CLOUD THIRTY-FIVE
Mavis POV
Masaya ako, sobrang saya ko nang malaman na maayos na ang lahat.
Hanggang ngayon kahit papano ay naigagalaw ko na ang buong katawan ko. Pinagmasdan ko silang nag tatawanan sa loob ng apat na sulok ng kwartong ito.
Napansin kong hindi nakiki-sabay si Windzy sa lahat, malungkot ang mukha nito, parang pinag bagsakan ng langit at lupa, okay wait what seems to be the problem?
"Hey, Windzy are you okay?" Napalingon ang lahat sa akin, natakot ako sa mga mukha nila, para bang may nagawa akong masama at kailangan nila akong maparusahan?
Siguro galit parin sila sakin, dahil nakipag yakapan agad ako kay Freezy no'ng nakita ko sya sa ordinaryong mundo, hindi ko naman alam na ibang tao pala ang kayakap ko.
Nakita kong lumapit sa akin si Brix.
"'Wag mong guluhin ang utak nya. Malungkot sya ngayon." Pabulong nyang sabi habang ang noo ko naman ay naka kunot, hindi ko sya maintindihan hindi ba dapat magdiwang ang lahat dahil wala ng problema? Wala ng kalaban?
"Bakit?" I whispered. "Dahil sa pagkamatay ng ama nya." Nanlaki ang dalawang mata ko sa narinig. Seriously? Lagot na.
"Ayos lang ako. Mavis." Mahinahong tugon nya, ramdam ko ang malungkot na boses nya. Ang ibig sabihin nakilala na nya ang ama? How tragic naman, kung kailan nya lang nakilala ang ama nya nagkawalay naman sila ulit.
Nakita kong tumayo si Blue sa pag kahiga. Naawa ako sa kapatid ko, masyado syang napuruhan maraming sugat sa kanyang katawan, sa mukha nya ngayon hindi mo sya makikilala.
Lumapit sya kay Windzy 'tsaka niyakap.
Ang sweet nila, nakakaawa ang ka sweetan nila.
Sumagi sa isipan ko ang isang babaeng matagal ko ng inaasam na mayakap.
If she's okay, where is he?
Halos mapatalon kaming lahat sa gulat dahil sa biglaang pagpihit ni Berey pinto. Tsk! Halos malaglag ang puso ko, pano kung malaglag 'to? Wala pang sasalo dahil hindi ko kapiling ang babaeng gusto kong makasalo nito.
Hingal na hingal itong pumasok ng kwarto, tagaktak din ang pawis nito. Hinabol muna nya ang kanyang hininga bago magsalita.
"Guys! May malaking problema tayo." Tumagilid ang ulo ko sa sinabi nya, na naas ang kanilang mga kilay.
"Unti unting dumidilim ang buong Cloudina." He added.
"What do you mean?" Tanong ni Professor Minerva. Nakita ko ang walang malay na si Mr. Cedric na nakahiga sa hita nya.
"Kanina nasa labas ako nakarinig ako ng malakas ng pag sabog, kasabay nito ang unti-unting pagdilim ng paligid." Ang weird kung ganon man ang nangyari eh di sana narinig o naramdaman ko ang nangyari, baka hindi pa nga talaga ako nakaka-recover. Wait pero sino ang may gawa nito?
"Sinabi ko na ngaba eh." Nagulat ako sa sinabi ni Pinunong Goldwin, sya pala ang lolo ko, sya kasi ang ama ng ama ko. Mahirap paniwalaan pero ganon talaga eh.
Lumabas ang lahat at kaming tatlo ang naiwan sa loob, ang galing lang eh? Gusto ko rin makita ang mga nangyayari.
Nakita kong tumayo si, Blue at si Windzy ina-alalayan ni Blue si Windzy sa pagtayo at naglakad na palabas.
Ako kaya ang kapatid nya, hindi manlang nya akong nakuhang tulungan. Tumayo na ako, wala akong maaasahan sa kanila.
Naiwan pala sa loob si Professor Minerva kasama si Mr. Cedric.
BINABASA MO ANG
Cloud Academy: World Of Magic
FantasyIsa kaba sa naniniwala sa Magic? Magical World? What if kung isa ka sa kanila isa ka sa mga taong gumagamit ng magic? at isa ka sa mga may hawak ng malakas na elemento. ? Samahan ang ating mga kaibigan sa pagtuklas ng kani-kanilang sarili sa Magica...