Matindi ang kabog ng dibdib ni Rj nang dumating sila sa simbahan kung saan gaganapin ang kasala nila ni Maine. Marami ng tao na naghihintay at nang makita silang dumating ay nagpasukan na ang mga ito. Bilib din sya sa daddy ni Maine dahil kahit short notice ay marami pa rin itong naimbita na bisita. Nagmumuni muni sya nang bigla syang nakaramdam ng tapik sa balikat nya. Nang lingunin nya ay nakita nya ang daddy nya at mommy nya ang nasa likod nya. Hinalikan nya ang mommy nya at niyakap ang ama." Nervous?" Tanong ng daddy nya.
" Sobra." Sagot nya sa daddy nya.
" Its normal. Ganyan din ako nung wedding namin ng mommy mo. Halo halong emotion. Excited, kinakabahan baka di sumipot ang mommy mo at the same time sobrang saya. It felt like my chest would burst from all the emotion I was feeling that day. Then nung natapos yung wedding imaptient naman ako na makaalis na." Natatawang kwento nito.
" Ay naku anak ang daddy mo nuon butil butil ang pawis pag lapit ko sa kanya sa altar. Kinulang ang tatlong panyo pamunas ng pawis nya. Biro nga ng mga tito mo dapat kumot ang dinala nya. Tapos nung magreception ang gusto eh tumakas na daw kami wag na daw kaming sumipot sa reception. Napakaloko talaga." Natatawang kwento ng mommy nya.
Sasagot sana si Rj kaso lumapit sa kanila ang assistant ng coordinator at pinapipila na daw sila dahil on the way na si Maine. Parang lalong lumakas ang kaba ng dibdib ni Rj. Dahil finally makikita nya na si Maine at ikakasal na sila. Itinuro ng assistant kung saan sya pupwesto. Di naman nagtagal ay tumugtog na ang hudyat ng umpisa ng martsa ng entourage sign yun na nanjan na si Maine sa parking at naghihitay na lang ng part nya.
Dahan dahang nagmartsa ang lahat. Nang matapos ang martsa ay isinara ang pinto ng simbahan para sa paghahanda ng pag pasok ni Maine. Pigil ang hininga ng lahat para sa pagpasok ni Maine. It was just a few second but it felt like a few hours para kay Rj. Di nya inaalis ang mga mata nya sa pinto kung saan papasok si Maine. Nang tumugtog ang kantang sign ng pagpasok ni Maine at bumukas ang pinto at bumungad si Maine. Parang sasabog ang dibdib ni Rj sa sobrang emotion na nararamdaman nya nung oras na yun.
Di nya namalayan na umiiyak na sya kundi kay Nico nakinalabit sya at inabutan sya ng panyo at sinenyas nito na pamunas ng luha nya. Inabot nya ang panyo per nalimutan nyang punasan ang luha dahil ang attention nya ay nakay Maine.
Habang naglalakad naman si Maine ay naluluha na rin sya. Naisip nya na finally eto na ikakasal na sila ng lalaking pinaka mamahal nya mula pagkabata. Di nya maipaliwanag ang nararamdaman nya sa mga oras na yun. Sobrang saya nya pero may konting kaba din sya. Kinakabahan sya sa mga susunod na araw sa buhay nila ni Rj pero may tiwala sya sa binata alam nyang di sya pababayaan nito. Napangiti sya nang mapansin nyang pinapupunasanng kuya nya ang luha ni Rj pero tinanggap lang nito ang panyo at di rin. Pinunasan ang luha.Nakita nya rin ang best friend nya masayang nakangiti sa direction nya pero. May luha din ang mga mata ng binata. Alam nyang masaya ito para sa kanya. Nalulungkot lang sya para dito dahil alam nya lahat ng sakripisyo nito para sa kanya. Alam nyang di ito bakla at alam nya ring mahal sya nito higit pa sa kaibigan pero alam kasi nito na mahal nya si Rj kaya di ito umamin. Nalaman nya ito nang minsang nalasing sila ng sobra at umamin ito ng nararamdaman sa kanya kaya sinabi nya dito na pag umabot sila ng thirty at single pa sila ay magpakasal silang dalawa. Alam nya lahat.
Nang narating nya ang gitna ay sinalubong sya ng mga magulang nya. Nagpatuloy sila sa paglalakad. Feeling nya ay ilang kilometro ang nilalakad nya. Habang papalapit sya patindi ng patindi ang nerbyos nya. Nagtama ang mga mata nila ni Rj at nagngitian sila kahit may mga luha ang mga mata nila. Di namalayan ni Maine na nakalapit na sila kina Rj at nagmamano na ang binata at hinahalikan na sya sa pisngi ng mga magulang nito. Hanggang sa iabot ng daddy nya ang kamay nya kay Rj. Hawak pa rin ni Rj ang panyo kaya kinuha nya ito at pinunasan ang luha sa mga mata nito. Napangiti ang binata sa ginawa nya. Kinuha naman nito sa kanya ang panyo at sya naman ang pinunasan ang luha sa ilalim ng belo nya. Pagkatapos ay inalalayan sya nito paakyat sa altar. Nag umpisa ang misa na wala doon ang attention nilang dalawa. Nanatili silang magkatinginan. Hanggang sa tanungin na sila ng pari ng kung tinatanggap nila ang isa't isa.
" Maine, do you accept Rj, as your lawfully wedded husband? In sickness and in health, for richer or for poorer?" Tanong ng pari kay Maine.
" Yes Father, with all my heart." Sagot ni Maine pero pabulong ang huling bahagi na si Rj lang ang nakarinig.
" Rj, do you accept Maine as your lawlly wedded wife? In sickness and in health, for richer or for poorer?" Baling naman nito kay Rj.
" Yes Father with all of my heart!" Malakas na sabi ni Rj na umani ng ngiti sa mga bisita lalo na kay Maine.
Nagtuloy tuloy na ang seremonyas ng kasala nila hanggang sa umabot na sa last part.
" Ladies and gentlemen let us give Mr. And Mrs Faulkerson a round of applause. You may now kiss the bride." Sabi ng pari.
***************************************************************************************************************
BINABASA MO ANG
Ako pa ba?
FanfictionBestfriend sya ng kuya nya. Nagkahiwalay sila then when they saw each other again ang dami ng nagbago sa kanilang dalawa. Kaya ang tanong nila... Ako pa ba?