Cloud Thirty-Two- The Revelation

1.5K 37 6
                                    

CLOUD THIRTY-TWO

Third Person’s POV

Sa isang madilim na silid ay naroroon ang isang lalaking nanghihina dahil sa ginawa sa kanya. Unti- unti nyang idinilat ang kanyang mga mata, inalalayan nya ang kanyang sarili upang makaupo nag palinga-linga ito na para bang may hinahanap.

“F-Freezy?” Halos hindi marinig ang boses na lumabas sa kanya.

“Are you awake?” Halos mapatalon ang lalaking nanghihina sa kanyang higaan dahil sa isang lalaking nagsalita. Pinilit nyang ilibot ang kanyang ulo upang tingnan ang lalaking nagsalita, bahagyang naningkit ang kanyang mga mata dahil sa dilim.

“S-sino ka?” Isang matipid na tawa ang kanyang narinig, napahawak sya sa kanyang batok dahil sa sakit na kagagawan ng paghampas sa kanya kanina.

“It’s been a while Guhun” isang matamis na pagbati sa kanya ng isang lalaking hindi maaninag ang kanyang mukha dahil sa kadiliman.

“Sinabi ng sino ka eh?” Pag uulit nito sa kaninang tanong. Narinig nya ang isang ingay ng kadena na tumama sa sementong sahig. Kung tama ang nasa isip nya ang lalaking kasama nya ngayon ay nakagapos sa isang kadena.

“Mahina na ba ang iyong memorya  upang hindi mo na ako maalala?” Napangisi sya sa sinabi ng lalaking nakagapos.
“Magtatanong ba ako kung kilala ko ikaw?”

“Hindi mo na ba natatandaan ang boses ko?” Nagulat si Guhun sa sinabi ng lalaki, bigla syang natahimik, parang prenoseso muna ng ilang segundo ang kanyang utak bago ito maka-pagsalita.

“The traitor!” Halos pasigaw nyang sabi, samantalang hagalpak naman ang tawa ng lalaking sinasabihan nyang traydor.

“’Yan ba talaga ang pagka-kilala nyo sa akin? Hanggang ngayon talaga hindi ka parin nag babago Guhun.” Nag-cross ang mga kilay ni Guhun sa sinabi ng kausap nya. Sinubukan nyang tumayo ngunit na bigo ito dahil maging sya ay naka-kadena rin tulad sa kasama nya, kaya habang gumagalaw ito katumbas ‘yon ng pag-ingay sa apat na sulok ng silid na iyon.

“Hindi ko makakalimutan ang ginawa mo Luke!” Sigaw nito. “Nang dahil sa ‘yo nahiwalay sa akin ang anak ko at nang dahil din sayo namatay si Fely ang mahal ko!” Tumawa na naman ito ng malakas sa sinabi ni Guhun. “Hindi mo alam ang mga nagyari Guhun, wala kang alam, kaya ‘wag kang mag-salita na parang alam mo ang mga nangyari.” Kahit hindi makita ni Guhun ang mukha ng kasama nya ramdam naman nya ang pag tangis nito.

“Anong ibig mong sabihin?” Tanong ni Guhun.

“Ako ang nag padala sa anak mo sa mundo ng mga tao, samantala….” Natahimik mo na si Luke sa kanyang sasabihin, tila pinag-iisipan lang muna nya kung itutuloy ba nya ang kanyang sasabiihin. “Samantalang ano?”

“S-Samantalang inutusan ako ni Fely na ..” Halos hindi na ito makapagsalita dahil sa paghikbi. “Inutusan ka na ano? Ano ang inutos sa iyo?” tugon ni Guhun. “Inutusan nya ako na wakasan na ang buhay nya.” Halos hindi makapaniwala si Guhun sa kanyang narinig. “A-Ano?” Dumaloy na rin ang mga luha ni Guhun. “Tinanggihan ko sya ngunit……….. sya na mismo ang sumaksak sa sarili nya.” Parang sinaksak si Guhun ng paulit-ulit sa kanyang narinig, kahit ano pa ang gawin nya kahit ano pang paliwanag ang  kanyang marinig hindi na ito maibabalik ang buhay ng kanyang asawa.

“At hindi rin ako nag traydor sa inyo, hindi ako nag traydor sa inyo, kung iyon man ang inyong iniisip dahil ‘yon sa inyo!” Humahagol-gol na ito “Kayo ang may gawa kung bakit ako nagka ganto.  Ginawa nyo akong alipin pinaniwala nyo akong mga kaibigan ko kayo. Pero hindi ‘yon ang nakikita ko hindi ‘yon ang nararamdaman ko.” Manangis-nangis na tugon nito. “Hindi totoo ‘yan naging mabuti kaming kaibigan sa ‘yo Luke, sa katunayan nga si Rainster ang dahilan kung bakit buhay pa hanggang ngayon ang anak mo.” Halos hindi makakibo si Luke sa naging pahayag ni Guhun. “Dahil nilamon ka na ng inggit kaya minabuti naming itago sa iyo ang pagbubuntis ng asawa mo, tinago namin sila sa ‘yo dahil  naging iba ka na luke, inisip namin na baka pati ang asawa’t anak mo idamay mo sa kasamaan mo. Ngunit no’ng pinanganak ni Layla ang bata hindi kinaya ng katawan nya kaya namatay sya, at tanging ang bata lang ang naligtas.”

Cloud Academy: World Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon