Cloud Seventeen- Mirror

1.6K 44 6
                                    


CLOUD SEVENTEEN

Timothy's POV

Nakarating agad kami ng office ni Pinunong Sansy gamit ang kapangyarihan ko.

Halos mawala rin sila sa kanilang mga sarili sa sinabi ko. Totoo na nganganib talaga si Mavis at ang lahat ng nandito.

"Timothy nandito ka rin pala?" Bulalas na tanong ni Pinunong Sansy. Kaya ngumiti lang ako habang minamasdan ang mga mukha nila na nakatingin sakin.

Kanina pa sila nakatingin sakin tss. Hindi ko naman talaga sila masisi eh tanggap ko na naman talaga.

"Ihanda nyo na ang inyong mga sarili dahil sa oras na ito ay mag tutungo na na tayo sa Dark Society" Bumalik ang aking katinuan dahil sa sinabi ng Pinuno.

"Alam nyo na po ba ang papunta doon?" Tanong ni Freezy.

"Ou kaya kailangan na natin magmadali."

Agad na namin inayos ang mga sarili namin. Lumabas na kami ng office ni Pinunong Sansy.

Sa hindi kalayuan nakita namin na papalapit sa deriksyon namin ang Pinunong Gal.

"Oh, magsisimula na ang paligsahan bakit nandito parin kayo?" Bulalas nito.

Tumingin ako sa mukha ni Pinunong Sansy, bakas sa mukha nya ang inis.

Hindi namin sya pinansin bagkus pinagpatuloy nalang ang paglalakad. Kakaiba na ngayon ang Pinunong Gal hindi na sya ang dating kilala ko.

"Kung binabalak nyong iligtas si Mavis siguradong huli na kayo" Huling sambit nya habang nag lalakad papalayo sa amin.

Hindi kaya may kinalaman sya dito? Hindi hindi mali ang iniisip mo Timothy isa sya sa mga pinuno 'wag mo syang husgahan.

Nakaramdamdam kami ng kakaibang pwersa.

Biglang nagdilim ang paligid nababalutan ng kadiliman ang kaharian ng Cloudina. Kaya napahinto kaming lahat sa paglalakad.

Anong nangyariyari? Nakarinig kami ng nakakabinging alingaw ngaw na nanggagaling sa ulap na may kampana.

"All Cloudios attention proceed to your room please! Kung maari wag na muna kayong lumabas sa inyong mga room utos ito ng mataas na pinuno." Dinig na nanggagaling sa malaking ulap na may kampana.

Kaya nag sitakbuhan ang lahat sa kani kanilang room. Naguguluhan na kami sa nangyayari. Pati si Pinunong Sansy hindi alam kung ano ba talaga ang nangyayari.

"Kids kailangan na muna natin bumalik, masyadong mapanganib."

Holy sh*t! Sinasabi ko na nga ba eh pinagplanuhan lang ito. Itong biglang pagdilim ay pinag planuhan ng kung sino para hindi kami makapag patuloy sa paglalakbay para iligtas si Mavis. Pero sino? Ang tanging alam ko lang isa sa mga pinuno ang traydor.

"P..ero pinuno paano si Mavis?" sabi ni Freezy.

Hindi maka sagot si pinunong Sansy.

Kailangan na namin mag madali. Hindi maaring ipag paliban ang araw na ito masyado ng mapanganib.

"Pinunong Sansy! Pinapatawag tayo ng mataas na pinuno"

Sinundan namin kung saan nanggagaling ang boses at nakita ko si Pinunong Rainster. Lumapit ako sakanya at humalik sa pisngi nya.

Nagulat na naman sila sa ginawa ko bakit bawal ba humalik? Tss.

"Kailangan natin mag madali dahil importante daw ang pag pupulong"

Kaya walang nagawa ang pinuno kaya sumunod na kay Pinunong Rainster.

Kami nalang ang naiwan.

Kailangan namin iligtas si Mavis. Masyadong marami ng nasasayang na oras.

Cloud Academy: World Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon