KABANATA X
IBINAON ni Freya ang mahahabang kuko niya sa lupa nang tamaan siya ng atake mula sa isang aerico. Ilang araw na silang humaharap sa mga class A na aerico. Ilang beses na rin silang nakikipagtunggali nang silang dalawa lang. nakita niyang umiwas sa mga atake si Flair habang papalapit nang papalapit sa aerico. Magaling itong makipagtunggali, sadyang napapagod lang silang dalawa sa pakikipaghabulan sa halimaw.
Muli siyang umayos ng tayo at inambaan ng atake ang kalaban. Iniwasan nito ang atake ni Flair ngunit hindi nito naiwasan ang kanyang atake. Napangiti siya nang bumaon ang mahahabang kuko niya sa katawan nito. Hindi siya kaagad umalis sa tabi nito at hinawakan nang maigi ang buong ulo nito. Tila ba isang holen lang ang hawak-hawak ng kanyang dambuhalang braso at 'di maramdaman ang bigat ng aerico.
Bahagya niyang pinisil ang ulo nito. Narinig niya ang hirap nag pag-unggol nito ngunit patuloy niya lang itong pinagmamasdan. Kahit anong gawin niya, kahit na anong pigil ng sistema niya, kahit na anong sabihin ng isip niya, patuloy siya sa pagkuha ng enerhiya ng mga aericong napapatay. Nagsimulang magliwanag ang katawan nito at unti-unting pumapasok ang enerhiya ng aericong hawak sa kanyang mga braso. Nababalot sila ng bughaw na liwanag, malamig na pakiramdam.
Natigil ang kanyang ginagawa nang may tumamang kung ano sa kanyang braso. Nabitawan niya ang hawak na aerico at kamuntikan pang tumumba sa sariling kinatatayuan.
"Freya!" bulalas ni Flair nang masaksihan ang nangyari. "Ayos ka lang ba?"
Dugo. Namilog ang mga mata niya nang makakita ng dugo. Sa tagal nang pakikipaglaban niya sa mga aerico, ito ang unang beses na nasugatan ang kanyang braso kahit na may katigasan ang balat niya sa bahaging 'yon. Nilingon niya ang pinanggalingan ng atakeng 'yon. Sa isang matayog na puno, napapaligiran ng ilang mga sanga, nakita niya ang isang lalaking nakatayo sa 'di kalayuan.
Tingin pa lang niya'y alam niyang isa na itong aerico. Malinaw sa kanyang paningin ang dugong nasa likuran nito na nagsisilbing pakpak. Bahagya siyang natigilan, masyadong maraming enerhiya ang kailangan para lang makapaglabas ng gano'ng kalaking pakpak idagdag na rin ang palaso nitong gawa rin sa sariling dugo.
"Kayo pala ang aerico na pumapatay sa sariling kauri. At nakakatuwang isipin na may pinapanigan na ang isang reaper ngayon." Anito.
"Wala kang pakielam kung ano ang gagawin ko." asik niya. "Bakit hindi ka bumaba rito't harap-harapan na makipag-usap sa akin?" hamon niya rito.
Naramdaman niyang hinawakan siya ni Flair sa balikat. "H'wag kang magpadalos-dalos, Freya. Sa tingin ko'y mas malakas 'yan sa class A aerico na nakatunggali mo."
"Class S?"
"Imposible. Kakaunti lang ang uri nila."
"Kung gano'n mas mabuti nang tumabi ka't papatumbahin ko na 'to." Saka niya muling pinalabas ang malalaking mga kuko niya. Hindi pa man siya gano'ng nakakarecover sa naunang laban, heto na naman ang panibago't mas malakas pa. Naaninag niyang nagpoprotesta sa gilid niya si Flair ngunit hindi niya ito gaano pinansin.
BINABASA MO ANG
Take over ✔️
FantasyTHEY said destiny is not a matter of chance. It's a matter of choice. But then, she doesn't want to choose that kind of path. It's destiny who decides her own fate. To have strength means to invite disaster to come to a person. And strength alone ca...