Cloud Thirty-Three- The War Part-1

1.3K 33 9
                                    

CLOUD THIRTY-THREE

Brix's POV

Matapos ang eksena sa loob ng bulwagan ng Cloudina, minabuti naming dalhin si Windzy sa isang secure na lugar, masyado syang nanghina sa ginawa nyang pagpalabas ng kanyang kapangyarihan. Kasama nya do'n ang mga pinuno habang ang sinasabing ama ni Windzy ay inilagay ni haring Goldwin sa isang maliit na pabilog na bagay. Nagsama-sama si Pinunong Guhun at Haring Melfis na magtungo sa kinaroroonan ni Reyna Seleste, kami naman ay nautusang hanapin sina Mavis.

Naglaho na parang bola sa aming mga mata ang sakim na Pinunong Gal, hindi ko pa rin lubos maisip na may gano'ng klaseng kapangyarihan ang Vanishing Magic. Ang buong akala ko na hanggang sa libro ko lang 'yon mababasa, base sa nabasa ko ang kapangyarihang iyon ay hindi pinahihintulutan na gamitin kung kaya'y naging rare ito, walang mga salamangkero na nagtatangkang gumamit ng ganoong kapangyarihan dahil maaaring ikamatay ng kung sino man ang gumamit ng kapangyarihang ito, hindi nga nag kakamali ang libro na nabasa ko dahil si Mr. Cedric ngayon ay hanggang ngayon ay wala paring malay hindi paalam kung may pag-asa pa syang magising.

Kung nag tataka kayo kung nasan na ngayon ang magical book? Wala na ito tuluyan na rin itong naglaho, no'ng nangyari sa araw ng aquintance party. No'ng may mga jumble word na nabuo sa eri kung saan naka flash do'n ang "This secret was already found out." ang ibig sabihin no'n ay ang kada sekretong mabubunyag ang pahina ng librong 'yon ay mapupunit at magiging abo, 'yon ang katumbas ng parusa sa kapatid ng dating hari, since nalaman na namin ang mga sekreto ng Cloudina wala na ring dahilan para manatili ang magical book kaya naging abo ito at inilipad ng hangin.

Usok at pagsabog ang aming naririnig at mga bangkay sa paligid ang aming nakikita, mga Cloudios laban sa mga Dark Sorcerer. Halos mangiyak kami sa bawat nilalang na aming na dadaanan.

"We need to find Blue, Mavis, Freezy and the others." Bulalas ni Timothy. Isang malaking katanungan pa rin sa amin kung nasan na ang iba? Hindi maaaring mapasakamay nila si Mavis dahil tulad nga ng sinabi ni Pinunong Gal, gagamitin syang kasangkapan upang gawing isang silid ng kaluluwa ni Hikarus ang hari ng kadiliman at hindi dapat mangyari 'yon dahil kung mangyari ang bagay na 'yon nasa panganib ang lahat. Sobrang malakas ang kapangyarihan ni Mavis kung kaya'y sya ang napiling pagtirhan ng kaluluwa ni Hikarus, manganganib ang buong Cloudina kung mangyari man ang bagay na 'yon kaya kailangan namin iligtas si Mavis sa lalong madaling panahon.

Bawat kwartong aming dinadaanan ay binubuksan namin nagbabakasakaling makita ang aming hinahanap.

Isang malakas na pagsigaw ang aming narinig, kaya napahinto kaming lahat sa paglalakad. Dahil sa lakas nito alam kong hindi ito kalayuan sa kinatatayuan namin ngayon.

"Kilala ko ang boses na 'yon." Sabi ni Spencer. "Hindi ako nagkakamali si Blue ang sumigaw" He added. Nagkaroon ng panibagong kapangyarihan itong si Spencer kaya nyang makita ang mga bagay bagay, pero naging limitado lang ito.

Lumakad sya sa harap namin, sumeryoso ang kanyang mukha, mukhang gagamitin nya ang kangyang bagong kapangyarihan, naging pula ang kulay ng mata nya.

"Hindi nga ako nagkamali, si Blue nga. Kailangan natin syang tulungan." Matapos nyang sabihin ang salitang 'yon, agad na kumaripas ng takbo si Spencer, bigla syang pumasok sa isang silid, wala kaming nagawa kundi sundan sya.

Pagkapasok namin sa kwarto na sorpresa kami sa aming nakita. Nangingisay at duguan na si Blue nasa taas sya ngayon dahil kino-control sya ng isang dark sorcerer.

Sa nakikita namin, mukhang wala ng lakas si Blue para makipaglaban, nang hihina na ito.

"We need to save him!" Sigaw ni Spencer. Ngunit pinigilan ko ito. "Why?" inis na tanong nya, 'yon din ang pinagtataka ko bakit hindi ko pinayagan si Spencer. Nakita ko kasing umiling sa deriksyon ko si Blue, ang ibig sabihin no'n ayaw nyang tulungan namin sya. "Laban ni Blue 'to." 'Yan ang lumabas sa bibig ko. "Are you crazy?" Sigaw nya sakin. " Tama sya, pabayaan natin si Blue." Pag sang-ayon sakin ni Kuya Mevi kaya walang nagawa si Spencer kundi panoorin ang lalaking nahihirapan na sa ginagawa sa kanya. "Kilala nyo si Blue right?" Sabi ni Timothy. "We need to trust him, I know nagsisimula palang ang laban." He added.

Cloud Academy: World Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon