Natapos na nila Rj at Maine ang pag gogrocery nang magyaya si Rj na kumain muna sila sa isang coffee shop na nadaanan nila." Maine okay lang ba sa iyo if we have coffee muna bago tayo umuwi? Medyo nagutom kasi ako sa kakaikot eh. Saka di tayo nakapag dessert kanina." Tanong ni Rj kay Maine.
" Okay, I'm a little hungry na din. I want to taste the cheesecakes that they make here."sagot naman ni Maine.
" Gumagawa ka rin ba ng cheese cake?" Tanong ni Rj habang papasok na sila sa coffee shop.
" Yes, its one of my favorites." Sagot naman ni Maine.
Lumapit na sila sa counter para mag order. Nag order ng black coffee si Rj at frappe naman kay Maine. Pagkatapos ay nag order si Rj ng tig iisang slice ng offered nilang cheesecake at chocolate cake na paborito nya. Nang makuha nag order at makapagbayad na ay humanap na sila ng upuan. Dun sila pumwesto sa may likuran ng cafe para di sila maistorbo ng maiingay na estudyante sa may entrance. Panay ang tingin ng mga dalaga kay Rj. Napansin naman ni Maine ang mga dalagang nagbubulungan habang nakatingin kay Rj. Napaismid naman ang dalaga.
" Pppssshhhh... girls." Ang ismid ni Maine.
" What? May sinasabi ka?" Tanong Rj.
" Oh nothing. Let's just finish this so we can go home." Ang sagot ni Dei na nakatingin pa rin sa mga dalagang nagbubulungan.
Maya maya ay napansin nyang tumayo ang isa sa mga ito at palapit sa kanila. Nang makalapit ito ay dumeretso agad ito sa tabi ni Rj.
" Uuhhhmm excuse me." Sabi nito kay Rj.
" Yes? May I help you?" Takang tanong naman ni Rj.
" You look familiar. Have we met before?" Tanong nito kay Rj.
Nakatingin lamang na may kunot sa noo si Maine.
" I don't think so." Sagot naman ni Rj.
" Style." Bulong ni Maine na narinig nina Rj at nung babae.
Umirap lamang ang babae kay Maine at ngumiti ng matamis kay Rj.
" Yes we have. You're Richard Faulkerson Jr. right?" Sabi naman nito uli. Napatingin si Rj kay Maine.
" Yes I am. And you are?" Di pa rin ito makilala ni Rj.
" I'm Julie. We met at your bar. I was at my friends twenty first birthday party and you were also there. We were introduced to each other. Along with your friend, I think his name is Nico. It was Bea's birthday." Maarteng sabi ng babae.
" Ahhh yeah Bea. Sorry if I didn't remember you. Ang dami ko kasing nakilala that night and I don't remember all the names and the faces." Sabi ni Rj.
Lihim na napangiti si Maine sa sinabi ni Rj. Alam nyang makakalimutin ang binata sa pangalan. Kaya pag natandaan nya ang pangalan mo then you must be special.
" Well now that you remember. Do you mind if I join you?" Tanong ng maarteng babae.
" Yes I do mind." Ang biglang sagot ni Maine sa usapan. Nakita nya kasing nagulat si Rj sa pagkaforward ng babae.
" And you are?" Ang mataray na tanong ng babae kay Maine.
" His girlfriend. So if you don't mind, hon let's go. We still need to prepare dinner. Remember we have a party tonigh and you know how long it takes for me to prepare." Malambing na sabi ni Maine.
" Oo nga pala yung welcome home party mo. Sorry Jenny we have to go." Sabi ni Rj.
" Its Julie." Nakasimangot na sabi ni Julie.
" Sorry." Kibit balikat na sabi ni Rj.
" Bye Jenny." Pang aasar na sabi ni Maine.
