SPECIAL CHAPTER

218 7 0
                                    

Nakayakap ako sa likod ng asawa ko at hinihimas ang umbok nitong tiyan.

She's 7months pregnant at nalaman namin na magkakajunior na kami.

Masayang masaya ako. Nung nalaman kong buntis na ito bago ko pa sya pinakasalan nung nagpropose ako rito. Akala ko ay ito ang masusupresa dahil inalok ko ito ng kasal nung aneversaryo namin ngunit ako pa pala ang mas magugulat dahil buntis na pala ito ng 2buwan. Kaya hindi ko na pinatagal pa ang kasal namin isang buwan lang ay nagpakasal agad kami.

4months ng maayos ang pagsasama namin nung mga unang buwan ay nahirapan ako dahil ginigising ako nito ng hating gabi at naghahanap ng manggang walang buto, santol na matamis,ubas na kasing laki ng mangga. Kahit na alam kung wala ng mga yun ay naghanap parin ako mabuti nalamang at may mga kaibigan akong tumulong sa akin.  Ang nahanap lang namin ay santol na matamis.

Nang nakauwi ako bitbit yun ay tulog na ito at pagkagising nito ay iba naman ang hinahanap. Minsan pa ngay kumakain kami ng mangga ay pinaghalo nito ang ketchup at alamang. At sarap na sarap ito sa pagsawsaw roon.

Marami pa itong pinaglihian ngunit sa awa ng diyos ay nakaya ko ito. Mahirap talaga ang mag-alaga ng buntis pero kung anak mo naman ang pinagbubuntis nito ay worth it lahat napakasarap sa pakiramdam na magiging ama na ako 2months nalang.

"My Angel may naisip kana bang pangalan ng junior ko?" Tanong ko rito at patuloy lang ang paghimas sa umbok nitong tiyan.

"Wala pa mahal ikaw may naisip kana bang pangalan ng anak natin." Tanong nito.

"Meron na mahal gusto ko sanang ipangalan sa kanya ay Jhaycee Jhon mahal kung ayos lang sayo." Sagot ko rito.

"Ang ganda ng naisip mo mahal! Bagay kay junior!"  Komento nito.

"Yeah!sabay natin siyang babantayan at aalagaan mahal. Piniguradong makulit ang magiging anak natin at syempre ang kagwapohan nito ay magmamana sakin." Masaya kung sabi rito.

"Oo naman ang ganda kasi ng magiging mommy nya kaya alam kung gwapo ang baby natin,yeah sabay natin syang aalagaan at mamahal." Sabi nito.

"Salamat mahal dahil binigyan mo pa ako ng isa pang rason para magsikap pa. Kayong dalawa ang pinakamagandang regalo sakin ng Diyos! Mahal na mahal ko kayo my Angel" Sabi ko rito.

"Thank you mahal! Kayo din ng anak natin ang pinakamagandang natanggap ko sa Diyos! I love you to my guardian." Tugon nito.

Hinarap ko siya sa akin at hinalikan ito.

*****

#happy lang

         Lhadykho27

He's My Stranger(Meet Again My Angel)Where stories live. Discover now