CLOUD THIRTEEN
Brix POV
“Yeehey, nakuha na natin ang Blue Flag ng walang kahirap-hirap.” Pag mamalaking sambit ni Spencer.
Hays kaya nga ang dali lang ni wala nga kaming nakalaban eh, parang ang weird ata.
Inakbayan ako ni Spencer na syang ginawa ko rin sa kanya. Matapos naming makuha ang Blue Flag naisipan na naming maglakad pabalik ng Academy. Malayo layo pa ang lalakarin namin mula dito.
Sino-sino na kaya ang mga nauna na dun?“Oyy, men bat ang tahimik mo dyan huh? Mag salita ka naman baka mapanis ang laway mo bahala ka ikaw rin” Sabay humalakhak ng malakas, tss ibang klase ‘tong si Spencer hindi ko alam kung ano ba sya. Basta ang tanging alam ko lang siya ang Bestfriend ko. Mag kasama na kami nito nung mga bata pa kami parang magkapatid na nga ang turingan namin eh.
Wala kaming kinalakhan na mga magulang ni hindi nga namin sila na kilala o nasilayan manlang, nang dahil ito sa digmaan fifteen years ago itinago kami ng mga diwata sa bato na walang buhay, na ngayon ay isa ng paaralan ng Cloudina ang Cloud Academy.
Labis kaming natuwa nang mabalitaan na nandito na sa Cloudina ang mga tagapangalaga ng mga malalakas na elemento.May nabasa akong aklat dun sa library, isang aklat kung saan doon nakasulat ang iba’t ibang klaseng elemento. Maliban sa mga lumalabas sa kanilang mga kapangyarihan meron din itong nilalang na nakatago sa bawat elemento hindi ko alam kung ano ang mga ‘to dahil hindi naman naka state dun kung anong klaseng nilalang ang nandun.
Kaya itinuring ‘yon na malalakas na elemento dahil dun. Nung una nalito ako sa sinasabi ng mga pinuno na kailangan pa nila ang mga may hawak na elemento kung meron naman silang hawak na elemento?
Buti nalang nasagot na ang aking katanungan nung binasa ko ang isang aklat, ang pinag tataka ko lang dun hindi rin naka state ang ika apat na elemento tanging ICE, WATER and WIND elements lang ang naka state dun.Hindi ko alam kung anong uri na elemento ang pang apat.
Flashback
“Mr.Meyer, bakit hindi naka-state dito ang ika-apat na Elemento? Diba ang sinasabi ng mga pinuno apat na malalakas na elemento pero bakit wala ang isa?” Pag tatanong ko kay Mr. Meyer na nag aayos ng mga aklat.
Agad naman niyang ibinaling ang tingin sa ‘kin, nakangiti ito habang tinitingnan ako na iniaabot ang librong hawak ko, agad naman niya itong kinuha at binasa.
“Tama ka Brix hindi nga ito naka state dito” Sabi nya habang tutok parin sa aklat.
“Bakit po hindi naka state kung isa siya sa mga elementong malakas?” Tiniklop nya ang libro at ibinigay sa ‘kin tsaka tinap ang likod ko.
“Dahil hindi ito ang tunay na librong pinag-sulatan ng mga impormasyon tungkol sa mga elemento, nakasulat yun sa magical book” Halos manlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.
Anong ibig nyang sabihin? Hindi ito ang original? Pero bakit? Nasan ang original? Magical book? Anong klaseng libro yun?
“Yes, tama nga ang mga naka-state dito tama ang lahat na nabasa mo dito, pero wala dito ang impormasyong hinahanap mo, kung hinahanap mo kung nasan nakasulat ang impormasyon tungkol sa ika-apat na elemento, hindi mo ito basta bastang mahahanap dahil itinago ito ng pinunong Terindos.”
Litong lito na ako sa mga sinasabi nya. Bakit naman naisipan ng pinuno na itago ang book na ‘yon? May mahalaga bang nakasulat dun kaya ganun nalang ang pag-iingat nya kaya itinago niya ito ng mabuti?
“Sa aking pag kakaalam doon din nakasulat ang iba pang nangyari sa Cloudina” Halos mahulog ang libro ko sa pagkahawak nung marinig ko ang sinabi ni Mr. Meyer, what did he mean?
Naka-state din dun ang iba pang nangyari sa Cloudina? Marami pa ba kaming kailangang malaman tungkol sa kahariang ‘to? Ano ba talaga ang nangyari sa kahariang ‘to fifteen years ago? Alam ba ito ng ibang pinuno?
BINABASA MO ANG
Cloud Academy: World Of Magic
FantasyIsa kaba sa naniniwala sa Magic? Magical World? What if kung isa ka sa kanila isa ka sa mga taong gumagamit ng magic? at isa ka sa mga may hawak ng malakas na elemento. ? Samahan ang ating mga kaibigan sa pagtuklas ng kani-kanilang sarili sa Magica...