Chapter Seven

554 54 5
                                    

       TOK TOK TOK!!!

       Katok sa pinto nila Maine. Lumapit sa pinto si Dean  at sinilip kung sino ang nasa pinto. Si Rj pala.

       "  Ready na ba si Maine?"  tanong ng binata.

       " Yeah she's ready  but she told me to come okay lang ba?"alanganing sabi ni Dean.

       " Okay lang. Let's  go?" sagot ni Rj.

       " Wait for us sa sala." sagot ni Dean at isinara na uli ang pinto.

       Tumalikod naman si Rj at naghintay sa sala. Sa kwarto naman ay nakahiga sa kama si Maine.

     " Babe let's go. Rj is waiting for us outside." sabi ni Dean sa dalaga na parang ayaw tumayo.

     " Let him wait. Ang kapal ng mukha nya." sabi ni Maine.

     " What did he say to you?" tanong ni Dean.

     " He's so confident to tell me that he will do anything to make me love him again. Hah!" sabi ni Maine.

     " Well he has guts." sabi ni Dean.

     " Guts my ass! Baka mayabang." sabi ni Maine.

     " Then get your butt up and proove to him  that you will not fall for him again. Let's go." sabi ni Dean.

    Dahan dahang bumangon si Maine at tumayo. Humarap sa salamin.

    "  Gaganti ako sa kanya. I will make him head over heels in love with me then I'll drop him like he did to me. This time it'll be his heart that gonna break." sabi ni Maine sa reflection nya sa salamin.

    " Be careful babe. Your words might rebound to you. You might get hurt again." sabi ni Dean.

     " Matibay na ako sa charm nya. I'm done loving him. I've learned my lesson." sabi ng dalaga na nauna nang lumabas ng kwarto.

    " I just wish you don't eat your words someday." bulong ni Dean sa likod   ng kaibigan.

    Nasa sala na sina Nico at Rj at hinihintay sila.

    " Ang tagal nyo naman."  comment ni Nico.

    " I need to look pretty. This is my first night out." sagot ni Maine.

   " You don't need to. Maganda ka na." sabi ni Rj na nakapagpataas ng kilay ni Nico.

    " I know that already. I just want to look prettier coz I might meet cute guys later." sagot ni Maine.

    " We will not got to the bar. Sa office lang tayo kasi nandun ang mga gitara." sabi ni Rj na nakakunot ang noo.

    " You're not my brother to tell me not to enjoy. You told me to check out the bar, how will I check it out if I'm cooped in your office?" nanghahamong tanong ni Maine.

    Di makasagot si Rj dahil may katwiran si Maine.

    "  Tumigil na nga kayong dalawa at tara  na." sabi ni Nico nang mapansin na di makasagot si Rj.

    Tumayo na sila at lumabas. Sa kotse ni Nico sila sumakay. nang marating ang bar ay nagpark na si Nico sa assigned parking nya. Pumasok na sila ng bar after magpark ni Nico. May mga tao na sa loob ng bar. Lumilingon sa kanila ang mga ndadaana nila na karamihan ay lalaki. Nakatingin sila kay Maine na talaga namang sexy nang gabi na yun.

    Naka off shoulder blouse ang dalaga na nagpapakita ang maganda nyang balikat at shorts na nagpapakita naman ng shapely legs ng dalaga. Naka gladiator heels ang dalaga kaya lalong nagmukhang mahaba ang makinis na legs ng dalaga. Simple lang ang make up nito na lalong nagpakita ng ganda ng dalaga. Nakalugay ang mahaba at straight na buhok ng dalaga. Lahat ng mga kalalakihan ay nakasunod ang tingin sa kanila. Kahit ang bar tender at mga waiter ay nakatingin din sa dalaga.

     Nagmadali sa paglalakad si Rj para makarating agad sila sa opisina nila dahil di nya gusto ang mga tingin ng mga kalalakihan kay Maine.  Gusto nya ay sya lang ang makakakita ng kagandahan ng dalaga. Para namang nanadya si Maine na mabagal ang paglalakad. Parang naglalakad sa isang parade ang dalaga. Nakarating na si Rj sa pinto ng offiece nila nang mapansin nyang malayo pa sina Maine at Dean. Si Dean ang nasa huli at sinasabayan si Maine.

    Bumalik si Rj at kinuha ang kamay ni Maine at hinila ito papunta sa office nya. Nagpumiglas naman ang dalaga pero mahigpit ang hawak ni Rj. Nang makarating sa loob ng office ay saka lang binitiwan ni Rj ang kamay ni Maine at isinara ang pinto.

    " What's wrong with you?!" pasigaw na tanong ni Maine.

    Sound proof ang opisina nila kaya di nila maririnig ang inagy sa  labas at di rin sila maririnig sa labas.

    " Di mo ba nakita na all the men out there are glaring at you?  Tapos para ka pang nasa parade sa bagal ng lakad mo!"  pagalit na sabi ni Rj.

    " What's wrong if ther stare at me?" galit di na tanong ni Maine.

    " Di  mo ba nakita na halos lumuwa na ang mga mata nila kakatitig sa iyo!" galit pa rin si Rj.

    " So?  I think its only natural kasi I'm pretty." mataray na sabi ni Maine.

    Nanonood lang sin Nico at Dean sa exchange nila.

    " Halos hubaran ka na nila sa tingin nila sa iyo tapos ikaw naman enjoy na enjoy na tinitingnan ka nila." galit pa ring sabi ni Rj.

     Parang may sumabog sa loob ng dibdib ni Maine sa sinabi ni Rj. Lumapit sya sa binata at   dinutdot ng daliri nya ang dibdib ng binata.

    " Ano bang pakialam mo kung ganun nila ako tingnan?! Ano ba kita para pag salitaan mo ko ng ganya?! Kuya ba kita? Or better yet, Boyfriend ba kita?!" sinasabi ito ni Maine habang dinudutdot nya ang dibdib ng binata sa galit nya.

    Natahimik bigla si Rj sa sinabi ni Maine. Tama nga ang dalaga dahil wala sya sa ano man dun sa dalawa.  Wala syang karapatan.

    " You don't have the right to tell me what to do coz you are not my brother nor my boyfriend! You lost that chance when you decide not to show up all these years. babe  let's go. I suddenly felt tired. Kuya can I borrow your keys? We'll go home." baling ni Maine sa kuya nya.

    Inabot ni Nico ang susi ng kotse nya kay Dean. Inalalayan naman ni Dean si Maine makalabas. Tanging sya lang ang nakapansin na nangingilid na ang luha ng best friend nya.  Agad nyang inalayan itong makalabas bago pa ito mapahiya sa harap ni Rj.

    Nang makasakay sila ng kotse ay saka tumulo ang luha ni Maine.

    " Jerk!  Asshole! Kapal ng mukha!"  bulong ni Maine habang lumalabas sila sa parking area.

    Tahimik lang si Dean. Alam nyang galit ang kaibigan at alam nya ring may mali ito. Sadyang prinovoke ni Maine si Rj. Sadya nyang ininis ang binata dahilan para sumabog ito. Tahimik na lang silang bumalik sa condo.

    Sa bar naman ay napaupo si Rj sa sofa sa loob ng office nila. Nasapo nya ang ulo nya at napasabunot sa noo nya.

    " Alam mo namang ayaw na ayaw ni Meng ng kinokontra sya eh. Ayan sumabog tuloy." sabi ni Nico.

    " Nainis lang kasi ako sa mga tingin ng mga lalaki sa kanya eh. Tapos parang nanadya pa na nagbagal sa paglalakad." sabi ni Rj na sabunot pa rin ang buhok.

    " Normal yun. May mga mata mga yun eh. At di mo maitatanggi na maganda ang kapatid ko. Kaya natural titingnan nila." sagot ni Nico.

    " Dapat ako lang ang tumitingin sa kanya ng ganun." sabi ni Rj sabay angat ng ulo at tumingin kay Nico.

    " Eh siraulo ka pala eh. Eh di sana di mo pinalabas ng bahay! Tama si Meng sana nagpakita ka noon sa kanya para iyo lang sya ngayon! Nang gigigil na ako s aiyo ha. Sapakin kaya kita para matauhan ka? Gago na to!" sabi ni Nico sabay labas ng opisina.

    Naiwan si Rj mag isa at galit sya sa rili nya. Gusto nya ring sapakin  ang sarili nya dahil sa ginawa nya. Kung kelan kinakauspa na sya ni Maine saka naman umiral ang pagiging seloso nya. Imbis nakakausap na nya ang dalaga back to square one tuloy sya ngayon.

***********************************************************************

Ako pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon