13: Ambushed

1.7K 49 8
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


KABANATA XIII

THERE is a thin line between courage and recklessness. Anyone can run away from a mistake or a regret from the past, but only the brave ones can fix it right. Sa loob ng ilang buwan na pagiging reaper niya, pinipilit niyang gawin ang lahat masigurado lang ang kaligtasan ng mga tao, ng kanyang kaibigan. Pero hindi niya aakalaing sa mga araw na halos itaya niya ang buhay para rito, makikita niya itong may kasamang iba sa bayan. Walang sila, ni hindi niya nga nasabi ang totoong nararamdaman niya para rito. Hindi niya maamin ang totoong nangyari sa kanya bagkus, nagsinungalin pa siya't itinago ang katotohanan. Saka siya napatigil sa ginagawa, napaisip, tama pa nga ba ang ginagawa niya? Tama na ba ang ginagawa niyang pagliligtas kung sarili niya'y 'di nga niya magawang iligtas?

Kinuwelyuhan niya ang babaeng aerico sa kanyang harapan. Kitang-kita sa mapupulang mga mata nito ang takot sa kanyang gagawin. Hinawakan niya ito sa leeg nang mahigpit bago pa man muling ihampas ang katawan sa lupa. Bumaon ito nang ilang dangkal at halos mapasuka nang dugo. Matapos ang ilang minutong pakikipagtunggali, pagkatapos niyang makakuha ng ilang mga sugat, masasabi niyang siya na naman ang magwawagi sa tunggalian na 'yon.

"Ugh," napasuka siya nang dugo nang matamaan siya ng atake sa hawak-hawak na katunggali. Sa kanyang palagay, pinilit nitong gumawa nang gano'ng atake habang magkalapit pa sila. Pansamantala siyang napayuko't napahawak sa kanyang tagiliran. "Sa tingin mo ba makakatakas ka pa sa akin pagkatapos kong baliin 'yang buto mo sa binti?" ngumisi siya rito.

"Damn you." Hinang-hinang bulong ng babae.

"Nagagawang pumatay ng mga tao nang dahil sa labis na galit." Marahan niyang hinawakan ang pisngi ng katunggali. Pareho silang nababalot ng dugo na 'di malaman kung kanino. Parehas silang duguan, sugatan, parehong hinang-hina. "At pagkatapos, saka nila pagsisisihan."

"I-ikaw ba ang sinasabi nilang reaper na nagmula sa l-lahi ng mga tao?" Mariin niyang hinawakan ang panga nito gamit ang dambuhala niyang kamay. Hirap itong dumaing nang maibaon niya ang ilang mahahabang kuko niya sa balat nito.

"Too bad, hindi na ako tao."

"Ahh!"

"Masakit masaktan 'di ba? Anong pakiramdam nang masaktan ka ng kalahating tao at kalahating aerico? Nararamdaman mo na ngayon ang pakiramdam kung papaano masaktan ng isang tao at ng isang aerico. You should be thankful."


Hinawakan niya nang mahigpit ang panga nito. Kitang-kita niya ang hirap sa mukha nito at halos maluha-luha sa sakit na nararamdaman. Wala siyang ibang inisip kung hindi ang kitilin ang babaeng katunggali. Narinig niya ang pagtunog ng panga nito dala nang matinding pagkakapisil niya. Kasabay no'n, unti-unting nagkaroon ng liwanag sa paligid nilang dalawa. Isang pulang liwanag hudyat nang pagkuha niya sa kaluluwa nito.

Take over ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon