Maagang nagising ni Maine. Madilim pa sa labas at si Dean naman ay masarap ang tulog sa tabi nya. Napangiti sya kasi nakanganga ito. Tumayo ang dalaga at naghilamos ng mukha. Chineck nya ang cellphone nya at nakita nya four am pa lang. Pero hindi na sya inaantok.
Lumabas ang dalaga. Dumeretso sya sa kusina at naglagay ng kape sa coffe maker. Chineck nya ang ref kung may pwede syang kainin dun dahil bigla syang nagutom. Pero tinatamad syang magluto at wala ding tinapay kaya isinara nya na lang ito uli. Hinintay nyang matapos ang kape at kumuha ng mug. Nagsalin sya ng kape at pumunta sa terrace. Naupo sya sa isa sa mga upuan dun at tinanaw ang liwanag ng mga ilaw ng Metro Manila.
Nakaramdam sya ng lungkot. Ayaw nyang umuwi dahil wala naman syang masasayang alaala sa lugar na kung saan sya isinilang. Ang kokonting masasayang alaala nya ay natabunan na ng mga malulungkot. Tanging ang kapatid na lang nya ang dahila kung bakit sya umuwi. Para makasama ito pero paalis din pala ito.
Kung sya lang ang masusunod ay ayaw na nyang bumalik dito. Kaso nakiusap ang kuya nya na kailangan sya nito kahit isang taon lang. At nangako sya na sasamahan nya ito ng isang taon and she never backs out from promises. Tahimik na nagmumuni muni si Maine sa terrace.
Samantalang si Rj naman ay biglang nagising. Napabangon sya bigla na para bang may tumatawag sa kanya. Kaya bumangon sya at nagulat sa sakut ng ulo na naramdaman nya. Pumasok sya sa banyo at naghilamos at nag tooth brush. Naghanap sya ng paracetamol sa medicine cabinet nya dahil sigurado syang may hang over sya pero wala syang makita. Kaya naisip nyang lumabas ng kwarto. Naamoy nya agad ang kape kaya dumeretso sya dito at nagbuhos sa isang mug. Hinanap nya ang paracetamol at ininom ito. Pagkainom ay dinampot nya ang kape at planong bumalim na sa kwarto nya nang mapansin nyang gumagalaw ang kurtina na nakatakip sa pinto ng terrace. Naisip nya na baka nakalimutan isara ni Nico kaya nilapitan nya ito. Isasara na sana nya nang makita nya si Maine na nakaupo dun at nakatingin sa malayo. Naisip nya na ito na ang pagkakataon nya para makausap ang dalaga kaya lumabas na rin sya sa terrace." Ang aga mo namang nagising." bungad ni Rj kay Maine.
Nagulat ang dalaga na biglang lumingon kay Rj. Agad na nagkunit noo ang dalaga nang makitang si Rj pala ang nagsalita.
" May I join you?" tanong ng binata.
Nagkibit lang ng balikat ang dalaga at muling tumingin sa malayo. Umupo naman si Rj sa harapan ni Maine. Inilapag nya ang kape nya sa table. Tahimik lang nyang tiningnan ang dalaga. Sa malayo pa rin nakatingin ang dalaga. Di man lang ito susmusulyap sa kanya.
" Meng sorry." mahinang sabi ni Rj.
Ibinaling ni Maine ang tingin nya kay Rj. Tingin na nagtatanong kung para saan ang pagsosorry ng binata. Rj cleared his throat bago sya nagsalita.
" Sorry if I did not kept my promise." sabi ni Rj.
Di pa rin umiimik si Maine pero nagtaas sya ng isang kilay
na parang sinasabi kay Rj na sige magpaliwanag ka." Kasi naisip ko ka iaoutgrow mo lang yung infatuation mo sa akin once na hindi mo na ako nakikita. Na pag nasa malayo ka na eh makakalimutan mo na ako. Sorry talaga." sabi ni Rj habang nakatingin sa mga mata ni Maine.
Poker face si Maine. Di nya pinapakita na galit sya. Nakikipagtitigan sya kay Rj. Tiningnan nya ang buong mukha ni Rj. Di pa rin nagbabago ang binata gwapo pa rin ito. Kung may nagbago man yun ay ang mas lalo itong naging gwapo.
" Magsalita ka naman. Magalit ka sa akin. Murahin mo ako. Okay lang kasalanan ko naman eh. I should have kept my promise. I should have visited you." sabi ni Rj.
Tumayo si Maine mula sa kinauupuan nya at akmang aalis na sya nang hawakan ni Rj ang kamay nya. Napatingin si Maine sa kamay nya na hawak ni Rj. Tapos ay kay Rj naman sya tumingin.
" Wag ka munang umalis. Let's talk muna." sabi ni Rj kay Maine.
" You want to talk, okay let's talk." sabi ni Maine at umupo uli sa upuan nya.
" Matagal na kitang gustong makausap. Kaso lang nahihiya ako sa iyo. Natuwa ako nung malaman ko na pauwi ka. Sabi ko makikita na kita." sabi ni Rj.
" First, I never wanted to go back here. Mapilit lang si Kuya then iiwan nya rin pala ako. And let me clear something ha. I can't remember any promises made and unfufilled once. Did you made a promise to me? I can't remember or maybe my mind chose not to remember kasi my mind realized they were empty promises. So no need to say sorry. I've already accepted that I am not important to some people. Only Kuya and Mommy loves me and of course Dean and noone else. So if you'll excuse me parang inaantok na ako uli." sabi ni Maine sabay nagmamadaling umalis sa terrace.
" Ako mahal din kita." bulong ni Rj sa hangin dahil wala na si Maine.
Agad na pumatak ang luha ni Maine pagpasok nya sa loob. Masakit pa rin pala ang mga nangyari para sa kanya. Akala nya kaya na nyang harapin si Rj kaya pumayag sya sa request ng kuya nya. Pero nagkamali sya. Akala nya matapang na sya at naka move on na kay Rj. Akala nya wala na syang feelings para sa binata pero nandun pa rin pala. Mahal pa rin nya ang kauna unahang lalaking minahal nya. Bumalik na lang sya sa kwarto nila at humiga sa tabi ni Dean. Sumiksik sya sa binata at agad naman syang niyakap nito. Patuloy ap rin ang pagtulo ng luha nya at hindi dapat malaman ni Dean na umiiyak sya dahil magaalala nanaman ito. Kaya tahimik syang lumuha habang nakaunan sa balikat ng binata.
Sa terrace namana ay parang gustong suntukin ni Rj ang sarili nya.
" Ang tanga tanga mo Rj. Ang bobo bobo mo. Gago ka kasi. Ayan tuloy wala na sya. Malayo na ang loob nya. Malayo na ang loob ng kaisa isang babaing minahal mo ng totoo. May pa hintay ka pang nalalaman. Ayan tuloy. May pa right time right time ka pa. Galit na sya sa iyo. Malalim na ang galit nya." sermon ni Rj sa sarili.
Tumayo na rin ang binata at dinala sa lababo ang mga tasa nila ni Maine. Bumalim na rin sya sa kwarto nya at duon ay nag isip sya ng tama nyang gawin sa sitwasyon nila ni Maine.
************************************************************************

BINABASA MO ANG
Ako pa ba?
FanfictionBestfriend sya ng kuya nya. Nagkahiwalay sila then when they saw each other again ang dami ng nagbago sa kanilang dalawa. Kaya ang tanong nila... Ako pa ba?