CLOUD TWENTY-NINE
Mavis POV
Nang ma realize ko na hindi ko pa pala kilala ang taong kayakap ko agad kong inilayo ang katawan ko kaya dagli kaming nag kahiwalay sa pagkayakap, but the feeling I hugged this person is remind me of someone it feels like I'm with him somewhere pero hindi maalala ng utak ko. Nakita ko ang mga labi nyang nakangiti abot tenga ang ngiti, para bang nahanap na nya ang matagal na nyang hinahanap, alam mo yung feeling na nahiwalay sa 'yo ang taong mahal mo sa mahabang panahon, at matapos ang mahabang panahong 'yon ay magkakasama uli kayo, yan ang naramdaman ko habang kayakap ko sya.
Naibaling ko ang tingin kay lolo na ngayon ay tumutulo na rin ang luha nya sa mga mata nya. Agad ko syang nilapitan at niyakap, humagulgul ako habang nasa likod ang ulo ko sa likuran nya, naramdaman ko ang kamay ni lolo sa likod ko kaya mas lumalakas ang pagtangis ko, I really miss him.
"Shhhhhh. Tahan na tahan na okay?" Hinawakan nya ang magkabilang braso ko kaya humiwalay na ako sa pagkayakap. Ramdam ko ang ngiti ni lolo para bang may gusto syang sabihin sa akin. Naramdaman ko ang paglapat ng dalawang kamay ni lolo sa pisngi ko.
"Mavis" Ang lumabas sa bibig ni lolo. Pinunasan nya ang mga luha sa mga mata, humihikbi pa rin ako hindi ko alam kung bakit.
Tinitigan nya ako sa mga mata tumitig na rin ako.
"Look at that guy." Sabi ni lolo, at alam ko na kung sino ang tinutukoy nya, ang lalaking niyakap ko ng walang dahilan. Inikot ko ang paningin ko sa lalaking nasa right side namin nakangiti ito sa amin. Nakasuot ito ng magarang kasuotan. Nasa gilid naman nya sina Brix, Spencer at Berey.
"Alam mo ba na matagal ka na nyang hinihintay? Matagal ka na nyang hinahanap, at sabik na sabik na syang makasama at mayakap ka." Kumunot ang noo sa mga sinabi ni lolo. Bakit naman ako hihintayin ng lalaking ito? Bakit naman nya ako hinahanap? May kasalan ba ako?
Humarap ako kay lolo, pero mali ata ang iniisip kong may kasalanan ako sa taong 'yon dahil nakita ko sa mga mata ni lolo na iba ang ibig nyang sabihin.
"Dahil ang taong 'yan...." Huminga muna ng malalim si lolo "He is your father Mavis." Ang napawing luha na umaagos sa mga mata ko kanina ay parang tinawag ulit para lumabas na naman sila, tuloy tuloy ang pag agos ng luha sa mga mata ko. Parang binuksan sa puso ko ang isang pakiramdam isang pakiramdam na pag kasabik, pagkasabik na makilala ang aking mga magulang.
Naramdaman ko ang paghawak ng lalaki na sinasabing ama ko sa kanang kamay ko, biglang bumilis ang tibok ng puso ko na para bang gusto ulit itong makayakap ang taong humahawak sa kamay ko, dumaloy sa mga ugat ko ang mainit na bugso ng dugo. Hindi ko na pinigilan ang sarili ko, kaya agad ko syang hinarap at agad ko rin syang niyakap, hindi maitatanggi ng puso ko ang pangungulila sa kanya. Matagal, matagal na ng nag stock sa isipan ang isang tanong, tanong kong sino ang mga magulang ko kung sino ba ang ama ko, pero biglang naglaho ang isang tanong na 'yon dahil nasagot na ito, ang taong kayakap ko ngayon sya ang sagot sa tanong ko, sya ang taong matagal ng hinahanap ng puso ko, sya ang taong gumawa sa akin, sya ang ama ko. Ang buong akala ko hindi ko na sya makikilala akala ko wala na akong pag asa o pagkakataong makilala ang isa sa magulang ko.
Tuloy tuloy parin ang pagtulo ng luha sa mga mata ko, dinig ng dalawang tinga ko ang bawat pag hikbi ko, kaya pala no'ng una po syang nakita ay agad ko syang niyakap dahil alam ng puso at kaluluwa ko na ang taong kaharap ko ay connected sakin, hindi talaga maiitangi ang lukso ng dugo, kahit na nagkalayo sa mahabang panahon makikila't makilala ng puso nyo ang isa't isa, ang akala ko na sa television lang nangyayari ang gantong eksena nangyayari rin pala sa totoong buhay. Pinaharap nya ako sa kanya naramdaman ko ang mga kamay nyang nakalapat sa magbilang pisngi ko pinunasan nya ang luha sa mata ko.
BINABASA MO ANG
Cloud Academy: World Of Magic
FantasyIsa kaba sa naniniwala sa Magic? Magical World? What if kung isa ka sa kanila isa ka sa mga taong gumagamit ng magic? at isa ka sa mga may hawak ng malakas na elemento. ? Samahan ang ating mga kaibigan sa pagtuklas ng kani-kanilang sarili sa Magica...