Cloud Twenty-Six- Save Steffi and Mia

1.2K 30 0
                                    

CLOUD TWENTY-SIX

Timothy's POV

"Bakit hinayaan mo ang mga batang mag tungo do'n sa kwarto ng pinunong Terindos?" Galit na sigaw ko.

"Pero, hindi ko alam na nag tungo pala sila do'n, I already told them na 'wag sila pumunta do'n pero hindi sila nakinig sa akin." Sagot nya sakin.

"Alam mo naman kuya diba kung gaano kapanganib ang magtungo sa kwarto ng pinunong Terindos? Pero..." Napaupo ako habang sinasabi ko ang mga salitang 'yon.

Nandito ako ngayon sa room ni Kuya Mevi.

"Hindi mo ba alam ang pina plano nila? Gusto nilang hanapin kung nasan sina Steffi at Mia. Pero pinigilan ko sila dahil alam ko na gagamitin nila ang kapangyarihan ni Mavis na makarinig sa malayo alam mo kung ano ang mangyayari, pupunta at pupunta sila kung saan man nila narinig ang mga boses nila Steffi." lumapit sa akin si kuya Mevi at niyakap nya ako.

" 'Wag kang mag alala, walang mangyayaring masama sa kanila okay? Ako ng bahala kuya mo ata ako no." mapagmalaki nyang tugon. Niyakap ko rin sya.

"Susubukan ko silang iligtas, habang nagkakasiyahan ang lahat. Mamaya." sabi ni kuya.

"You will be okay right?" I asked.

"Ou naman ako pa?" Napatawa ito.

Nalaman ko na totoo ang kutob namin na nasa panig na ng mga Dark Sorcerer ang Pinunong Terindos at Pinunong Gal. Na kumpirma ko 'yon nung magpunta ako sa kwarto ni Pinunong Terindos, hindi nila ako napansin dahil ginamit ko ang kapangyarihang maging invisible kaya nandun ako no'n nung makita ko na nasa bukanan ng pinto si Mavis. Alam kong may narinig sya kaya napunta sya do'n. Bakit gusto ng Pinunong Terindos pamunuan ang buong Cloudina kasama ang mga taga Dark Society? Ano ang kaugnayan nila? Sila ngang dalawa ni Pinunong Terindos at Pinunong Gal ang mga traydor sa Cloudina. Alam kong may pinaplano silang masama sa apat ng may hawak na elemento lalo na kina Mavis at Blue, hindi dapat sila makuha ng mga Dark Sorcerer. Masyadong mapanganib.

"Teka, wala ka pa bang balak sabihin sa kanila ang totoo?" Napaisip ako sa sinabi ni kuya, parang prenoseso muna ng isipan ko kung ano ang ibig nyang sabihin sa kanyang tanong, na malaman ko na kung ano agad ko syang hinarap.

"Panahon na ba kuya para sabihin ang katotohanan sa pagkatao nila Mavis at Blue?" Tumayo si kuya at tumingala sa isang malaking puno.

"Malalaki na sila. Karapatan din nilang malaman ang totoo, 'wag munang patagalin pa baka sa huli ay ikaw pa ang magsisi." Tugon ni kuya, mukhang tama nga sya, marami nang nangyari sa kanila, kailangan na din ata nila malaman ang totoo.

"Sige na hindi ka pa ba mag hahanda para sa party?" Tanong ni kuya sakin.

"Kuya, parang may masamang mangyayari do'n sa party mamaya. 'wag na kaya akong tumuloy?" Sabi pa nito.

"Ano kaba, kutob mo lang 'yan okay? 'tsaka kung may mangyari man alam kong kaya mong ipagtanggol ang sarili mo." Sabi nya at ngumiti.

"Kailangan ko na rin maghanda para sa pagsugod ko sa kwarto ng Pinunong Terindos." Sabi nito.

"Kuya mag iingat ka ha?"

"Ou, naman ako pa" Huling sabi nya at umalis na.

*****

2 hours pa naman bago ang party, naisipan ko lang munang maglakad-lakad. Sa hindi bandang kalayuan ay nakita ko sina Pinunong Sansy, Pinunong Rainster, Teacher Diva at Professor Minerva. Saan kaya sila papunta? Ah baka may pag uusapan lang sila.

Naupo ako sa circle of friends, at kasabay nito ang malalim na buntong hininga.

"Are you okay Timothy?" Nagulat ako sa biglaang pag sulpot ni Blue. Tumango ako, nakita ko syang umupo.
Hindi ko napansin ang pag dating nya.

Cloud Academy: World Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon