Chapter Fifteen

600 49 10
                                    



        Naramdaman ni Maine na parang di na umaandar ang sinasakyan nilang kotse at parang may nakatitig sa kanya. Dahan dahan nyang iminulat ang mata at mukha ni Rj ang unang bumungad sa kanya. Malapit na malapit ang mukha nito sa mukha nya. Nagulat silang pareho. Biglang napaangat si Maine at napaabante naman si Rj kaya di sinasadyang naglapat ang kanilang mga labi. Nang marealize nilang pareho ang nangyari ay dali dali silang naghiwalay at parehong namumula na naglayo. Sa likod naman ay palihim na natatawa si Dean sa nang yari.

       " Ahhhmmmnn... we're here na pala." Namumulang sabi ni Maine. Patay malisya ang dalaga.

       " Oo, I was trying to wake you up kaso ang sarap ng tulog mo." Sagot ni Rj.

      Wala silang kamalay malay na kanina pa sila pinanonood ni Dean sa likod. Akala nila ay tulog pa ang binata. Kumwari ay kagigising lang nya kaya nag inat sya kunwari ng katawan na para bang kagigising lang.

      " Hhhhhmmmnnn... are we there yet?" Kunwaring tanong ni Dean mula sa likod.

" Ha? Oo kadarating rin lang natin. Ang sasarap ng tulog nyo eh." Palusot ni Rj.

      " Are you okay? We're in an airconditioned car and you're sweating so much." Painosenteng tanong ni Dean. Pigil ang ngiti.

      Pinahid ni Rj ang noo nya at totoo ngang pawis na pawis sya.

      "Okay lang ako.  Pagod lang siguro. Tara?" Sabi ni Rj na di na hinintay ang sagot ng dalawa at bumaba na.

      Umikot ang binata sa passenger's side at ipinagbukas si Maine ng pinto. Nagtataka din ang dalaga kaya di nya napansin ang pigil na ngiti ni Dean mula sa likod.

      Nang makababa sila ay tinanaw ni Maine ang bahay na kinalakihan nya.  Ang bahay na kung saan ay punong puno ng mga memories nya nung bata pa sya na kasama sina Nico at Rj. Mga masasayang alaala ng kabataan nilang tatlo. Napangiti ang dalaga nang maalala ang mga kalokohan ng kuya nya at ni Rj noon sa mga katulong at ang pag bebeybi ng dalawa sa kanya. Sya ang prinsesa ng dalawa noong mga bata pa sila. Nagulat sya nang biglang may umakbay sa kanya at nang paglingon nya ya nakita nyang si Rj ito.

       " Do you still remember the time when you would follow us around? Yung times na pag may lumalapit na babae sa.  Akin noon inaaway mo at sinasabihan mong sa iyo ako?" Pabulong na tanong ni rj sa may bandang tenga ni Maine.

       Nanayo ang mga balahibo ni Maine di dahil sa sinabi ni Rj kundi dahil sa proximity ng binata sa kanya kaya bigla sayang napabalikwas ng layo dito.

      " What are you talking about? I did no such things. You are probably thinking of a different girl." Namumulang sabi ni Maine.

      Nang biglang lumabas mula sa loob ng bahay si Manang Gina, ang yaya nina Maine at Nico.

      " Mengay? Mengay ikaw na ba iyan?" Ang may punto na tanong ng matanda.

      " Manang Gina?" Tanong din ni Maine.

      " Ay si Mengay nga! Dino! Dino! Parine at nandito na ang alaga ko." Sigaw nito sa mga tao sa loob ng bahay.

      " Manang Gina!!!" Sigaw ni Maine sabay takbo papunta sa matanda at niyakap ito ng mahigpit.

      " Naku ang alaga ko dalaga na! Ang laki laki at ang ganda ganda mo na lalo." Sabi nito na umiiyak sa sobrang tuwa.

      " Oh my God Manang I missed you so much!" Umiiyak na rin si Maine.

      " Naku Manang mukhang di na marunong ireng si Mengay na managalog ah. Yari tayo diyan! Iilan pa naman ang baon kong ingles." Sabi ng bagong dating na si Dino na nasa likod nila.

Ako pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon