THEY said destiny is not a matter of chance. It's a matter of choice. But then, she doesn't want to choose that kind of path. It's destiny who decides her own fate. To have strength means to invite disaster to come to a person. And strength alone can't really protect that person. Nobody can know how heavy a burden trying to protect another human being can be. People fight just to protect themselves, the important person around them. They say fight for peace but... Does it exists? On that sunny day, the incident happened and declares the beginning of everything.Hinawakan ni Freya nang mahigpit ang sandata niya habang pinanonood ang isang nilalang sa 'di kalayuan. Isang matandang lalaki ang natatanaw niya na nangugulo sa gitnang bayan. Kitang-kita kung papaano tumakbo ang ilang taong bayan papalayo sa lalaking 'yon.
"Masyado talagang perwisyo sa bayan ang mga tulad nila." Saka siya umiling-iling. Lumundag siya pababa sa punong kinatatayuan. Napansin niyang nagulat ang ilang mga taong nanonood sa ilalim ng punong tinalunan niya.
Bahagya siyang luningon sa mga 'yon. Mula sa gulat na mukha'y kaagad naman silang napangiti. Ngiti na para bang nakakakita na ito ng panibagong pag-asa.
"Narito naman pala sa bayan natin si Freya. Siguradong hindi na tayo mapeperwisyo ng halimaw na 'yon." Dinig niyang sambit ng ilang kalalakihan.
Pasimple siyang napairap, hindi niya maiwasang mainis sa tuwing nakakakita ng mga lalaking umaasa lang sa iba lalong-lalo na sa mga tulad niyang babae. Hindi naman niya masisisi ang ilan dahil sa pagiging mahina. Inaamin niya noong simula, isa rin siyang mahinang nilalang na kinakailangan ng tulong ng iba para lang mabuhay nang matiwasay. Isang nilalang magpoprotekta sa kanya laban sa kapahamakan sa paligid.
"Mas mabuti nang lumayo kayo sa lalaking 'yan. Paniguradong masasaktan kayo kung biglang magpakawala nang kung ano 'yan" aniya saka hinawi ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa kanyang mukha.
Mabilis niyang nilapitan ang lalaking 'yon sa 'di kalayuan. Sadyang nakakakilabot ang kapangyarihang ipinamamalas nito. kapangyarihan na siguradong mapupuruhan ang isang normal na tao. 'di tulad niya, ang katawan niya'y nasanay na sa pakikipagtunggali, marami-rami na rin siyang napapatumbang halimaw kung kaya't kampante siya na mapapatumba niya ito.
"Hindi ko talaga maintindihan kung bakit may mga ganitong nilalang pa ang nabubuhay sa mundo. Pwede naman silang magtago na lang sa iisang lugar at h'wag na lang gambalain ang mga tao." Iritadong sambit niya. "Anyway, i'll let you rest in peace freaking Aerico."
Aerico. Ito ang tawag sa mga halimaw na may itim na kapangyarihan. A demon pretending to be a human just to earn someone's life force. Ito ang nagsisilbing pagkain nila para mabuhay. At ang mga tulad nilang nilalang na may kakayahang makipagtunggali sa mga 'yon ang pumipigil sa kanila.
"Here it goes." Hinugot niya ang sandata niya at winasiwas sa hangin. Mabilis siyang nagtungo sa kinaroroonan nito sa pinakamabilis na takbo.
Umiwas ang ilang tao sa paligid niya. Mukhang napansin naman siya ng halimaw at humarap sa kinaroroonan niya. Namilog ang mga mata niya nang mapansin niyang lumaki ang kamay nito nang triple pa sa kamay ng isang tao. Hindi niya maiwasang magulat sa ipinakita nito lalong-lalo na sa nararamdaman niyang kapangyarihan.
"W-what the..." Mabilis siyang dumistansya nang makita ito. Narinig niya rin ang pagsinghap ng mga tao sa paligid. She smirked. "Mukhang magiging masaya 'to."
Muli siyang lumapit dito. Tumama ang espada niya sa malaking kamay ng halimaw para salagin ang atake niya. Mahahaba ang kuko n'on, mapupula ang mga mata, kinakikitaan niya ito ng kung anong aura sa paligid. Halos magtulakan ang pwersa ng kanilang atake. Mabilis siyang napaiwas nang subukan siya nitong sakmalin.
"Damn!" Napadaing siya ng sakit nang maramdamang masugatan siya sa kanang braso. Sinipa niya ito sa tagiliran dahilan para ito'y mapaluhod. Inambangan niya ito ng atake ngunit muli itong umakate sa kanya. "I know that I have no strengths to offer. It irritates me how weak I am. But let me protect them!"
Sumagi sa isipan niya ang mga pagkakataon na nasaksihan ng mga mata niya kung papaano mamatay ang mga tao sa paligid niya. Kung papaano ito paslangin ng nga aerico noong siya'y bata pa. At ang sandali kung saan nakilala niya ang taong tumulong sa kanya upang maging malakas.
"Gusto kong mabuhay nang maayos ang mga tao sa paligid ko. Nais kong maranasan nila ang kapayapaan na 'di ko naranasan noon. Iyon ang nag-iisang kahilingan kung kaya't hindi ko hahayaan na maging hiling na lang ang lahat."
May pinihit siyang metal sa kanyang espada dahilan para mahati ito sa dalawa. Inilagay niya sa kaliwang kamay niya ang kabiyak nito at mabilis na sinugod ang halimaw. Hindi naman mahirap sa kanya ang makipagtunggali. Sa kanyang pagmamasid, napansin niyang may katandaan na ang aerico sa kanyang harapan.
Naging mabibilis ang palitan ng kanilang mga atake. Nakikita niya rin ang epekto ng palitan ng kanilang pwersang pinakakawalan. Halos mabiyak ang lupang kanilang tinatapakan. Nagawa niyang mahiwa ang higanteng kamay ng halimaw dahilan para dumamak ang dugo nito. Namantsahan pa ang ilang parte ng kanyang damit at tumalsik ang ilan sa kanyang katawan.
Mabibigat ang kanyang atake. Napangisi pa siya nang makita niyang napuruhan niya ito sa ilang parte ng katawan. Mahina na ang halimaw sa kanyang harapan. Marahil sa katandaan nito kung kaya't nahihirapan na rin itong sabayan ang kanyang atake.
Napasalampak ito sa lupa kung saan tinutukan niya ito ng talim. "Tell me. Why are you bothering this town?"
Nakita niya itong ngumiti habang hawak-hawak niyo ang nagdurugong sugat. Ang mapupulang mga mata nito'y bumaling ng tingin sa kanya. "Ang mundong ito'y nababalutan ng karahasan. Hindi ba't nakakalungkot isipin na palaging maraming namamatay?"
Hindi niya alam kung matatawa ba siya o hindi sa narinig. Hindi niya aakalaing manggagaling pa ang mga salitang 'yon sa isang nilalang na mismo pang gumagawa ng kaguluhan.
"Kung kaya't narito ako para pigilan ang mga tulad mo." Mas lalo niyang inilapit ang talim ng sandata sa leeg nito. "Aerico just like you are the reason why this world is full of shits."
Mas lalo siyang nakaramdam ng inis nang masilayan niya ang nakangiting mukha nito sa kanya. Aambangan na niya sana ito ng huling atake nang salagin ito ng katunggali. Naging mabilis ang pangyayari, narinig niya ang malakas na hiyaw ng mga tao sa paligid.
Namilog ang mga mata niya nang makitang nakahawak sa kanang braso niya ang malaking kamay ng halimaw. Napadaing siya ng sakit, napahiyaw ng malakas. Pakiramdam niya'y may bumabaon sa kanyang braso. Ni hindi niya magawang ilayo ang sistema niya sa lalaking 'yob dala ng panghihina. Pakiramdam niya'y madudurog ang kanyang buto. Napapikit siya ng mariin mahigpit niyang hinawakan ang kabilang sandata at 'di na nagdalawang isip na kitilin ang buhay ng halimaw.
Binitawan siya nito at tuluyang bumulagta sa lupa. Winasiwas niya ang sandata niya at hingal na umayos ng tayo. Binalikan niya ng tingin ang kanang braso at wala siyang nakitang kahit ano maliban na lang sa galos na natamo niya noong atakihin siya nito.
"Damn. I shouldn't let my guard down." Asik niya.
Nilingon niya ang mga tao sa paligid. Kitang-kita niya kung papano mapangiti nang makita nilang napabaksak niya ang halimaw. Napuno ng hiyawan ang paligid, tuwa at kagalakan ang namamayagpag.
"I fight for peace," she whispered. "I protect those smiles and life."
FORBIDDEN FATE SERIES:
Prince of darkness
RewindTake Over Esdeath Lamperouge
BINABASA MO ANG
Take over ✔️
FantasyTHEY said destiny is not a matter of chance. It's a matter of choice. But then, she doesn't want to choose that kind of path. It's destiny who decides her own fate. To have strength means to invite disaster to come to a person. And strength alone ca...