Cloud Twenty-Eight- Ordinary World

1.3K 37 1
                                    

CLOUD TWENTY EIGHT

Mavis POV

Napansin namin na nagsisidatingan na ang kampon ng mga Dark Sorcerer, nakalutang sila ngayon sa eri, ang iba ay nakatayo at pinalilibutan na kami. We all know isang kilos na namin ay katapusan na namin. Lumakas ang bugso ng hangin dahilan upang mawala ang usok na may lason. Unti unting nag fade ang usok, kasabay nito ang patulo ng luha sa mga mata ko. All students inside of this gym are dead maliban lang sa amin, I have no idea if there is a survivor. I hope there is. Damn wala kaming magawa.

"Nagsisimula palang ang palabas." Ika ng pinunong Gal habang naka ngisi.

Tinanggal na ni Blue ang ginawa nyang bola, naka kapit parin si Windzy kay Freezy na walang malay, seryoso ang mga mukha nina Timothy, Spencer, celeb, Franc, Brix at kuya Mevi.

"Pag papanggap lang pala ang lahat ng 'yon?" Sigaw ni Timothy. "Pano mo nagawa ito sa sarili mong tahanan?" Dagdag pa nya pero ang kinakausap nya ay si Pinunong Gal. He is right paano nga nya nagawa ang mga bagay na ito, bakit umabot sa ganto ang lahat?

"Hibang ka kung sa tingin mong isusuko namin ang hinihiling mo." Sabi ni kuya Mevi. Tumawa ng malakas si Pinunong Gal, that laugh was scared me. Para bang may mangyayari pang gigimbal sa amin.

"Paano kung iharap ko sa inyo ang pinaka-importanteng tao sa buhay nyo? Mag mamatigas ka pa ba?" Sa sinabi nyang yun, natigilan kaming lahat, binalot ng malaking katanungan ang isipan ko. Anong ibig nyang sabihin? Sino ang tinutukoy nya? Sinong importanteng tao? At sino ba ang tinutukoy nyang huling sangkap?

Lumitaw ang isang babaeng nakagapos sa harapan namin. Isang babaeng pamilyar sa amin.

"Ina!" Sabay na sigaw nina Timothy at Kuya Mevi. Nagulat ako sa sigaw nila ganun din ang mga kasama ko.

Ibig sabihin magkapatid sila? Ibig sabihin ina nila s... Si Pinunong Rainster? Kaya pala ganun na lamang ang pagbibigay galang ni Timothy kay Pinunong Rainster. Pero nasan si Pinunong Sansy?

"Masdan mo ang inyong ina." Sabi nito, habang hinahawakan ang mukha ni Pinunong Rainster. Nakita ko ang galit sa mga mata ni Timothy, he is starting blow in anytime.

"Fuck off!" Kuya Mevi shouted.

"Kung gusto nyong makuha ng buhay ang ina nyo, ibigay nyo sa amin ang aming hinihingi." Sabi nito habang kinuryente ang buong katawan ng Pinunong Rainster gamit ang isang kamay ng isang Dark Sorcerer. Kaya dinig namin ang malakas na sigaw ng Pinunong Rainster dahil sa sobrang sakit.

Napakagat ng labi si kuya Mevi na ikuyom nya ang kamao.

"Fuck, don't hurt her!" Sigaw ni Timothy. Ramdam ko ang pagtangis nya, nag uunahan na sa pag-agos ang luha sa dalawang mata nya.

Parang sinasaksak ng Paulit-ulit ang puso ko sa mga nakakita. Hindi ko na kaya ang ginagawa nila.

"Ibibigay nyo samin ang hinihingi namin o masasaksihan nyo ang unti-unting pagkamatay ng ina nyo." Nakangising sabi ng Pinunong Gal. Damn this f*cking me crazy, naramdaman ko ang init sa loob ng katawan ko.

"H... H'wag nyong sundin ang i.. Inuutos nya." Kahit nahihirapan na ito sa pagsasalita pinilit parin nya ang bibig nya. "H.. Hayaan nyo na ako, isipin nyo ang kaligtasan ng lahat, 'wag nyo na akong intindihin." Dagdag pa ni Pinunong Rainster. Bumagsak na rin ang luha sa mga mata ko.

"Manahimik ka!" Sigaw ni Pinunong Gal, at agad na sinakal ang leeg ng Pinunong Rainster. "Gusto mo ng mamatay? Pwes! Ibibigay ko ang hinihil....."

"TAMA NA!" I shouted kaya natahimik sya, pinalilibutan na ako ngayon ng naglalagablab na apoy. Sinubukan akong pakalmahin ni Brix pero hindi ko magawa sinubukan ko rin pakalmahin ang sarili ko pero wala rin akong magawa, ang tanging alam ko lang na gusto ko ng matapos ang lahat ng 'to marami ng napapahamak marami ng namatay dahil sa kagagawan nila. Ngayon ang ina ng kaibigan ko ang gusto nilang patayin, so sabihin nyo kung makakaya ko pang pakalmahin ang sarili ko? Lumakas ang hangin sa loob ng apat na sulok ng gym na ito. Sa mga oras na ito ay nakuha ko ng igalaw ang buong katawan ko.

Cloud Academy: World Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon