KABANATA XVII
ILANG buwan ang nagdaan. Ilang araw na ring tinitiis ni Freya ang pagpapahirap sa kanya ni Arcana at ang ilang mga tao sa lugar na 'yon. Napasalampak siya sa malamig na simento matapos siyang itulak ng ilang mga lalaki. Narinig pa niya ang pagtawa ng mga 'yon habang isinasara ang kanyang kulungan. Namamalat na ang kanyang mga labi, nanlalamig ang kanyang katawan. Hinang-hina na siya sa sandaling 'yon at halos natuyo na ang ilang dugo sa kanyang katawan. Mga dugo na isinusuka niya sa tuwing kumikiro ang kanyang sistema.
Daig pa niya isang halamang hindi nadiligan. Kulang na kulang siya sa enerhiya at iniisip kung ilang buwan—o baka araw—na lang siya magtagal sa mundong 'yon. Mariin siyang napapikit kasabay ng pagdaing sa kanyang likuran. Hindi nakaayos nang mabuti ang kanyang damit kung saan mas lalo niyang nararamdaman ang pagkirot sa napasong balat. Napapamura na lang siya sa kanyang isipan sa tuwing maalala ang ginawa sa kanya ni Arcana bago pa man siya muling ipatapon sa kulungan.
Halos mapaos siya sa pagsigaw niya nang ilapat nito sa kanyang balata ng mainit na bakal na talaga namang nagpapangiwi sa kanyang katawan. sa tuwing naalala niya 'yon ay hindi niya makalimutan ang masayang ngiti sa mukha ni Arcana. Paulit-ulit siyang tinatanong nito sa tanong na paulit-ulit niyang sinasagot. Minsan, hindi niya alam kung pinaglalaruan na lang siya nito o hindi.
Dahan-dahan niyang inalalayan ang kayang katawan. Kumuyom ang kanyang kamay nang makita niyang namumuo ang kanyang ugat sa braso. Batid niyang nangyayari na sa kanya ang nangyayaring sintomas kay Shanaia noon. Kahit na hinang-hina, hindi pa rin siya nakaligtas sa makakapal na kadena na itinali sa kanya ng mga kasamahan ni Arcana. At sa sandaling 'yon, wala siyang magawa kung hindi ang mahiga sa malamig na simentong nababalutan ng kanyang natuyong dugo habang nakatingala sa madilim na kisame.
"Sinasabi ng mga tao na mapakanit ang mga aerico kahit na ang totoo, mas nakakatakot pa sila kaysa sa mga 'yon. Sinasabi nila na may mga halimaw sa mundong 'to maging sa labas nito. Ngunit 'di sila nalalayo sa depinisyon ng pagiging halimaw. Pagkatapos mo silang iligtas sa kapahamakan, itutulak ka nila sa karimlan. Pagkatapos mo silang tulungan, sila pa ang unang magtatraydor sa 'yo." Dahan-dahan siyang napapikit kasabay ng malalim na paghinga. "Iyan ang mga tao." Isip-isip niya. "Bakit sila ganito? Bakit binibigyan nila ako ng dahilan para pagsisihan ang pagliligtas ko sa kanila?"
"Hindi nila nais masaktan ngunit sila ang nauunang manakit. Gusto nilang may tumulong sa kanila ngunit sila pa ang nagtutulak sa mga 'yon papalayo, binibigyan ng rason para kamuhian." Idinilat niya ang kanyang mga mata at muling inaninag ang madilim na paligid. "Hindi nila binibigyan ng pagkakataon ang ilan para makapagpaliwanag, naniniwala lang sila sa nakikita ng kanilang mga mata. Eyes are the most sinful part of the human body while tongue only speaks what they saw."
Nagiging mabagal ang sumunod niyang hininga. Kusang pumikit ang talukap ng kanyang mga mata at tila ba nauupos na siyang kandila. Naririnig niya ang mabagal na pagtibok ng kanyang puso na para bang iyon na ang mga huling tibok nito. Hindi niya magawang lumuha kahit na nakakalunod na kalungakutan ang nangingibabaw sa kanyang sistema.
BINABASA MO ANG
Take over ✔️
FantasyTHEY said destiny is not a matter of chance. It's a matter of choice. But then, she doesn't want to choose that kind of path. It's destiny who decides her own fate. To have strength means to invite disaster to come to a person. And strength alone ca...