Inalalayan na sya ni Rj palabas ng coffee shop. Nang malayo na ay di na napigilan ni Maine ang kanina pa nya pinipigil na hagikgik. Napahagikgik ang dalaga habang hawak hawak ang tyan nya. Nakangiti namang pinapanood lang sya ni Rj. Nakikita nya ang dating Maine na punong puno ng kapilyahan.
" Thank you hon ha. Kanina ko pa gustong umalis dun eh. You saved me from that girl. Thank you talaga hon." Pilyong sabi ni Rj. Pinakikiramdaman nya ang magiging reaction ni Maine sa pagtawag nya dito ng hon.
Biglang natigil sa pagtawa si Maine at tumingin kay Rj.
" It's fine. I just hate when girls go all clingy on a man. And I hate it when girls flirt with men." Ang sagot ni Maine na di makatingin kay Rj.
Lalo namang napangiti ang binata dahilan para lumalim ang dimple nito sa pisngi.
" You always do. So ano let's go na? We still have to prepare." Sabi ni Rj.
" Do we still have to go?" Tanong ni Maine habang naglalakad sila papunta sa kotse ni Rj.
" Oo naman. Your friends will be there. Saka Pinaghandaan talaga ito ni Nico." Sagot ni Rj.
" He prepared for it pero wala sya. Wala sila ni Dean." Malungkot na sabi ni Maine.
" Baka hahabol lang sila. Malay mo naman. Saka they did not plan to be stuck there in the office. Good thing Dean was there. Computer geek pala yung bestfriend mo na yun." Sabi ni Rj.
" Yes he is. He loves computers. Pag walang ginagawa yun he is in his computer. He can access anything with his laptop. He even hacked my social media accounts ine time and posted all my ugly pictures in his phone. He played with my accounts as if he was just playing a simple game on his phone." Masayang kwento ni Maine.
" Yeah I saw those pictures. Di ka naman pangit dun." Sagot ni Rj.
" Wait a minute. How did you see those pictures? We are not even friends on facebook and you don't follow me on instagram nor in twitter, or any social media that I have." Sagott ni Maine.
" I do. On a different name nga lang. I know eveything about you Maine." Mahinang sagot ni Rj na nakatutok ang mata sa kalsadang dinadaanan nila.
" Oh my, you've been stalking me?" Nagtatakang tanong ni Maine.
Tango lang ang tanging sagot ni Rj. Biglang tumahimik si Maine sa inamin ni Rj. Ibinaling nya ang mga mata sa mga dinadaanan nila. Naging tahimik ang byahe nila pabalik ng condo. Wala ni isang umimik nang marating nila ang unit nila at agad na pumasok sa kwarto nya si Maine at sa kusina naman si Rj para iligpit ang mga pinamili nila.
Si Maine naman ay agad na umupo sa kama nila para mag isip.
' He has followed me and stalked me all these years? Why? Is he really telling the truth na mahal nya ako? Pero why now? Bakit ngayon lang?' Kausap ni Maine sa sarili nya.
Napayuko ang dalaga at napahawak sa ulo nya. Biglang sumakit ang ulo nya. Pano kung totoo nga yung mga sinabi ni Rj? Kaya nya bang patawarin si Rj sa lahat ng ginawa at di ginawa ng binata? Alam nya sa puso nya na mahal nya pa rin ang binata at di na yata magbabago yun pero nasaktan sya ng husto.
Tumayo ang dalaga mula sa pagkakaupo at pumasok sa banyo. Nag umpisa na syang maghanda para sa welcome home party nya. Naisip nyang mag enjoy muna saka na nya iisipin ang mga nangyayari sa kanya ngayon. After all the party was for her. So she might as well enjoy it. And she will get to see her old friends. Nag paganda ang dalaga para sa party na yun.
**************************************************************************************************************

BINABASA MO ANG
Ako pa ba?
FanfictionBestfriend sya ng kuya nya. Nagkahiwalay sila then when they saw each other again ang dami ng nagbago sa kanilang dalawa. Kaya ang tanong nila... Ako pa ba?