Cloud Seven- Blue Water

2.1K 62 0
                                    

Cloud Seven

Cloudios POV

"Mahal na pinuno yun din ang pinag tataka ko, bakit nag kakaroon ng digmaan ang Fluvial Island? Na isa itong tinaguriang The Peaceful Island." mariing sabi ni Pinunong Rainster.

Nagtipontipon nanaman ang mga pinuno dahil sa isang impormasyon na ipinahayag ni Mavis kay Pinunong Rainster tungkol sa Fluvial Island.

Maging ang lahat ay nabigla nang sabihin ni Pinunong Rainster na may roong digmaan na nagaganap sa Fluvial Island na hindi naman nila ina akala dahil ito ang tinaguriang peaceful island.

"Baka nagkakamali lamang ang Cloudios na iyon." Pag tutol ng isang pinuno sa sinambit ni Pinunong Rainster.

"Kung mali ang lahat ng iyon bakit ngayon palang nagigising si Mavis" Sabi ni Pinunong Sansy na naguguluhan.

Nagamit kasi ni Mavis ang kanyang lahat na enerhiya kung kaya'y nawalan ito ng malay sa mga nangyari.

"Kung ganoon man, kailangan pa natin ng ibang Cloudios na makakasama nila sa kanilang pag lalakbay" Sabi ni Pinunong Terindos.

"Bagamat hindi tayo nakatitiyak na totoo ang narinig ni Mavis kailangan parin natin maghanda at kailangan din natin magdag dag ng ibang Cloudios sa kanilang paglalakbay para sa kanilang kaligtasan." Terindos Added.

Freezy POV

Lumipas na ang isang araw at ito ang araw ng aming paglalakbay.

Kinabahan ako sa sinabi ni Mavis na nag kakagulo sa Fluvial Island dahil alam kong hindi ito isang laro hindi ito isang proyekto lamang sa isang subject na kailangan ma sagutan at hindi ito isang thesis.

Maaring manganib ang buhay namin dahil dito, pinipilit kong lakasan ang loob ko pero I failed. Lalo nat hindi ko pa alam kung paano gamitin ang elementong hawak ko.

Ang sabi ni Snowdy nasa akin daw ang ICE element and I'm an ice bearer dahil sa nagamit ko ito sa mundo ng mga mortal noong kinidnapped ako ng tatlong lalaki nag pakawala daw ako ng ice doon.

Lumabas na ako ng dorm para pumunta na sa Academy, mas gumagaling na ako sa pagsakay sa ulap, ito kasi ang sasakyan para ilipad ka pa puntang Academy meron naman doon dorm sa Academy pero ayokong mahiwalay kay mama kahit hindi siya ang tunay kong ina.

Nakarating na ako sa training room kung saan dito kami mag titipon tipon nabalitaan ko na hindi lang kaming tatlo ang maglalakbay mag dadagdag padaw sila ng dalawa pa na aming makakasama.

Pumasok na ako ng room, nakita ko si Windzy nakaupo at pinag lalaruan niya yung hangin nakita ko rin doon ang dalawang lalaki hindi ko sila kilala pero they're familiar sa aking paningin. Nagpasulyap sulyap ako hindi ko parin nakikita ang anino ni Mavis.

Darating kaya siya? May nangyari na naman ba sa kanya?.

"Good Morning Cloudios!"

Nagulantang ako sa gulat dumating na si teacher Diva at sinundan ito nila Pinunong Sansy at Rainster, kung napapansin niyo sila ang palaging nakaka usap namin dahil ang ibang pinuno ay mailap hindi sila sanay makihalubilo sa iba yan ang sabi saamin ni teacher diva kung kaya'y si Pinunong Sansy at Rainster lang ang nag aano samin.

"Kompleto na ba ang lahat?" Pag tatanong ni Teacher diva.

"Wala pa po si Mavis" aniko.

Nag pa linga linga si Pinunong Sansy .

"Nandito na siya!" Aniya.

Nakita ko na nga siya mukhang ayos naman ang pakiramdam niya umupo na ito katabi ng dalawang lalaki.

Cloud Academy: World Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon