll take care of this." Sabi ni Rj.

      Tumango lang si Maine.

      " Ready ka ng kausapin si Nico?" Tanong ni Rj.

Ako pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon