Epilogue

2.9K 46 10
                                    

People die, but your relationship with them doesn't. It continues until forever and ever.


Now Playing: It's you (While you were sleeping OST)
By: Henry Lau.

Listen this song while you were reading this epilogue. Enjoy!


Blue's POV

"Venice, bumangon kana ngayon na ang araw ng pasukan." Nagpagulong-gulong pa, sya sa kama. "Eh, papa masyado pa pong maaga" Angil nya. Ang tigas talaga ng ulo ng batang ito, kanina ba 'to nag mana?

"Tito, hindi pa ba babangon si Venice?"

"Oy, Syl nandito ka pala?" Mejo gulat kung sabi, nagulat ako sa biglaang pag litaw nya sa aking harapan.

"Ou eh, inaantok pa daw sya." Sabi ko habang napakamot sa batok. Pumunta sya sa kama at, pinalo palo ng kamay ang legs ni Venice. "Venice gumising kana! magagalit ang teacher natin kung malate tayo!" Sigaw ni Syl, sa natutulog na si Venice. Agad naman bumalikwas si Venice. Mukhang natakot sya sa sinabi ni Syl

Humikab ito at kumamot ng ulo, kinusot kusot pa ang mga mata nito.

"Bakit ka nandito?" Pag tataray nya kay Syl. "Bakit bawal ba?" Naka cross arm na sabi ni Syl. "Che! Umalis ka nga dito." Pag papa-alis nya. "Venice!" Ika ko.

"Sige po tito aalis na po ako, mukhang masama ang gising ngayon ni Venice." Lumabas na ng kwarto si Syl.

Nagmana talaga ito sa ina nya, masyadong masungit.

Masyado ng maraming nangyari sa nakalipas na taon, tulad ng ikinasal kami ni Windzy at ito biniyayaan ng isang supling na babae, si Venice.

Bumalik na sa dati ang lahat, bumalik na ang sigla ng Cloudina, bumalik ito sa tulong ng mga kwentas na nasa amin, naging buo na ang kaharian ng Cloudina kaya naging tahimik na ito. Walang gulo.

Nag karoon ng bagong batas ang kaharian, wala ng hari at wala na ring reyna. Marami na rin ang pumanaw sa mga nag daang taon, pumanaw na si haring Melfis na aking ama, maging ang Pinunong Terindos, Pinunong Sansy, Pinunong Goldwin, Teacher Diva, Professor Minerva at ang Mr. Cedric. Tanging ang mga bagong tao nalang ang nabubuhay rito sa Cloudina.

Kami na ngayon ang inatasang mamuno ng kaharian, dahil sa pag babago ng batas minabuti namin na walang ng tatayong reyna at hari, tanging mga namumuno nalang ang mag papalakad ng kapayapaan dito sa Cloudina.

"Blue?" Ayos ka lang? Nagulat ako sa pagtawag ni Windzy sa pangalan ko. "Bakit ngingiti ngiti ka pa dyan?" She added.

Nakita nya pala ang nakakahawang ngiti ko, syempre pano hindi ako ngingiti?: Una kasama ko ang pamilya ko, pangalawa walang ng problema, pangatlo kasama ko ang mga taong nag bigay kulay sa masalimout kong puso.

Akala ko wala na akong makikilang mga kaibigan, habang buhay nalang ako makukulong sa islang yun sa Fluvial Island, akala ko magiging ganun nalang ako habang buhay, maliban kay papa Vincent wala ng mag mamahal sa akin.

Laking pasasalamat ko no'ng makilala ko sila, dahil simula nang makilala ko sila nag bago ang mundo ko, nakilala ko ang ama ko, nakilala ko ang kapatid ko at ang bumago sa buhay ko ay ang natoto akong magmahal sa isang babaeng alam kong mahal na mahal din ako, at 'yon ay ang nasa harapan ko ngayon.

Cloud Academy: World Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon