"Bumalik ka dito!"
Sigaw ng mga taong naka maskara. May hawak silang espada at hinahabol nila yung isang babae.
"Kailangan natin patayin yang hawak mong bata!"
Sabay na sabi nung isang taong naka maskara at siya yung nauuna sa mga humabol.
Takbo parin ng takbo yung babae at ang bata.
"Ihanda yung pana!"
Pag uutos ng isang naka maskara.
Sinunod naman yung utos niya kaya itinutok na yung pana sa babae.
At buti nalang hindi ito na ta maan."Hindi ko Ibibigay yung batang ito"
Salita ng babae, at agad naman ito huminto sa pagtakbo. Sa mga oras na yun pinalibutan na nila yung babae at yung bata.
"Hindi mo ibibigay? Kailangan natin patayin yang batang yan, sapagkat yan ang utos ng mahal na Reyna!"
Sabay na salita nung isang naka maskara na siya yung pinuno.
At inihubad niya yung maskara niya. May Mahaba itong buhok at yung begote niya ay mahaba rin."Luke?"
Nanlaki yung mata ng babae sa kanyang nakita.
"Ou, Sunny ako nga."
Sagot ng lalaki. Humakbang ito para lumapit sa bata.
At agad naman itinago ni Sunny ang bata sa likuran niya.Nakasuot si Sunny ng mahabang damit na parang isang diwata may samot saring suot ito, may kwentas na korteng araw tapos may malalaking hikaw sa tinga na parang araw din siya, nakasuot din siya ng isang korona na kulay dilaw ma silaw ito dahil naka tutuk sakanya yung araw suot ang sandalyas na may diamond yung gitna.
"Pero bakit?"
Tanong niya kay Luke.
"Kailangan ko lang sundin ang pinag uutos sakin ng mahal na Reyna!"
"Pero, hindi mo dapat gawin samin ito ng anak ko"
Nagulat ang lalaki sa mga sinambit ng babae.
"Anak?"
"Ou anak ko ito, anak ko ito kay haring Melfis"
Sigaw ni Sunny kay Luke.
"Kaya, pabayaan niyo na kami."
Pagmamakaawa niya.
"Hindi maari, sige kunin niyo na yung bata!"
Pag uutos ni Luke sa mga alagad.
"Hindi! Hindi niyo makukuha yung bata!"
Tapos biglang lumiwanag ang paligid.
"Kapangyarihan ng araw, akoy pakinggan at bigyan ng Kapangyarihan"
Tapos nag liwanag ang buong paligid at napapikit yung mga alagad ni Luke, sinangga naman ito ni Luke para hindi siya ma sinagan dahil alam niya kapag masinagan siya o kung sino man ang tamaan ng Kapangyarihan ni Sunny mabubulag ito at tanging siya lang yung makakapag pagaling nito.
"Buksan mo ang lagusan pa puntang mundo ng mga mortal."
At nabuksan nga ito. Isang invisible na lagusan ang nagbukas. Sa mga oras pala nun lahat ng mga bata ay pinapapatay ng Masamang Reyna,
ma babae man ito o malalaki."Mahal, na mahal kita anak!, lagi kitang pagmamasdan sa itaas hinding hindi kita pababayaan."
Yan ang huling sabi ni Sunny sa anak at inilagay sa leeg ng bata ang kwentas na suot nito.
Kasabay sa pag iwan ng anak ni Sunny ang iba pang mga bata dahil alam nila na sa mundo ng mga mortal ligtas ang kanilang mga anak.
"Ngayong oras na ito kasabay na pag punta ko sa araw ang aking sasambitin ngayon, lahat ng nandito ay makakalimot sa mga nangyari!"
Sigaw niya, at sumara na yung lagusan at kinain na siya ng araw. At bigla nag dilim ang kapaligiran kasabay nito ang pagkabulag at pagtanggal ng alaala sa mga natamaan ng kapangyarihan ni Sunny.
"Hanggang sa muli nating pag kikita! Anak ko!"
Ang huling na sambit ni Sunny habang kinukuha na siya ng araw.
BINABASA MO ANG
Cloud Academy: World Of Magic
FantasiaIsa kaba sa naniniwala sa Magic? Magical World? What if kung isa ka sa kanila isa ka sa mga taong gumagamit ng magic? at isa ka sa mga may hawak ng malakas na elemento. ? Samahan ang ating mga kaibigan sa pagtuklas ng kani-kanilang sarili sa Magica...