Pagkatapos ng pictorial ko ay dumerityo agad ako sa pinareserve ng upuan ni Cj dito sa salvadors restaurant.
Kanina ko pa sya hinihintay. Gusto ko na sana ito sagutin dahil sa 6months nya akong niligawan ay pinaramdam nya sa akin kung pano alagaan at mahalin.
Alam kung marami pa kaming pagdadaanan pero alam kung sa pagdadaanan namin ay mas tatayag pa kami.
Maya-maya ay may nagtakip ng aking mata sa aking likuran.Magsasalita sana ako kaso inunahan nya ako.
"Wag mo tatanggalin yung kamay ko, tumayo ka aalalayan kita patungo sa pool!"
Nagtataka man ako kung anong gagawin namin sa pool wala pa naman akong dalang damit ay sumunod parin ako sa sinabi nito.
"Siguradohin mong hindi ako madadapa kung hindi sasapakin kita!" Banta ko dito.
Takot akong magkasugat dahil kailangan sa pagmomodelo ay makinis.
"Opo hinding-hindi kita ipapahamak sumunod ka lang sa akin." Sagot nito.
Sinunod ko lamang ang mga instraction nga ng maingat. Maya-maya ay nakapunta na kami sa pool.
Tinanggal nya ang kamay nya. Sa una ay madilim pero unti-unting lumiwag. Ang pinaka naging tuon ng atensyon ko ang magandang candlelight sa mismong gitna ng pool!. Napakaganda ng pagkakaayos ang mga poste ng ilaw ay may mga lobong heart.
Inalalayan nya ako patungo sa candlelight table. At ipinaghila nya ako ng upuan. Pagkatapos ay umupo na ako.
"Wait me up here just stay sit okey. Watch me."sabi nito.
Tumango lang ako. Umalis ito maya-maya ay may narinig na akong kanta.
" di ko maintindihan ang nilalaman ng puso
tuwing magkahawak ang ating kamay pinapanalanging lagi tayong magkasama
Hinililing bawat oras kapiling."Bumalik ito kasama ang kanyang kaibigan may hawak na itong Mic. Nagyun ko lang nalaman na marunong pala itong kumanta.
"Sa lahat ng aking ginagawa ikaw lamang ang nasa isip ko sinta ahhh Sana'y di na tayo magkahiwalay Kahit kailan paman.!"
Napakasarap pakinggan ng boses nito. Kasama ang kaibigan nya may naggigitara at nagdradram.
"Ikaw lamang ang tanging minahal, Ikaw lamang ang tangi kung inaasam, Makapiling ka habang buhay, Ikaw lamang sinta aahh. Wala na kung hihingin pa, wala na ohhh ohhh oohhh ohhh."
Ipinagpatuloy nya lang ang pagkanta at nakinig lang ako ng mabuti. Kakaiba ang piling ng kantahan ka ng taong mahal mo. Napakasarap sa piling.
Nangmatapos itong kumanta ay nagsilapitan ang mga ito. Pinanood ko lamang ang mga ito na nagsitayo sa aking harapan.
Pagkatapos ay nagsitanggalan ito ng mga jacket at tumambad sa akin ang kulay pink nilang t-shirt hindi ako roon nagulat nagulat ako sa nakasulat sa mga damit nito.Binasa ko isa-isa ang nakasulat dito.
"Will you be???" Naputol ang pagkakabasa ko dahil walang my girlfriend hinanap ko san nakalagay iyon pero wala talaga akong makita.
****
#Nabitin sya
#wahaha
YOU ARE READING
He's My Stranger(Meet Again My Angel)
RomanceSi Janica Jham M. Madrigal short for Jaja ay sa sobrang kalasingan nabigay ang kanyang sarili sa hindi nya kilala. Pano kung nakita nya ulit ang stranger at makilala sya nito. Which is the stranger she doesn't know that inlove with her for a long t...