CLOUD THREE
15 YEARS AGO~~~
"Patayin ang lahat na mga bata, mga anak man ito ng mga pinuno walang matitira sa kanila."
Sigaw ng Reynang Seleste, na siyang Reyna ng kaharian ng Cloudina.
Nakalutang ito sa eri, habang suot nito ang korona at mayhawak itong tungkod.
"Itigil mo na ito Seleste! Marami ng napapaslang dahil sa ginagawa mo!"
Sigaw ng isang pinuno na si Pinunong Terindos. Nakalutang din ito sa eri.
Biglang nag dilim ang paligid ng dumating si Sansy.
"Itigil mo na ito, Seleste! Wala kang karapatan na maging Reyna sa kahariang ito kaya tumigil kana!"
Sigaw ni Sansy
"HAHAHAHA! Hindi ninyo ako mapipigilan, Sino ang karapatdapat? Ikaw? Kahit Kailan walang makakapantay o makakahigit sa aking Kapangyarihan!" Sigaw nito.
"Aking kapatid, napaslang na ang lahat ng batang Cloudios dito sa Cloudina!"Sigaw ng isang babaeng dumating na si Kulim.
Nanlaki ang mga mata ng mga pinuno sa kanilang narinig. Kaya.
"Wala kang kasing sama Seleste!" sigaw ni Terindos
"Dinamay mo ang mga walang muwang na mga bata! Kaya wala kanang karapatang mabuhay!" sabi ni Sansy"At ano ang magagawa ninyo? Wala wala na kayong magagawa!" sigaw ni Seleste.
Naghawak kamay ang mga pinuno, para pagsamahin ang kanilang mga kapangyarihan. Biglang nag liwanag sa kanilang paligid at may lumabas na malaking bolang apoy at inihagis nila ito kay Seleste.
Pero sa kasamaang palad nabigo sila, dahil ginamit ni Seleste ang kapangyarihan niyang panangga.
At, inilapad ni Seleste ang kanyang kamay at may nag spark ito tapos lumabas ang shadow ball, malaki ito at pinakawalan niya ito sa mga pinuno. Kaya nanghina sila.
Nagulat sila ng biglang nag lindol. Dumating si Guhun galit na galit ito.
"Pati anak ko! Dinamay mo dinamay mo ang mag ina ko! Kaya kailangan mo ng mamatay." galit na sigaw nito.
Kaya pinagalaw niya yung lupa.
"Guhun, Kumalma kalang, controlin mo yung kapangyarihan mo, dahil lahat tayo dito mapapahamak!" sigaw ni Rainster, ang diwata ng ulan.
Hindi nakinig si Guhun sa sinabi ni Rainster Kaya mas lalo pang lumakas ang pag yugyug ng lupa, ang ibang bundok ay gumuho na.
Kinuyom ni Guhun ang kanyang kamao at may malakas na pwersa ang lumabas dito. Napakalakas na pwersa, nang makaipon na ito ng sapat na lakas, pinakawalan niya ito sa lupa kaya mas lalong yumanig ang kaharian, kaya na nag kagutak gutak ang lupa.
Pinipigilan ni Gall, ang pagalaw ng lupa pero, nabigo ito. Kaya napansin nila na gumagalaw na ang lupa, at parang nahihiwalay na ito. Hanggang nahiwalay na nga ang lupa sa kung saan nandun si Seleste at gumawa ito ng panangga para protektahan ang sarili niya at tuluyan nang nahiwalay ang parte ng Cloudina napunta ito sa bahaging maitim na ulap kung kaya't tinawag itong Black Cloudina
Tapos yung isang nahiwalay na lupa ay naputang silangan at tinawag itong kawalan.
Sa ilang oras pa huminto na ang pag yanig at siyang dahilan para mawalan ng malay si Guhun, binuhat naman ito ni Gall sa pamamagitan ng paggamit sa kanyang kapangyarihan na controlin ang isang bagay.
BINABASA MO ANG
Cloud Academy: World Of Magic
FantasyIsa kaba sa naniniwala sa Magic? Magical World? What if kung isa ka sa kanila isa ka sa mga taong gumagamit ng magic? at isa ka sa mga may hawak ng malakas na elemento. ? Samahan ang ating mga kaibigan sa pagtuklas ng kani-kanilang sarili sa Magica...