Chapter One

804 53 8
                                    

TEN YEARS AFTER...

       " Rj let's go! Malelate na tayo. Baka mamaya mauna pa yung susunduin natin. Dalian mo na.!" sigaw ni Nico sa bestfriend nya na si Rj.

       Sya si Nico, Nico Mendoza, thirty years old business co-owner ng isang multimillion conctruction company. 

       " Eto na grabe ka naman ang aga aga pa. Baka tumunganga lang tayo dun." sabi ng kalalabas lang na ni Rj.

       Sya naman si Rj, Richard Faulkerson Jr., 30 years old businessman din. Best friend ni Nico.

       " Ayokong malate sa pagsundo sa Baby Girl ko. Alam mo namang I've waited for this moment. Ilang taon ko ring di nakita ang Baby Girl ko." sabi ni Nico habang palabas sila ng apartment nila.

       " You could always visit her in the last years kaso you chose to work kaya wag kang magreklamo kung matagal mong di nakita si Meng." sabi ni Rj.

       " Oo na stop nagging me. Paulit ulit na lang eh." reklamo ni Nico sa sermon ng kaibigan nya.

       " Sino daw ba yung kasama ni Meng na uuwi?" tanong ni Rj.

       " Bestfriend daw nya since sixth grade. Half Pinoy daw yun sabi ni Mommy." sabi ni Nico.

       " San matutulog yun? Eh iisa lang ang spare room natin." tanong uli ni Rj.

       " Share na lang daw sila sa kwarto. Si mommy lang ang nagsabi sa akin di ko na kasi nakausap si Baby Girl this past few days kasi busy sa pag aasikaso ng pag alis nila." sagot naman ni Nico.

       Narating na nila ang parking lot at sa kotse ni Nico sila sumakay dahil mas malaki ito kumapara sa sports car ni Rj na two seater lang. Pinaandar na ni Nico ang kotse nya.

       " Diba sabi mo may meeting ka mamaya? Pano si Meng at ang kaibigan nya?" tanong ni Rj.

       " Sa hapon pa naman yun.  At sak sigurado matutulog lang yung mga yun dahil sa jetlag. Kaya pwede pa akong umattend ng meeting ko mamaya." sagot naman ni Nico.

       " Ah okay. Ako naman eh pupunta sa resto sa Tagaytay may mga konting problema daw dun tapos I'll check the bar later so malamang gabi na ako makakauwi." sabi naman ni Rj.

       " Okay sige. Siguro iset mo yung party ni Baby Girl mga three days from now para talagang rested sila tapos sasama ka ba pag uwi sa bahay? Next week pa kasi ang uwi ni Daddy." tanong ni Nico.

       " Di ko sure if makakasama ako sa Bulacan next week kasi may mga kailangan akong asikasuhin sa Laguna. Pero nandun ako sa welcome home party ni Meng sa Bulacan." sagot naman ni Rj.

        Di naman nagtagal ay narating na nila ang airport. Agad na nagpark si Nico at pumasok na sila sa arrival area at dun na nila hinintay ang flight na sinakyan ni Meng.

        Maya maya ay tinawag na ang flight na sinakyan nila Meng kaya tumayo na ang dalawa at lumapit na sa railing para hinatyin ang mga parating. Unti unti nang naglabasan ang mga bagong dating. Halos maputol ang leeg ni Nico kakatingin sa mga bagong dating at hinahanap ang pamilyar na mukha ng kapatid. 

        " Sure kaya si Mommy sa flight details na binigay nya sa akin? Parang di ko nakikita si Baby Girl ko ah." sabi ni Nico.

        " Relax ka lang nanjan yun." sabi ni Rj.

        Nang biglang may napansin ni Rj na papalapit sa direction nila. Napatitig sya sa babaeng papapunta sa direction nila. Naka skinny jeans ito at croptop na shirt. Naka shades ito kaya di nya makita ang mga mata nito pero ang ilong at labi nito ay maganda. Sa likod nya ay may isang lalaking nagtutulak ng trolly kung saan nandun ang mga gamit nila.

Ako pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon