Cloud Five
Cloudios POV
"Can't believe! Paano nangayari ito?!"
Sigaw ni Pinunong Terindos sa na laman niyang pag salakay ng isang dambuhalang halimaw sa Cloud Academy.
Nagkaroon na naman ng hindi inaasahang pagpupulong ang mga pinuno.
Nasa loob sila ng malaking kwarto, isang sagradong room na tanging mga pinuno lamang ang pweding pumasok dito. Lahat ng nandun ay sensitive kung kaya'y kailangan ng ibayong pag iingat.
Makikita sa kwartong yun ang malaking mesa na parang pa bilog.
Kompleto ang lahat ng pinuno sa loob. Maliban kay Pinunong Guhun
"Kahit kami, Pinunong Terindos nagulat sa mga nangyari hindi naming inaasahan ang pagsalakay na yun"
Sabi ni Diva na sakanya ang oras ng training kanina.
"Pero sino ang may gawa nun? Sino ang nagpadala ng higanting halimaw sa Academy?" pag tatakang tanong tanong ni Pinunong Sansy.
Naging maingay ang room dahil, sa sinabi ni Sansy nagtaka rin ang lahat.
"Lalo nat may barrier ang Kaharian ng Cloudina so paano nakapasok ang halimaw na yun?" dag dag pa ni Gall.
Mas lalong umingay ang lahat.
"Hindi kaya'y may espiyang nakapasok dito sa Cloudina?" Seryosong sabi ni Rainster.
Biglang tumahimik ang lahat na para bang nag freeze sila sa narinig nila. Sobrang tahimik ng room.
"Hindi tayo nakasisiguro sa inyong mga sinasabi lalo nat wala tayong pruweba"
Pag aagaw sa namumuong katahimikan ni Pinunong Terindos.
"Pero, mahal na pinuno, maaring totoo ang mga sinabi ni Rainster na baka may espeyang naka pasok dito sa atin." Sansy added.
"Mas maigi kung pagbutihin ang pag babantay sa lagusan" sabi ni Gall.
"Buti nalang dumating si Windzy sa magic field dahil kung hindi baka mas lalong napahamak ang mga Cloudios students." Diva said.
"Kaya, kailangan na natin ang mga may hawak ng malakas na elemento para sa ating kaligtasan" sabi ng isang nandun.
"Pero, nandun ang dalawa pang may hawak ng elemento pero, sa tingin kong hindi pa nila ito alam kung pano palabasin o gamitin." dag dag ni Diva.
"Pero, kung makuha na mapalabas na nila yung kanilang kapangyarihan, hindi parin sila buo, dahil tatlo palang ang nandito" sabi Rainster.
Biglang tumayo si Terindos at napaisip. Na para bang meron siyang kasalanan dahil sa hindi ma ipinta ang kanyang mukha.
"Mahal, na pinuno alam natin na nasa malayo ang pang apat na may hawak ng elemento kung kaya'y hindi natin sila mahagilap dahil hindi natin maramdaman ang pwersa nila." sabi ni Sansy.
Biglang humarap si Terindos.
"Alam kong may makakatulong sa tin" He said.
At umingay na naman ang room...
Mavis POV
Nakakatakot ang mga titig nila para bang may nagawa akong kasalanan sa kanila. Tss. Ako ba ang sinisisi nila sa mga nangyari?
Lumabas na ako ng infirmary room dinala kasi si Freezy doon dahil nawalan siya nang malay. Lumabas ako dahil baka matunaw ako sa mga titig nila.
Nag lakad lakad ako sa hallway para mag isip isip.
Ano bang naisip ng babaeng yun? Bakit siya lumapit dun sa halimaw huh? What a stupid tapos ako ngayon ang sinisisi? Dahil na katayo lang ako habang pinag mamasdan silang nakikipag laban? Ano ba ang en-expect nila? Lumapit din ako dun para mangyari rin ang nangyari sa babaeng yun? I'm not an idiot to attack that monster alam ko naman wala akong magagawa dahil wala akong kapangyarihan.
BINABASA MO ANG
Cloud Academy: World Of Magic
FantasyIsa kaba sa naniniwala sa Magic? Magical World? What if kung isa ka sa kanila isa ka sa mga taong gumagamit ng magic? at isa ka sa mga may hawak ng malakas na elemento. ? Samahan ang ating mga kaibigan sa pagtuklas ng kani-kanilang sarili sa Magica...