Cloud Twenty-Four- Magical Jar

1.3K 38 2
                                    

CLOUD TWENTY-FOUR

Hello Cloudios may bago na naman kayong character na makikilala, sana mahalin nyo rin sila, katulad ng pagmamahal nyo kina, Mavis, Blue, Freezy, Windzy, Spencer, Brix at Timothy. Ah wait baka minahal nyo rin si Amber? ✌



Steffi's POV

"Steff, tama ba ang gagawin natin?" Sabi ni Mia, ang kaibigan ko.

Nandito kami ngayon sa loob ng kwarto ng pinunong Terindos.

Matagal ko ng nararamdaman na may kakaiba sa kwartong ito, sa t'wing daraan ako dito may naririnig akong isang tinig. May tinatawag syang tao hindi ko alam kung sino dahil masyadong mahina ang boses nya, pero alam ko na may tinatago si Pinunong Terindos at Pinunong Gal but I'm not really sure about it.

Napahinto kami sa paglalakad dahil may nakita akong isang pinto. Para saan ang pinto ito? Pag pumasok kami saan ba ang labas namin?

Lumapit kami nasa likod ko lang si Mia, masyado kasi syang matatakutin, hindi ko nga alam kung bakit naging kaibigan ko sya eh, eh tingnan nyo naman ako? Diba? Tch! Mahilig kasi ako sa mga ganto mahilig ako sa mga thrilling adventure pero mukhang trespassing 'tong ginagawa namin. Pero hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko eh, parang may nag sasabing magtungo ako dito.

"Steff, saan ba tayo pupunta?" Nanginginig na tanong ni Mia, pinanliitan ko sya ng mata 'tsaka hinarap sya.

"Nakita mo 'yon?" Sabay turo sa pinto. Sinundan nya ang hintuturo ko, at mukhang nakita nya ang tinuturo ko kaya napatango sya.

"Bakit? Anong gagawin mo sa damit ni Pinunong Terindos? Lalabhan mo? OMG! Nanakawin mo? Hala! Baka maparasuhan ka nyan!"

"Gaga!" Sabay hampas sa batok nya.

"Aray!" Angil nya, tss! Eh? Ou masyado syang OA at may pagakatanga I guess? Kayo ano bang naiisip nyo?

"Bakit mo naman ako hinampas?" Sabi nya habang hinihimas ang batok nya.

"Eh, gaga ka eh, bakit ko naman lalabhan o nanakawin ang damit ng pinuno? 'tsaka ano bang sinasabi mong mapaparusahan?" Sabi ko sa kanya. "Alam mo Mia" Sabay akbay sa kanya at sabay kong inilagay ang hintuturo sa ilong (Hindi ko kasi alam ang term, sana ma - imagine nyo). Napatingin sya sakin. "Tama ka mapaparusahan talaga tayo nito dahil sa ka-gagahan mo alam mo ba'yon?" Pagpapatuloy ko na syang nag pakunot ng noo nya.

"Ikaw eh, binibiro lang naman kita, alam ko naman kung ano ang tinuturo mo eh. Hindi naman ako tanga tulad ng iniisip mo." Mapagmamalaki nyang sabi.

"So, ano?" Sabi ko habang nakataas ang isang kilay.

"Ayon, oh" Naka-ngusong sabi nya habang ang isang kamay ay nakaturo sa. Isang mesang punong puno ng pagkain. Halos mamatay na ako dahil sa ka-gagahan nya.

"Alam kong nagugutom kana, pero naman Steffi isipin mo rin kaming mga kaibigan mo. Dapat pala sinama natin sila Franc at Celeb para kompleto ang SMFC Squad. Sabi nya habang naka cross arm at nag patango-tango pa ito hindi ko alam kung bakit nakasali sya sa grupo namin. May itinayo kaming grupo dito sa Cloud Academy, ang SMFC Squad alam kong alam nyo na ang ibig sabihin nyan mga first letter lang 'yan ng mga pangalan namin 'tsaka hindi naman ako ang founder nyan kundi si Kuya Mev ang nagtuturo sa amin kung paano gamitin ng maayos ang kapangyarihan. Hindi nila alam ang pagpunta namin dito, dahil hindi ko ito pinaalam dahil alam kong hindi nila ako pinaniniwalaan, ang tanging rason nila kung bakit dahil 'Wala namang rason para magkaroon ng secret ang Pinunong Terindos? Duh? Pinuno kaya sya at nasa mataas ang katungkulan' 'yan ang palaging sinasabi sa akin ni Kuya Mev sa t'wing kini-kwento ko ang tungkol dito.

Nag create kami ng gantong grupo dahil gusto namin paghandaan ang muling pagsalakay ng mga Dark Sorcerer. Kung napapansin nyo kung bakit apat lang kami eh ganun na eh apat na talaga, hindi ganto kasi 'yon, i - p-nost na namin do'n sa bulletin board kung sino ang mga gustong sumali sa grupo pero ni isa eh walang pumupunta para sumali. Nagbigay na rin kami ng fliers but still ganun parin.

Cloud Academy: World Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon