PROLOGUE

11.2K 154 25
                                    


THEY said destiny is not a matter of chance. It's a matter of choice. But then, she doesn't want to choose that kind of path. It's destiny who decides her own fate. To have strength means to invite disaster to come to a person. And strength alone can't really protect that person. Nobody can know how heavy a burden trying to protect another human being can be. People fight just to protect themselves, the important person around them. They say fight for peace but... Does it exists? On that sunny day, the incident happened and declares the beginning of everything.

Hinawakan ni Freya nang mahigpit ang sandata niya habang pinanonood ang isang nilalang sa 'di kalayuan. Isang matandang lalaki ang natatanaw niya na nangugulo sa gitnang bayan. Kitang-kita kung papaano tumakbo ang ilang taong bayan papalayo sa lalaking 'yon.

"Masyado talagang perwisyo sa bayan ang mga tulad nila." Saka siya umiling-iling. Lumundag siya pababa sa punong kinatatayuan. Napansin niyang nagulat ang ilang mga taong nanonood sa ilalim ng punong tinalunan niya.

Bahagya siyang luningon sa mga 'yon. Mula sa gulat na mukha'y kaagad naman silang napangiti. Ngiti na para bang nakakakita na ito ng panibagong pag-asa.

"Narito naman pala sa bayan natin si Freya. Siguradong hindi na tayo mapeperwisyo ng halimaw na 'yon." Dinig niyang sambit ng ilang kalalakihan.

Pasimple siyang napairap, hindi niya maiwasang mainis sa tuwing nakakakita ng mga lalaking umaasa lang sa iba lalong-lalo na sa mga tulad niyang babae. Hindi naman niya masisisi ang ilan dahil sa pagiging mahina. Inaamin niya noong simula, isa rin siyang mahinang nilalang na kinakailangan ng tulong ng iba para lang mabuhay nang matiwasay. Isang nilalang magpoprotekta sa kanya laban sa kapahamakan sa paligid.

"Mas mabuti nang lumayo kayo sa lalaking 'yan. Paniguradong masasaktan kayo kung biglang magpakawala nang kung ano 'yan" aniya saka hinawi ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa kanyang mukha. 

Mabilis niyang nilapitan ang lalaking 'yon sa 'di kalayuan. Sadyang nakakakilabot ang kapangyarihang ipinamamalas nito. kapangyarihan na siguradong mapupuruhan ang isang normal na tao. 'di tulad niya, ang katawan niya'y nasanay na sa pakikipagtunggali, marami-rami na rin siyang napapatumbang halimaw kung kaya't kampante siya na mapapatumba niya ito.

"Hindi ko talaga maintindihan kung bakit may mga ganitong nilalang pa ang nabubuhay sa mundo. Pwede naman silang magtago na lang sa iisang lugar at h'wag na lang gambalain ang mga tao." Iritadong sambit niya. "Anyway, i'll let you rest in peace freaking Aerico."

Aerico. Ito ang tawag sa mga halimaw na may itim na kapangyarihan. A demon pretending to be a human just to earn someone's life force. Ito ang nagsisilbing pagkain nila para mabuhay. At ang mga tulad nilang nilalang na may kakayahang makipagtunggali sa mga 'yon ang pumipigil sa kanila.

"Here it goes." Hinugot niya ang sandata niya at winasiwas sa hangin. Mabilis siyang nagtungo sa kinaroroonan nito sa pinakamabilis na takbo.

Umiwas ang ilang tao sa paligid niya. Mukhang napansin naman siya ng halimaw at humarap sa kinaroroonan niya. Namilog ang mga mata niya nang mapansin niyang lumaki ang kamay nito nang triple pa sa kamay ng isang tao. Hindi niya maiwasang magulat sa ipinakita nito lalong-lalo na sa nararamdaman niyang kapangyarihan.

"W-what the..." Mabilis siyang dumistansya nang makita ito. Narinig niya rin ang pagsinghap ng mga tao sa paligid. She smirked. "Mukhang magiging masaya 'to."

Muli siyang lumapit dito. Tumama ang espada niya sa malaking kamay ng halimaw para salagin ang atake niya. Mahahaba ang kuko n'on, mapupula ang mga mata, kinakikitaan niya ito ng kung anong aura sa paligid. Halos magtulakan ang pwersa ng kanilang atake. Mabilis siyang napaiwas nang subukan siya nitong sakmalin.

Take over ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon